Ang ganda rin dito sa Canada, ako na ang nagpapatakbo ng branch namin dito. Nagsimula kong patakbuhin ito nung nakapasa ako sa board exam.
Ang buhay ko?
Puro trabaho lang inaatupag ko. Minsan ginagawa ko na rin office ang pad ko. Wala eh, yun lang ang paraan para makalimutan ko ang nag-iisang babaeng minahal ko buong buhay.
|Chase' POV|
Siguro nakalimutan niyo na ako...
Marami rin sa inyo ang galit sakin diba?
Hindi ko naman masisi ang mga magulang niya lalo na si lolo na ang dahilan kung bakit nagpakasal kaming dalawa.
[Flashback]
"Nasabi na sa akin ni Alfonso ang nangyari sa inyong dalawa, gusto ko sayo mismong marinig kung ano talaga ang totoo. May nangyari ba talaga?" sabi sakin ni Lolo nung pumunta ako sa office niya para kausapin siya.
"Ang totoo po, wala po talagang nangyari sa amin" Isaid tapos kinwento ko ang nangyari sa amin nung gabing yon.
[MZG a/n: Hanapin niyo na lang po sa book 1 ang part na kinwento ni Chase ang nangyari sa kanila ni Natalie]
"Naniniwala naman ako sayo"
"Talaga po?"
"Bestfriend ka ni Natalie at simula pa nung mga bata pa kayo, kilalang kilala na kita kaya naniniwala ako sayo" sabi niya sa akin sabay tapik sa balikat ko. "Ang problema natin ay ang mga magulang mo"
"Bakit po?"
"Kahit naniniwala sila sayo, gusto nilang ipakasal ka sa apo ko"
"Pe-pero.." huminga ako ng malalim. "Kakausapin ko sina Mommy and Daddy" tapos ay nagready na sana akong umalis pero pinigilan ako ni lolo ng hinawakan niya ako sa braso. "Huh? Bakit po?"
"Alam kong mahal ka rin ni Natalie higit pa sa pagkakaibigan pero nakikita kong natatakot lang siyang aminin ito sayo dahil ayaw niyang masira ang pagkakaibigan niyo." pahayag niya.
"Lolo, alam niyo namang hindi papayag si Nata-- Teka?? pumapayag kayong pakasalan ko siya?" manghang tanong ko.
"I trust you. Alam kong hinding hindi mo siya iiwanan kaya pumayag ako sa suggestion ng mga magulang mo..." sabi ni Lolo.
"YES!!!" napatalon ako sa tuwa.
Ang hiling ko lang naman ay maging girlfriend ko siya at patunayan na maganda ang intentions ko and now, papakasalan ko pa siya.
"But the problem is..."
"Po?"
"Kung papayag si ang apo ko"
"Opo nga pala" tumungo ako. Parang nawalan ulit ako ng pagasa dun.
"But don't worry..."
"Ho??"
"Sasabihan ko ang apo ako na isang merger ng company ang mangyayari..."
"Paano? maniniwala ba siya dun?"
"Trust me. Ako ang bahala, kaya mag-ready kana sa proposal mo" sabi ni Lolo.
[End of Flashback]
Pero wala din namang nangyaring proposal eh. Pinilit na lang ni Lolo si Natalie na pakasalan ako kahit nasaktan ako nung nakita ko siyang umiiyak sa kasal namin dahil labag talaga sa kalooban niya. Tinanggap ko na lang dahil mahal ko siya at gagawin ko ang lahat para lang mahalin niya ako.
BINABASA MO ANG
I'm still Married (Book Two)
RomanceAng buong akala nila, PATAY na ako. Paano kung magkita kami ulit? Ano ang gagawin ko? Makikikilala pa ba niya ako?All Rights Reserved 2012. Copyright of MissZeeGee