SLWTS-Chapter 10
---
Hindi na kami muling nakapag-usap ni Theo. Kinuha ko sakanya ang natitirang pakete ng Drugs niya.
|Ayen's POV|
"Isasama na lang muna natin ang mga bata para makita din nila ang rest house" sabi sa akin ni Theo.
"Okey sige"
"Really Mom! Yehey!!" sigaw ng dalawang bata.
Kinabukasan, lumipad na kaming papunta sa Dapitan. Dun sa rest house nila Theo, ang lugar kung saan maraming masasakit na alaala ang laging nakatatak sa isipan ko. Ang lugar kung saan binigay ko ang lahat lahat sa taong walang kwenta.
Ang tatay ng mga anak ko. At age of 24, may dalawang anak na ako. Pero hindi ako nagsisisi na may anak ako ngayon. I'm thankful.
"Kapagod noh? Tignan mo ang kambal tulog agad." nakahiga sila sa kama na mahimbing na mahimbing ang tulog.
Nandito na kami sa rest house.
"Nga pala Theo, magcoconsult ako tungkol sa kalagayan mo. Sumama ka sa akin." sabi ko sakanya.
"No ayoko."
"Theo naman diba gusto mo ng magbago?"
"Ofcourse pero baka magkaleak yun malaman pa ng public."
"So?"
"So hindi yun maganda"
"Ikaw ang pumasok sa problemang yan tapos ngayon gusto mong magbago pero ayaw mo akong sundin?!"
"Ayoko"
"Bahala ka nga!! Bukas na tayo mag-uusap!"
Tumalikod siya sa akin at lumabas ng rest house.
"Saan ka pupunta Theo!?"
"Magpapakamatay!" maniwala daw ako. Hinayaan ko lang siyang umalis.
Tumabi ako sa kambal at di ko namalayang nakatulog na pala ako.
|End Of Ayen's POV|
-
Aaa! Hindi ko alam ang gagawin ko! Nakakainis!
|Theo's POV|
Ilang minuto ang nakalipas at bumalik na ako sa rest house namin.
Nakita ko si Ayen katabing natutulog ang kambal. Sa loob ng six years, oo inaamin kong minahal ko siya pero kulang ang pagmamahal kong yun para patunayan sa sarili ko na hindi ko na mahal si Ayina.
Si Ayina lang ang nagiisang babaeng minahal ko ng lubusan. Kahit na nagkahiwalay kami ng six years, hindi pa rin siya nawala sa isipan ko.
Three years ago, nalaman kong sinagot niya ang pinsan kong si Gean Drake Chandler. Isang dancer at singer. Bakit si GD pa! Bakit!!
Si GD ang nagsabi sa akin na anak ako sa labas ni Daddy.
Si kuya Xander, kaya pala malamig ang pakikitungo niya sa akin whenever I'll visit them. Kaya sa tuwing tatawag siya sa akin sa cellphone napaplastikan ako sa 'concern' niya. Kasi naman, hindi nga niya ako naipakilala sa girlfriend niya. Namatay na lang ito na puro picture ang nakikita ko. Tapos nabalitaan ko na lang na ikinasal na siya kay Courtney ba yun? Hay! Ewan!
Then one day, may nakilala akong miyembro ng mafia. Paano? Sa isang racing. Racer ako dati at dun ko siya nakilala.
Kinuwento ko sakanya ang tungkol sa problema ko at may inabot siya sa aking isang bagay na nakabalot sa foil.
Sabi niya matutulungan daw ako nun. Kaya ginamit ko at sikreto lang namin ang tungkol dun.
Sikreto. Ewan ko ba kung sinuwerte ako. Dahil 2 days after niyang ibigay sa akin yun, naaksidente siya sa racing at namatay. Kaya ang sikretong yun, ako lang ang nakakaalam.
Three years ko ding tinago yun.
*Riiiiiiiiiing! Nagri-ring ang cellphone ni Ayen.
Kinuha ko ito at tinignan ang caller I.d
Calling Ayina...
Calling Ayina...
Calling Ayina...
I answered.
*"Ate! Kanina pa ako tawag ng tawag! Grabe to! Buti naman at may plano ka pang sagutin ang tawag ko. Oh well, Ate ko!! Nandito na akong Philippines!! Kakalapag pa lang ng eroplano, ate ?? Bakit di ka sumasagot?? Pwede mo ba akong sunduin?? Ate ko?" huminga ako ng malalim.
Feeling ko tumatalon ang puso ko sa saya. Just hearing her voice, gumagaan ang loob ko.
*"Ate answer me?? Hmp! Ate ang daming tao! Buti na lang at nagdisguise ako! Hihi! Nagsuot ako ng napakalosyang na damit pero ate haha! Labas pa rin ang alindog ko! Haha! Ate?? Kanina pa ako dito?? Yuhoooo?" natatawa ako sa kanya.
"Ate masusundo mo ba ako ngayon? Ay no! Wag pala! Sa hotel na lang ako! Huhu! Ate hindi sumama si Gean (Ji-yan) kasi hectic ng sched ng gagung yun! Kainis!" biglang nagbago ang aura ko.
"Tulog na si Ayen. Hindi ko siya ginising kasi pagod sa biyahe"
*"T-Theo?! Kanina ka pa ba!?"
"Oo. I'm the one who answered your call"
*"Aa! Okey! Check-in na lang ako sa hotel then bukas kukuha ako ng flight papunta jan. Bye" inoff niya agad.
"Ayina..." mahina kong sabi.
"Chase! Please!" napalingon ako kay Ayen. "Chase please... Huwag mo akong iwan. I miss you." may nakita akong luha sa mga mata niya. Nagsasalita siya habang natutulog. "Chase I still love you" tapos nun gumalaw siya.
Pero mahimbing pa rin ang tulog.
She still love Chase. At hindi na yun magbabago. Don't worry Ayen. Malapit na. Malapit na kayong magkita ni Chase, NATALIE KLANE HYO-JOO.
|End of Theo's POV|
---
[MZG a/n: oh! Diba may Theo-Ayina moment tayo! Thanks po pala sa lahat ng mga naghihintay at nagsusupport ng story na ito.Sa mga naglagay sa RLs, Fan, Vote at walang sawang nagcocomment! Mehehe :D please support din ng other stories ko. Anyways, announcement po pala. May BS! PERO IRERESTRICT KO. Kasi may mga batang nagbabasa, nasa 12 pababa. 80 vote ulit]
m i s s z e e g e e
BINABASA MO ANG
I'm still Married (Book Two)
RomanceAng buong akala nila, PATAY na ako. Paano kung magkita kami ulit? Ano ang gagawin ko? Makikikilala pa ba niya ako?All Rights Reserved 2012. Copyright of MissZeeGee