Chapter 6:2^The Delivery

25.5K 230 30
                                    

She's Living With The Superstar

Chapter 7

-

Pagbukas ng pinto, agad kong nakita ang isang Ayen na mahimbing na mahimbing ang tulog. Napansin ko ring hindi na malaki ang tiyan niya.

|Theo's POV|

"Fraternal Twins" mahinang sabi ni Ayina.

"......" wala akong sagot.

"Muntik na siyang malagay sa panganib" nagulat ako sa sunod niyang sinabi.

"Bakit? Bakit anong nangyari?" pabulong kong tanong.

"Natulog si Ate, di niya kinaya ang manganak" impit niyang tugon.

"Mabuti na lang at walang nangyare..."

"Ikaw agad ang hinanap niya pagkatapos naming magusap dalawa.. I mean, pinatawag ka niya pero hindi ko ginawa and thank God I saw you" sabi niya.

Ibig sabihin... Alam na niya?? So why kailangan pa niyang magtanong sakin kanina?

"I bet alam mo na" sabi ko.

"Yes" halos wala ng boses ang tugon niya kaya tumingin ako sakanya at nakita siyang...

Umiiyak.

"Bakit??" lumapit ako sakanya. Nakatayo kc kame sa may pinto ng room.

"Wala"

"Bakit nga?" lumapit ako sakanya at tinitigan siya ng mabuti.

"Huwag ka ngang tumingin... Lapitan mo na si Ate" nararamdaman kong masakit din ang nararamdaman niya kaya di ko na napigilan ang sarili kong yakapin siya.

Kanina ko pang pinipigilan ang sarili ko.

MAHAL PA RIN KITA AYINA

"Ano ba.." nagpupumiglas siya pero mas malakas pa din ako kaya wala rin siyang nagawa.

"Ayina.." sabi ko.

"Diba masaya kana ngayon?" tanong niya.

"Oo"

Pagkatapos nun, hindi na kami nagkaimikan. Kayakap ko na siya ulit ngayon. Matagal ko ding hinintay ang pagkakataong ito.

Pagkatapos ng ilang minuto, humiwalay ako sa pagyakap sakanya at tinitigan ng mabuti ang maamo niyang mukha.

"Bakit?" mahinang tanong niya.

"I missed you" sabi ko.

"You---" di ko na siya hinintay na ituloy ang sasabihin.

Hindi ko na napigilang...

Halikan siya.

Patuloy lang magkadikit ang mga labi namin, walang nangangahas na gumalaw. Parehong nagpapakiramdaman.

Kaya ang kaninang magkalapat lang ay unti-unti ko ng ginalaw pero agad niya akong tinulak.

"Anong ginawa mo?"

"Hinalikan ka?"

"Bakit!? Ano bang gusto mo Theo?! Hindi dapat natin ginawa yun, pano kung nagising si Ate?"

hindi ako sumagot. Pano nga kayakung nagising si Ayen? Ano ang magiging reaction niya??

*Toktoktok* sabay bukas ng pinto.

"Here they are" pumasok ang dalawang nurse na may kargang mga babies.

Nilapitan nila si Ayen na nakahiga at laking gulat kong gising siya!

Nilagay nila ang mga baby sa magkabilang side ni Ayen. Nakangiti siya.

"Ang cute nila diba?" sabi ni Ayen at lumabas ang mga nurse. "Babies, Ako si Natalie Klane Hyo pero call me Mommy Ayen, I'm your true Mom" sabi niya. Nagtinginan lang kame ni Ayina.

"At ako naman ang Daddy niyo" ako.

"Ate kamukha mo yung isa.. Nakablue oh ibig sabihin boy" sabi ni Ayina. Parang wala lang nangyari.

Nakita kong ngumiti si Ayen.

"Mas kamukha ko yung baby boy. Junior ko yan eh" sabat ko.

"Haha. Ikaw talaga" sabi ni Ayen. Nilapitan ko sila at kinarga si Baby Boy.

"Baby Junior ko.." sabi ko tapos nilalaro-laro ang baby.

"Makakaupo ba ako?" narinig kong tinanong ni Ayen si Ayina.

"Ate naman... Hiniwa yang tiyan mo. Sasakit yang sugat" sagot ni Ayina.

"What!? Cesarean ako? Di ako nanganak ng normal?" nagulat si Ayen.

"Cesarean siya?" kahit man ako'y nagulat din sa narinig.

"Ate, diba nga nakatulog ka sa panganganak mo? Pano nila ilalabas ang bata nang wala ang tulong mo" sagot niya.

"So you mean hiniwa talaga nila ang tiyan ko?"

"Opo ate."

Walang nag-imikan sa aming tatlo. Kinuha ni Ayina ang isa pang baby at kinarga ito.

"Ate ano pa lang pangalan nila??"

Nagtinginan kaming dalawa.

"Daile at Daine" sagot namin.

"Yun lang?"

"Rhiea Daine and Adrian Daile" sagot ni Ayen.

"Ayaw mo ng Natalie Klane or Chase Aiden the second, kamukha ni Kuya Chase si Baby girl oh?? Ate?"

Hindi sumagot si Ayen, sa halip ay pumikit na lang ito.

May kumatok ulit sa pinto at pumasok ang dalawang nurse.

"Time to get the babies" nakangiting sabi nung isa.

"Take care please" sabi ko sa kanila.

"Ofcourse Mister"

"By the way, who came out first?" tanong ko.

"The Baby Girl" nginitian kami ng nurse. "We'll go now" paalam niya tapos lumabas na sila.

Tahimik sa loob ng kwarto. Walang nagdedare na magkwento. Nilapitan ko si Ayen at umupo sa tabing silya nito.

"Alam mo bang pinakaba mo ako? Akala ko ano ng nangyari sayo, buti na lang at nakita ka ni Ayina" hinawakan ko ang kamay niya.

Lumabas si Ayina ng kwarto.

"Babe, hindi ko alam kung ano tong nararamdaman ko. Naguguluhan ako"

"Salamat Theo.." nakadilat si Ayen.

"Salamat sa saan?"

"Sa lahat-lahat, sa pagtanggap sa akin kahit alam kong may mahal ka" nagulat ako sa huling sinabi niya.

"Mahal kita Ayen.."

"Mas mahal mo si Ayina, ang kapatid ko. Bakit mo siya pinakawalan?" seryoso siya.

"Natatakot ako.."

"Huwag kang matakot, tutulungan kita"

"Salamat. Pero hindi pa ngayon" sagot ko. "Matulog ka na.. Magpahinga" at nakita ko siyang pumikit ulit. Nanatili lang ako sa tabi niya.

|End of Theo's POV|

--

[MZG a/n : vote comment! XD]

M i s s Z e e G e e

I'm still Married (Book Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon