Dedicated kay Imonnyyyy na kinukulit ako sa twitter, facebook, text at call para magUD na. HAHA :D
Salamat Imony! :P
Pasensiya na ngayon lang ito. Lame Update. hehehe :P
====================== ^____^v ==========================
CHAPTER 17 – I’m Still Married
|Natalie’s POV|
“Mmmm…”
“Aye—Natalie?”
Dahan-dahan kong inimulat ang mga mata ko.
“Nasaan ako?”
“Andito ka ngayon sa hospital.”
“Bakit?” matagal siyang hindi nakasagot. Arg. Nahihilo pa rin ako though hindi naman masyadong malala.
“Bigla kang nahimatay kanina right? The doctor says you’re over fatigue Natalie.” Over fatigue? Kaya pala? Kaya pala ako laging nahihilo at nasusuka these past few days.
“Theo…” bigla kong naalala ang mga nangyare kanina. “Si Rhiea…”
“Natalie please kaya ka nagkakaganyan dahil sa sobrang pag-aalala mo kay Rhiea.” Saad niya. Sinuklay niya ang buhok niya gamit ang mga kamay at tumingin sakin ng worried face.
“Theo, hindi mo maitatangal sakin ang sobrang pag-aalala sakanya. Anak ko siya Theo… Anak ko.” Sagot ko sakanya. Totoo naman eh. “To think na ang kumuha sakanya ay ang sarili niyang ama.” Nagpumilit akong bumangon at umupo sa kama habang inalalayan niya ako.
“That’s the point Natalie. She was taken away by her own father. It’s Chase, her father Natalie and there’s nothing to worry about. Hindi siya sasaktan ni Chase dahil anak niya ito.” Umupo siya sa katabing stool at hinaplos ang mukha ko.
“Ofcourse I know.”
“No… You actually don’t understand what’s happening Natalie.” Anong sinasabi niyang I don’t understand?! Naiintindihan ko.
“No Theo you’re the one who doesn’t understand what’s happening dahil hindi mo alam kung ano ang feeling ng maging isang magulang.”
“So mag-aaway na naman ba tayo Natalie?” he let go a deep sigh and it sounds frustrated. “For six years na nakasama kita, five years akong tumayong ama ng kambal. Hindi pa ba yon sapat para sabihin mong hindi ko alam ang feeling na maging isang ama?” agad niyang inihilamos ang mga palad sa mukha. “Kaya ako hindi nag-aalala at kaya ko hindi muna gustong kunin si Rhiea sakanya dahil alam kong nasa mabuting kamay na siya. At higit sa lahat I want to settle the mess that we’ve made. I made…”
Hindi ako nakasagot sakanya. Nanatili akong walang imik at ganun din siya. Walang gustong mag salita sa aming dalawa.
Bakit ko nga ba nasabing hindi niya alam kung anong feeling ng maging isang ama? All this time nasa utak ko na hindi siya talaga ang tunay na ama. Yun siguro yon. Ang tanga-tanga ko naman.
“Pwede mo ba akong samahan?” pagsisimula ko. May lugar kasi akong gustong puntahan ngayon.
“Sige. Itatanong ko sa doctor kung pwede ka na bang iuwi.” Naglakad siya papuntang nurse station.
BINABASA MO ANG
I'm still Married (Book Two)
RomanceAng buong akala nila, PATAY na ako. Paano kung magkita kami ulit? Ano ang gagawin ko? Makikikilala pa ba niya ako?All Rights Reserved 2012. Copyright of MissZeeGee