MZG A/N: I decided to update via phone for I don't have time to encode through pc. It's a time consuming for a busy person like me. Please do understand my situation and don't be so demanding. Writing is only my hobby and studying is my concentration.
~
Few hours ago...
"Four pm sharp, pupunta ba ako o hinde?" sabi ko sa sarili ko habang papunta sa kitchen.
|Natalie's POV|
"Saan ka pupunta Natalie?" hindi ko napansin na nakasunod pala sa likod si Theo.
"Ah eh..."
"Magkikita ba kayo?"
"Narinig mo ba?"
"Oo"
"Narinig mo naman pala eh, tinatanong pa. Hmmm"
"Sure ka na ba with your decision? I mean... You know baka hindi mo pa kaya?" tingnan mo to, nung ayaw kong magpakita kay Chase pinipilit ako tapos ngayon tinatanong ako kung sure na ako?
"Tumawag si Rhiea kanina. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang phone number ng pad pero you know that she's intelligent. Kaya I decided na--" bigla akong nakaramdam ng pagsakit ng tiyan ko. Not now...
"Tch! Tingnan mo yan, sumakit ang tiyan mo. Baka mapano pa-- ka pa kaya ako na lang pupunta ok? Baka di mo kakayanin. Ok?"
His expressions... Could it be he already know?
"Ok" yun lang ang nasagot ko.
I don't want to argue with him because I know he would insist at baka mainis lang ako.
Pagkatapos nun ay naghanda na siya at nagbihis para makaalis na. Sinadya niya pa nga atang malate eh, hindi ko na lang siya pinansin dahil I still wonder kung alam na ba niya or hinde?
Ah! Yung doctor!
Mabilis kong kinuha ang bag ko at hinanap ang calling card ng doctor na pinuntahan ko kahapon. Ang OB na nagcheck-up sa akin nung dinala ako ni Theo sa hospital.
Pagkatapos ng conversation namin, nalaman ko na alam na ni Theo ang lahat. Simula pa nung dinala niya ako sa hospital.
Ilang oras ang nakalipas at dumating na rin siya at tinanong ako ng what if kung buntis ako at si Chase ang ama. Ano ang gagawin ko?
Ilang araw ko na ring iniisip kung ano nga ba ang gagawin ko.
Mahal ko pa rin si Chase at nakakainis yun! Hindi sapat ang anim na taon para makalimutan ko siya at ginustu ko pa na may mangyari sa amin nung gabing yun.
Matapos kong sabihin sakanya ang nararamdaman o at ang desisyon na makausap si Chase. Dinala niya kami ni Daile sa isang pamilyar na lugar.
Ang bahay ng mahal kong Lolo.
"Ready ka na ba?" tanong niya sa akin.
"Uhm.. Bahala na."
Bumaba kami ng sasakyan at nagdoorbell. Pinapasok kami sa bahay ng bagong maid. Mula sa labas, rinig ko ang ingay mula sa loob pero I ignored it.
And that was a BIG MISTAKE.
"Sir may bisita po pala kayo." sabi ng maid.
"Sino?"
Pumasok ako sa sala at...
"Ako po Lolo." I saw my Mom, Dad, Ayina, Lolo, Chase, Ayina's boyfriend GD a-and a f-familiar face.
"Natalie!"
"Natalie anak!"
"Bakit nandito kayo! Theo ano to! Diba sabi ko si Lolo at Chase lang!" may alam ba siya tungkol dito!?
Pinilit ko siya umuwi na kami pero bigla akong hinila ni Chase at niyakap.
Matagal kong hinintay na mayakap niya ako muli katulad ng pagyakap niya sa akin ngayon.
Dahil dun tuluyan ng tumulo ang luha ko.
Ang sakit at bigat ng dibdib ko pero nakuha ng yakap ni Chase na paganhawain ang loob ko.
"Tahan na Honey..."
"Natalie..." bumitaw ako mula sa pagkakayakap at humarap sa sakanya.
"Ilayo mo ako dito Chase. Plea--"
"Klane" ang boses na yun.
"Nathan umakyat kana muna sa taas." narinig kong sinabi ni Daddy.
"Na-Nathan???" pilit kong inaalala ang mga naaalala ko noon.
~
"Klane huwag matigas ang ulo."
"Klane huwag mo sabing kunin ang libro ko ng walang permiso!"
"Klane ang sketch book ko pinakealaman mo na naman!"
"Klane! Klane! Klane!"
~
"Ahh.." ang sakit ng ulo ko.
"Honey anong masakit?" bigla akong inalalayan ni Chase.
"Klane..." mahinang tawag niya sa akin.
"K-kuya Nathan...Aargh" bigla namang sumakit ang tiyan ko.
"OH MY GOD!" sigaw ni Ayina.
"Ayen!" sigaw naman ni Theo. Napangiti ako sa muling pagtawag niya sa akin ng 'Ayen'.
"Natalie anak!" parehong sigaw ni Dad and Mom.
"Ang baby natin!" sigaw din ni Chase.
Nakaramdam ako ng mainit sa binti ko at nakita kong may tumutulong dugo.
"Mommy!"
"Bakit may dugo!?" sigaw naman ni Lolo.
Unti-unti ng nagbe-blured ang paningin ko.
"Bakit yan!?"
"God! She's pregnant!"
"What! Who's the father!?"
"Ofcourse I'm the father!"
"But how!"
"Ano ba kayo! Dinudugo na si Ate nagtatanungan pa kayo diyan!"
"Tara na!"
Hindi ko na alam kung sino ang nagsisigawan at unti-unti na iing nawawala ang senses ko.
"Chase dalhin mo na ako sa hospital... I can't take it anymore. Please..."
"Yes! Yes!" kinarga niya agad ako papunta sa sasakyan.
"Ang van! Dun tayo sa van! Dalian mo Chase! Mag-ingat kayo!"
"Sasama ako sa kanila!"
Naramdaman kong may tumabi sa akin sa passenger seat at inilagay sa lap niya ang ulo ko.
"Wait ate... Huwag kang mag-alala okey?"
"Ang baby ko..."
"You'll be okey and so with the baby."
"Ayina huwag mo siyang hayaang mawalan ng malay!"
"Yes Kuya! Hurry up!"
"Yes! Eto na nga oh!"
"Ate wait lang.."
Ilang minuto ang nagdaa at hindi ko na talaga kaya.
"Here!"
~~~
to be continued
BINABASA MO ANG
I'm still Married (Book Two)
RomanceAng buong akala nila, PATAY na ako. Paano kung magkita kami ulit? Ano ang gagawin ko? Makikikilala pa ba niya ako?All Rights Reserved 2012. Copyright of MissZeeGee