Chapter 18.3^Confused? Forgive and Forget

19.7K 272 54
                                    

Chapter 18.3

Continuation...

--------

"Anong lihim yun Lolo?" tanong ko ulit sakanya.

"Ah.. Wala yun, huwag mo na intindihin yun Chase. Ang isipin mo ngayon eh paano mo maipapaliwanag kay Natalie ang lahat." pagbabago niya ng topic.

"Oo nga po Lolo. Kailangan kong makausap sina Tito at Tita, kapag nagkaharap na kame ni Natalie dapat po andun rin kayo." sabi ko sakanya.

"Daddyyyy!" lumingon ako sa kinarooonan ni Rhiea at nakita siyang may hawak na robot sa isang kamay habang ang kabila ay tinatago sa likod.

"Baby, saan mo yan kinuha?" takang tanong ko.

"I got this from your cabinet Daddy. I want to play this robot and this too. Please Daddy..." dali-dali kong hinablot sakanya ang mga laruan.

Robot and toy car.

"No Baby. You can't play this dahil for boys lang ito. Diba binilhan ka ni Lolo ng Barbie? Yun ang laruin mo."

"No.. Ayoko sa barbie Daddy."

"Rhiea..."

"I'll call Mommy and tell her that you're mean to me." sabay lakad papunta sa telephone.

"Hah?" tiningnan ko si Lolo.

"Hahahahaha!" at sabay kaming dalawa nagtawanan.

"Sige Baby go and tell your Mommy I love her."

Nakita kong pumindot siya ng numbers and afterwards...

"Hello Mommy?!" mangiyak-ngiyak niyang sambit. "Mommy I want to go home. I miss you, Daile and Dad Theo. But Daddy Chase said, he's our real Daddy. He loves you Mommy but he's mean to me. He doesn't want me to play his toys!" dere-deretsong sambit niya habang umiiyak. Teka--? Don't tell me!

Agad kong kinuha sakanya ang telephone at pinakinggan ang nasa kabilang linya.

>"Baby hush don't cry... Mommy's here. Saan kana?"

"Natalie?"

>"Chase?"

"Natalie Honey"

>"Chase ibalik mo na sa akin ang anak ko."

Napaisip ako at matagal akong di sumagot. I can hear her sighs.

"Dadalhin ko mamaya si Rhiea sa park. Sa paborito nating park Natalie. Magkita tayo at 4pm okey? See you there."

Ngayon naman, siya ang matagal na hindi sumagot.

>"Ok. Sharp four. Tumupad ka sa usapan Chase Aiden."

"Ofcourse. I love you."

>"Bye"

"Akala ko ba mag-iipon ka muna ng lakas ng loob?" biglang tanong ni Lolo.

"I grabbed the opportunity to see her Lolo." I answered. "Baby, how did you know your Mom's phone number?" bakit ngayon ko lang nalaman? Matagal na ba sila nag-uusap.

"I just remembered her number."

"That's it?"

"Yes. You said you'l bring me to my Mommy."

"Yes I said that but not yet ,later. Soon baby. Okey?"

"You're a liar too."

"Sometimes people intend to lie Baby but in a good way. Okey?"

"Let me play your toys Daddy. Please?"

"No... Those are for boys."

At bigla na lang siyang tumakbo papunta sa garden.

"Manang-mana talaga kay Natalie. Matigas ang ulo." sabi ni Lolo.

Ngumiti lang ako.

**

3:30 pa lang andito na ako sa park at hinihintay ang babaeng mahal ko.

"4:00" sambit ko.

"Chase..." ngumit ako at nilingon siya.

Pero hindi siya ang inaasahan kong pupunta dito.

"What the hell are you doing here!?"

"Sumakit kasi ang tiyan ng asawa ko kaya ako na lang ang pumunta dito."

Ha? Sumakit?

"Hindi ikaw ang gusto kong makita Alexis. Saan na ang asawa ko? And never call her your wife."

"Mahal mo ba talaga si Ayen?"

"Hindi Ayen ang pangalan niya. It's Natalie and God knows how I really love her."

"Really?" may pang-disgusto niyang tanong.

"What are you trying to say?"

"What I am trying to say is... Paano kung malaman mong nagdadalangtao si Natalie? At ako ang ama?"

Buntis si Natalie!?

"What!"

Kaya ba hindi siya nakarating dito ay dahil sumakit ang tiyan niya at buntis siya?

Matagal nagloading sa utak ko ang sinabi ng Alexis na yun.

"Ano Chase? Ano ang gagawin mo? Buntis siya at ako ang ama. Magkakaroon na kami ng anak at--" hindi naituloy ang sasabihin niya dahil bigla ko siyang sinunggaban ng suntok sa mukha. Dahilan para matumba siya.

"Ginalaw mo ang asawa ko!? Hah!" kinuwelyuhan ko siya.

"Huh!" pero isang smirk lang ang sinagot niya. Sinuntok ko na naman siya.

"Walang hiya ka!"

"Tinatanong kita Chase. Anong gagawin mo kay Natalie?"

Binigyan ko na naman siya ng isa pang suntok.

"Kahit magkaroon pa kayo ng isang dosenang anak! Aagawin ko pa rin siya sayo kahit ilang beses pa niya akong itanggi!" naramdaman ko humapdi ang kamao ko. "Ganun ko siya kamahal Alexis. Tatanggapin ko pa rin siya dahil mahal na mahal ko siya. At ipapakita ko sayo na maaagaw ko kung ano ang sakin."

"Chase." tawag niya sakin.

"Ipaglalaban ko ang mahal ko Alexis." susuntukin ko na naman sana siya ng bigla siyang nagsalita.

"Congratulations..."

"Ano? Nangiinis ka ba talaga huh!"

"Magiging tatay kana naman Chase."

"Hah?"

"Ikaw ang ama ng dinadala niya. Sinabi ko lang na ako dahil gusto kong malaman kung ano ang magiging reaksyon mo."

"Paano magiging ako ang ama? Wala namang nangyari sa amin sa anim na taon."

"Yun ang akala mo. Tanga mo kasi eh."

"Anong sinabi mo!?"

"May nangyare sa inyo sa resort. Remember?"

"Teka... Si-si Na-Natalie yun!?"

"Ang tanga-tanga mo. Sige, mauuna na ako." tumayo siya at nagsimulang maglakad palayo na iniwan akong nag-iisip.

I'm still Married (Book Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon