Dedicated to trehdyks_15
Ate Beshiiiee! Oh? Heto na! Ieexplain ko na para di ka maguluhan. XD
**********
Chapter Two~Part 3
---
Kinabukasan.
Pumunta ako sa bahay ng Lolo ni Natalie para kunin ang gamit ko.
Nakakalungkot isipin na kailangan kong bumalik at umuwi sa pad ko.
|Chase' POV|
Paalis na ako nung..
"Kuya" tawag sakin.
"Oh, Ayina ikaw pala" sabi ko sakanya.
"Congratulations pala.. Bukas na ang graduation mo"
"Salamat" nginitian ko siya.
"Bukas na din pala ang balik namin sa States" bigla siyang nalungkot.
"Bakit malungkot ka?"
"Hindi ko na kasi madadalaw si Ate" suminghap si Ayina. "Hindi na din kita mababantayan.."
"Don't worry, magiging masaya si Natalie kahit nasa States na kayo at bakit mo naman ako kailangang bantayan?" I asked.
"Haaaaay.. Kuya alam kong hindi ka pa nakakapagmove on sakanya"
"Mahirap kasi yun Ayina.."
"Kuya.. Mag-move on kana.. Wag mong sisihin ang sarili mo, tapos na yun at di na maibabalik pa. Ayusin mo yung buhay mo kuya, ipakita mo kay Ate na masaya ka kahit wala siya.."
"Paano? Hahanap ng iba?? Haaay"
"Loko! Hindi nuh! Diba sabi ko papatayin ko ang sino mang lalapitan mo at lalapit sayong ibang babae??!" at nakuha pa niyang mamewang.
"Eh? Ang gulo mo namang kausap e! Sabi mo mag-move on ako tapos kapag nambabae ako, papatayin mo yung babe??! Ano ba talaga??"
"Wow? Naging CumLaude ka pa kuya sa sitwasyong yan?" nagcross siya ng kamay.
"Sabi ko magmove-on ka.. Pero hindi naman tama na kakamatay lang ni Ate e nambabae ka agad" lumapit siya sa akin "My point is, ayusin mo yung buhay mo.. Wag mong hayaang mas masira pa yan dahil malulungkot si Ate.. Hindi naman porke't sinabihan kitang magmove on e hahanap ka ng iba.."
"Aaa.. Ano pa? Naguguluhan ako sayo.."
"Haaaaay! Kuya!! Ang slow mo naman! Magmove on ka in a way na ayusin mo yung buhay mo na nasira, live a normal life again. Magisip ka ng ibang paraan para makalimutan si Ate. Pero wag munang mambabae okey?" huling sabi niya.
"Okey?? Nakuha ko na.. Promise! Magmomove on ako pero hindi muna hahanap ng iba.. Mahal ko kaya ang ate mo ng sobra para maghanap ng iba.."
"Edi Good! Deal?"
"Deal" at nagshakehands kame.
Doon natapos ang paguusap namin.
.
Bago ako umuwi sa pad ko, dumaan muna ako sa bahay namin at agad kong nadatnan sina Mommy at Daddy sa sala.
"Hey Mom, Dad" I greeted.
"Mukhang maayos kana ng konti" sabi ni Mom.
"Ng Konti" I said.
"Anak, bukas na ang graduation mo.. Do you have plans, after that?" tanong ni Dad.
"Actually meron na po"
"Really.. That's my boy" at lumapit si Daddy sakin sabay tapik tapik sa balikat ko.
"Ano naman yun?" tanong agad ni Mommy.
"Can I handle our company?"
"Agad son?"
"If pwede"
"Not now.. Pero may naisip ako"
"Kung sa bagay, ano naman yun dad?"
"Ipapadala kita sa Canada, dun sa isang branch natin at ikaw ang maghahandle nun"
"Really Dad? Hanggang kailan?" excited kong tanong.
"3 years son.."
"3 years??"
"But you can visit us or we'll visit you" sabi ni Mom.
Bigla kong naalala ang sinabi ni Ayina..
*"My point is, ayusin mo yung buhay mo.. Wag mong hayaang mas masira pa yan dahil malulungkot si Ate.. Hindi naman porke't sinabihan kitang magmove on e hahanap ka ng iba.."
"Aaa.. Ano pa? Naguguluhan ako sayo.."
"Haaaaay! Kuya!! Ang slow mo naman! Magmove on ka in a way na ayusin mo yung buhay mo na nasira, live a normal life again. Magisip ka ng ibang paraan para makalimutan si Ate. Pero wag munang mambabae okey?" huling sabi niya.*
"Okey Dad, Mom.. Tinatanggap ko na.." then I smiled.
"Good.." at niyakap nila ako.
.
Graduation Day
.
Pagkatapos ng graduation ko, hindi muna ako tumuloy sa party. Pumunta ako sa cemetery.
"Honey.. Tignan mo oh.. Nakagraduate na ako.." sabay pakita ng diploma ko. "Honey, bukas luluwas ako papuntang Canada, magO-OJT ako dun ng ilang monthsa hanggang sa lalabs na ang result ng Board Exam saka ko ihahandle ang company ni Dad.. Miss na kita.. Sana hindi ka magagalit sa akin kapag di na kita madadalw pa.. Ito na muna ang huling dalaw ko sayo Honey.. Mahal na mahal kita.. Promise kong magmomove on na ako.. Hindi na ako babalik sa pagiging playboy ikaw lang ang una at huling babaeng mamahalin ko.. Tandaan mo yan Honey.. Mahal na mahal kita.. Baby, magpakabait ka jan.. Babalik si Daddy para sa inyo ni Mommy.. Babye.. Iloveyou" milagrong hindi pumatak ang luha ko.
Goodbye Natalie..
Inilapag ko na ang bulaklak at nagdasal. Pagkatapos nun dumeretso na ako sa party.
Promise. Ikaw lang at wala ng iba Honey..
|End Of Chase' POV|
----
[ MZG a/n : chutchut.. Ahahaha.. XD oo na po.. Bitin na.. E? Hihihi.. Intindihin niyo naman ako.. =P pansin ko, puro kadramahan ang nangyayari sa ChaLie. :P oh well.. Abangan na lang po.. Malapit na.. Malapit ng magtapos ang A/N ko. :P shaaashigee Readers, ang Vote at Comment wag kalimutan. Hihi..
Thanks sa mga patuloy na nagbabasa ng story ko! Mua! :*]
#Zana
BINABASA MO ANG
I'm still Married (Book Two)
RomanceAng buong akala nila, PATAY na ako. Paano kung magkita kami ulit? Ano ang gagawin ko? Makikikilala pa ba niya ako?All Rights Reserved 2012. Copyright of MissZeeGee