Chapter 18:2
Continuation...
------------
"Ang tanong Sissy? Kailan mo sila kakausapin?"
Bigla na naman akong napaisip.
Kailan nga ba?
"Hindi ko alam." sagot ko.
"Alam ba nila na hindi totoong patay kana? Na buhay ka pa?" Bakit ba ang kulit-kulit nitong bestfriend ko?
"Siguro. Ewan hindi ko alam..."
"Haay.. Naku! Ewan ko sayo."
"Siguro nga by now, alam na nila Mommy na buhay pa ako. Kasi sabi ni Theo sa akin umuwi daw ng states si Ayina. At malamang nasabi niya na yun kina Mommy."
"I see... What if kung alam na nila Sissy? Anong gagawin mo?"
"Hindi ko alam eh. Siguro nga malalaman ko na lang kung nandun na ako sa sitwasyong yun. Pero I think ang unang gagawin ko ay sumbatan sila. Sumbatan kung bakit nila ako iniwan kay Lolo noon, bakit nagsinungaling sila sa akin at bakit hindi sila gumawa ng paraan para mahanap ako. Nakuntento lang sila na malamang patay na ako. Masakit Sissy. Alam mo ba yun?" dire-diretso kong sambit sa kanya.
"Maybe may reason sila kung bakit nila ginawa yun Sissy. Kaya nga dapat na kausapin mo sila. Pero teka may tanong ako."
"Ano yun?"
"Naguguluhan kasi ako sa sinabi mo sa akin kanina... Lies? What about that? Yung Kuya Nataniel mo may kambal? Tapos si Ayina? Kambal niya si Ayina?" magulong tanong ni Katleen.
"Si Kuya Nataniel may kakambal siya at yun ay si Kuya Nathan. And si Ayina, she's my younger sister. Siya ang bunso sa aming apat na magkakapatid."
"Pero I thought she's your step sister?"
"No... Yun ang isang kasinungalingan na ginawa ng mga magulang ko. And even Lolo... Hindi ko alam kung bakit nila ginawa yun."
"Eh? Paano mo naman nalaman?"
"I was commatause for one month and then one day nagising ako sa isang nightmare."
"Nightmare?"
**
"Natnat dito ka sa gitna namin ni Kuya Nathan mo." utos sa akin ni Kuya Nataniel.
"No Kuya dito ako sa side."
Nasa loob kame ng sasakyan papuntang park. Si Daddy ang nagdadrive, si Mommy naman nasa passenger seat habang nakakalong sa kanya si Ayina. I know she's Ayina dahil sa balat niya sa may left arm. At nasa backseat ako katabi sina Kuya Nataniel at ang kakambal niyang si Kuya Nathan.
"Natnat listen to your Kuya Niel." sabi ni Mommy.
"I don't want to."
"Natnat makinig kana sa Mommy at mga Kuya mo." may halong pagbabantang sabi ni Daddy.
"Daddy naman eh... Ayoko.."
"Klane Isa! Baka buksan mo yang lock ng door at mahulog ka.. Sige ka!" medyo pasigaw na sabi sa akin ni Kuya Nathan.
Si Kuya Nathan. Siya lang ang tumatawag sa akin na Klane. Ayoko kay Kuya Nathan dahil hindi siya mabait sa akin. Suplado at laging seryoso.
"Hindi nga sabi eh! Hindi ako mahuhulog oh...oh..." Sabay pakita ng pinto.
"Ang tigas talaga ng ulo mo Natalie." Galit na nilingon kami ni Daddy.
"DADDY STOP LIGHT NA!!" biglang sumigaw si Kuya Nathan at kasabay nun ang pagbusina ng malakas mula sa labas ng kotse.
"PRRTTTTTTTTTTTTTTTTTTT"
Tapos bigla na lang akong hinila ni Kuya Nataniel papunta sa gitna at niyakap ng sobrang mahigpit.
Yung tipong hindi na ako nakahinga.
**
"At nagising ako mula sa pagkakatulog at bigla ko na lang naalala ang lahat ng mga childhood memories ko."
"Pero sure ka ba na totoo ang lahat ng yun at hindi panaginip lamang? Malay mo diba?" tapos nginitian niya ako.
"Alam kong totoo ang lahat ng mga naalala ko nung sandaling yun dahil sa nakita kong picture noon sa wallet ni Lolo."
"Picture? Anong picture?"
"Isang family picture. Si Lolo katabi si Daddy at Mommy habang nakaupo kaming apat. Si Kuya Nataniel, Ako. si Ayina at si Kuya Nathan na nakasalamin. Nung nakita ko yun noon, tinanong ko yun kay Lolo pero hindi niya ako sinagot."
"Hindi mo talaga naisip na kulitin siya?"
"Hinde. Kasi bigla na lang sumakit ang ulo ko noon kaya dinala ako sa hospital hanggang sa nakalimutan ko na ang tungkol sa picture na yon."
"Sissy..." nakita ko ang napaka concern na mukha ni Katleen.
"I know..."
|END OF Natalie's POV|
***
Tatlong araw mula nung umuwi si Lolo sa Pilipinas ay uuwi na rin sina Daddy at Mommy, ang parents ni Natalie mamayang hapon.
"Kailan mo siya balak puntahan?" tanong ni Lolo sa akin after kong sabihin sakanya kung saan nakatira ang asawa ko.
|Chase' POV|
"Kapag natapos na po ang pinapagawa kong regalo sakanya. At kapag nakaipon na ako ng lakas ng loob para muling ipaliwanag sakanya ang lahat Lolo." sagot ko.
"Kailan pa? Kung huli na naman ang lahat?"
Hindi ako makakapayag na mawala pa ulit siya sa akin.
"Hindi Lolo malapit na." Kapag natapos na ang ginagawa namin ni Katleen.
"Paano mo naman nalaman kung saan siya nakatira Chase?"
"Sinabi sa akin ng bestfriend niyang si Katleen."
Tumayo ako mula sa kinauupuan ko.
"Paano? Nagkikita kayo?"
"Opo." Nagkita kami kanina ni Katleen sa site.
"Ah. Lolo may tanong po pala ako sa inyo?"
"Ano yun?"
"May nabanggit kasi sa akin si Katleen tungol sa isang lihim na tinago niyo kay Natalie?"
Nakita kong rumehistro ang pagkagulat sa mukha ni Lolo.
Ano bang lihim yun?
To be Continued...
BINABASA MO ANG
I'm still Married (Book Two)
RomanceAng buong akala nila, PATAY na ako. Paano kung magkita kami ulit? Ano ang gagawin ko? Makikikilala pa ba niya ako?All Rights Reserved 2012. Copyright of MissZeeGee