[ I'm still Married.21 ]
HINALIKAN ko si Chase. “I miss your kiss, Honey.” sabi ni Chase sa akin pagkatapos ko siyang halikan. “Pero bago pa mapunta kung saan ang halik na ito, magpahinga kana muna because I know you're very tired. Ok Hon?” nginitian niya ako.
“Yes. Thanks Chase.” umalis na siya sa kwarto at ako naman ay humiga na sa kama ko. “Ahhh... Namiss ko talaga ang kwarto ko.” napahawak ako sa tiyan ko. “Kung nabuhay ka lang sana, Baby.” And tuluyan na akong napaidlip.
-
NAGISING ako dahil sa masamang panaginip ko.
Ang aksidenteng nangyari sa amin noon ay bigla kong napanaginipan.
“Ah!” sumakit na naman ang ulo ko. This time parang pinupukpok naman ang ulo ko gamit ang martilyo. Bakit ko bampinipilit ang sarili ko na alalahanin ang nakaraan?
“Natalie!”
“Kuya!”
“Aaaaah!”
“Aaaaaah... Aaaaah...” mabilis at malalim kong paghinga.
“Hey gising kana pala.” I saw Chase standing infront of me. “Bakit pinagpapawisan ka eh naka-on naman ang aircon?” tanong niya.
“Ah... Hindi ko alam...”
“May sakit ka ba?” nilagay ni Chase ang likod ng kamay niya sa noo ko. “Wala naman eh?”
“Let's go? Medyo gutom na rin ako.” bigla ding nawala ang sakit ng ulo ko.
BINABASA MO ANG
I'm still Married (Book Two)
RomanceAng buong akala nila, PATAY na ako. Paano kung magkita kami ulit? Ano ang gagawin ko? Makikikilala pa ba niya ako?All Rights Reserved 2012. Copyright of MissZeeGee