ISM.22
|Chase' POV|
Nagsimula na kaming bumiyahe at hindi ako mapakali sa gagawin ko mamaya. First time ko yun eh at hindi ko alam kung ano ang isasagot ni Natalie. Ilang oras din kaming nasa byahe bago ko natanaw ang gate sa medyo may pagburol na lugar. Ang ganda talaga ng tanawin dito at sobrang presko ng hangin.
“Yan na ba Chase?” bigla niyag natanong. Tahimik lang kasi siya buong byahe.
“Yes Honey. Gisingin mo naman ang mga bata oh.”
“Sige.” tumingin siya sa likod at niyugyog konti sina Daile at Rhiea. “Kids gising na nandito na tayo.”
“Mmmm...”
Binuksan ni Kuya Ouki ang gate.
“Oh naging balbon na si Kuya Ouki. Ngayon ko lang pala siya ulit nakita. Teka bakit nandito sila? Si Ate Min ba yun?”
“Min?”
“Di mo ba natatandaan? Min... Si Ate Mimi.”
“Ay oo nga pala noh...”
“Oh bat nangingig ka?” tanong niya at pinreno ko na nag sasakyan sa bakanteng lugar.
Suot niya ang isang puting simpleng dress pero elegante na binili ko two days ako. Ang ganda talaga ng dating bestfriend at asawa ko na ngayon. Sa dami ng pinagdaanan namin siguro panahon na rin ito na maranasan din namin ng sumaya. Matanda narin kami, ay twentyfive pa lang naman ako eh at twentyfour si Natalie.
“Imbitado rin pala sila sa kasal? Sino ba ang ikakasal Chase?” hindi ko siya sinagot.
Bumaba na ako ng sasakyan at binuksan ang pinto para kay Natalie at sa mga bata. Dali-dali siyang nilapitan ni Ate Mim na karga ang anak nito at si Kuya Ouki. Sinenyasan ko si Katleen na lapitan si Natalie para hindi niya mapansin ang ginagawa ko.
Ilang sandali pa ay narinig ko na ang mga tawanan at kamustahan nilang apat.
“Iiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii!” tunog ng mic.
Lahat ng tao napatingin sa akin.
“Chase?” tanong ni Natalie.
Hinablot sa akin ni Ate Mimi ang mic.
“Hanggang ngayon po ay pangit pa rin itong si Chase.” nagkatawanan ang mga tao habang si Natalie nakatingin lang sa amin. “Okay dahil po sa request ni Chase Pangit ay eto na... Hindi na ako magiging kontrabida sa love story nila. Hahahaha!” baliw pa rin eh. Binigay niya sa akin ang mic at pinuntahan si Natalie.
Nagsimula ng tumugtog ang Grow old with you. Kinakabahan ako....
I wanna make you smile whenever you're sad...
Carry you around when your arthritis is bad...
Oh all I wanna do is grow old with you...
Lumapit ako kay Natalie.
I'lll get your medicine when your tummy aches,
Build you a fire if the farnice breaks,
Oh it could be so nice, growing old with you...
Hinawakan ko ang kamay niya.
I'll miss you
Kiss you
Give you my coat when you are cold
Need you
Feed you
Even let ya hold the remote control
Ngumiti siya sa akin at tila maiiyak na.
So let me do the dishes on our kitchen sink,
Put you to bed when you've had too much to drink...
Tumingin ako sa mga mata niya na ngayon ay naluluha na. Lumuhod ako habang hawak ko ang isang kamay niya.
I could be the man who grows old with you...
Binitawan ko ang kamay niya at kinuha sa coat ko ang box.
I wanna grow old with you...
“Natalie, will you marry me... again?” sabay bukas ng box.__
:D bibitinin ko muna kayo. muehehe
BINABASA MO ANG
I'm still Married (Book Two)
RomanceAng buong akala nila, PATAY na ako. Paano kung magkita kami ulit? Ano ang gagawin ko? Makikikilala pa ba niya ako?All Rights Reserved 2012. Copyright of MissZeeGee