Chapter 19:4^All things work together for good

19.5K 258 36
                                    

MZG: "Pakonti ng pakonti ang nagcocomment." :) ble

~

Chap19:4

"Kinailangan naming ilayo sayo sina Kuya Nathan mo at Ayina dahil ayaw naming nakikita kang nasasaktan at umiiyak sa tuwing naaalala mo ang aksidente kung saan namatay si Nataniel. Ayaw namin na tuluyan ka ng magkaroon ng sakit sa utak Natalie." paliwanag ni Mommy.

"Sumailalim ka sa matinding trauma therapy dahil sa mga aksidenteng nangyare. Umalis ang mga magulang mo kasama ang kuya at bunso mong kapatid habang nasa hospital ka pa at nagpapagaling apo." paliwanag naman ni Lolo.

"Pero paano? Paano ko bastang nakalimutan si Kuya Nathan at Ayina?"

"Hindi din namin alam pero ang sabi ng doctor sayo, nagkaroon ka ng partial amnesia dahil sa matinding trauma. Yung mga alaala tungkol sa Kuya Nathan mo at kay Ayina ay di mo na matandaan." sagot ni Daddy.

"Nagising ka na lang na ang aksidenteng nangyari sa park lang ang naaalala mo at si Nataniel ang tumulak sayo." sagot ni Lolo.

"Ayaw na naming maalala mo pa ang trahedyang nangyari kaya pinanindigan na lang namin."

"Bakit ngayon niyo lang naisip na sabihin sa akin yan? Kung hindi ko pa naalala siguro buong buhay ko hindi ko alam na may kambal si Kuya Nataiel at totoong kapatid ko si Ayina."

"Alam naming lahat na kasalanan din namin ang paglihim sayo ng totoo pero ginawa lang namin yun para sa ikabubuti mo iha." sabi ni Mommy.

"Ikabubuti ko? Hah..."

"Bakit hindi mo magawang intindihan ang mga sinabi namin sayo Natalie? Selfish ka talaga kahit kailan." sambit ni Kuya Nathan.

"Selfish? Hindi mo lang kasi alam kung anong nararamdaman ko. Gusto ko munang mapag-isa please."

"Ate..." biglang nasabi ni Ayina.

"Please I want to be alone."

Sumunod din naman sila sa akin at isa-isang lumabas pero biglang nag-paiwan si Theo.

"Alexis bakit?"

"Don't call me Alexis. May sasabihin ako sayo, ngayong alam mo na ang lahat Natalie anong naiisip mong gawin?"

"Please Theo gusto kong mapag-isa."

"No. I won't leave you Natalie." mas lalo siyang lumapit sa akin.

At niyakap ako.

"Theoooo..."

"Psssh... Let go Ayen... Ilabas mo na ang luhang kanina pa gustong lumabas ulit..." mahinang usal niya.

"Theo bakit? Bakit di ko magawang magalit sa kanila? Kahit pinipilit ko ang sarili ko, ayaw pa rin."

"Because you love them..."

Hindi ako sumagot at tuluyan na akong umiyak ulit.

Nang may naalala ako.

"Theooo... Ang baby ko..."

"I know. I'm sorry for what happened Ayen... Hindi kinaya ng baby mo na kumapit ng mahigpit. Pati siya nag-let go."

"Ganito din ba ang naramdaman ni Mommy nung namatay si Kuya Nataniel?*huk*"

"Siguro... Mommy siya eh, masakit sa isang ina na mawalan ng anak. Like what happened to you. Diba?"

"Alam mo nung nalaman ko na buntis ako ulit at si Chase ang ama, nakaramdam ako ng saya. Pero ngayon parang gustong magunaw ng mundo ko."

"Siguro yan din ang dahilan kung bakit di mo magawang magalit sa magulang mo dahil alam mo ang feeling nila noon. Am I right?"

"Y-yes.. I-I t-think so..uhm, Theo? Ano ang gender ng baby?"

"Hindi pa alam eh, kc 1 month pa lang din. Nilibing na namin kahit sobrang liit pa lang niya."

"Siguro kung nabuhay siya kamukha mo."

"Bakit ako?"

"Eh kc sayo ako naglilihi eh."

"Talaga? Sayang naman pero alam mo may reason si Lord kung bakit niya kinuha si Baby diba? Dahil sakanya magkakaayos na kayo ng family mo." nginitian niya ako.

"Siguro nga. Pero masakit talaga Theo."

"That's part of our life. Nasasaktan sa una pero magiging masaya din. Challenge yan para sayo Natalie. Kung paano mo ihahandle ang situation."

"Paano mo nasabi?" pinunasan ko ang luha ko.

"Kung magiging katulad ka pa rin ba na nagpadalos-dalos sa desisyon mo noon or magiging matatag kanq."

"Theo.."

"All things work together for good Natalie... Ayen..."

"Thank you."

"Are you sure na gusto mo ng umuwi kay Chase? Iiwanan mo na ako?"

"Huh?" kumalas ako sa pagkakayakap niya at tiningnan siya.

"No I mean, I'm happy for you na uuwi kana kay Chase. I'm happy na na-forgive mo na siya ng tuluyan. After all, he's your husband and you love him so much right?"

"He may be stupid for hurting me before and I may be crazy for leaving him alone. But I would and will again love his mistakes like how much I love his good personality. I regret when I left him Theo. Nagpadala ako sa emosyon ko."

"I know Natalie Klane Joo."

"And thank you for being with me for six years. And sorry kung wala man lang akong nagawa para magkabalikan kayo ng kapatid ko."

"It's okay. It's not your responsibility anyway."

"Thanks again."

"Yea, your welcome."

"Pa-hug na ulit? Last hug?" tanong ko.

"Yes. One last hug and you're free." he smiled at me, unlike the way he does before.

"Huwag ka ng mag-drugs Theo please. Promise mo yan sa akin."

"Yes. Promise at paguwi ko ulit, ibang Theo na ako and also keep this in mind, you'll always be my AYEN. I will miss you." he kissed me on the forehead.

|End of Natalie's POV|

I'm still Married (Book Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon