MZG a/n: Phone Update = 1 page (5k characters)
Chapter 18:1
-----
"Katleen ikaw nga!" dali-dali akong tumayo at niyakap ang bestfriend ko. Ang tagal kong hinintay ang pagkakataong ito.
|Natalie's POV|
Hindi ko man lang naisip na baka mabigla siya dahil ang buong akala niya ay patay na ako.
"T-teka" pilit niya akong inilalayo.
"Katleen" mahinang sambit ko. Miss na miss ko na talaga ang bestfriend ko.
"P-paano? Teka baka namamalikmata lang ako." sabay kusot sa mga mata niya. "Natalie? Nagmumulto ka ba? Huhu! Sissy bakit ngayon lang!" agad niya din akong niyakap.
"Baliw" And I hugged her tight.
"Paano Natalie?" Kumalas siya at tiningnan ako sa mga mata. Bigla din siyang sumeryoso.
Kaya wala akong nagawa kundi ang ikwento sakanya ang mga nangyari sa akin sa anim na taon.
"Anong dahilan mo para gawin yun? Naguguluhan pa rin ako." sabi niya sa akin. "Bakit? Bakit mo yun ginawa?"
"Simple lang Katleen. Nabuhay ako sa isang kasinungalingan. Kaya mas pinili ko na lang panindigan iyon." sagot ko.
"Lie?"
"Oo lie nga Katleen. Kahit ako rin naman naguguluhan sa mga nalaman ko noon kaya pinili kong sumama sa taong sumagip sa akin."
"Teka? Anong kasinungalingan ang sinasabi mo? Tungkol ba yon sa ginawa ni Chase?"
"In the first place naman si Chase talaga ang dahilan kung bakit ako tumakas at naaksidente."
Umupo ako sa damuhan kaharap sa puntod ng Kuya Nataniel ko.
"At masasabi ko ring siya din ang dahilan kung bakit nalaman ko ang lihim ng mga magulang ko." paliwanag ko sakanya.
"Parang sinabi mo na ring sinisisi mo sakanya ang lahat-lahat Natalie." bumuntong hininga siya at umupo sa tabi ko. "Sa anim na taong pagtatago mo, nakaya mo kaming paniwalaan na talagang patay kana. Na ikaw ang nakita naming bangkay sa sasakyan mo."
"Siguro nga ang nakita niyo noon ay yung nangholdap sa akin. Pero ang mga magulang ko Sissy. May ginawa ba sila para mapatunayan na ako talaga yun? Diba wala? Kaya nga naniwala na lang sila na patay na ako dahil mas ginusto nilang patay na ako. Lalong lalo na si Chase, dahil makakasama na niya ang anak niya kay Andrea." Yun naman talaga ang totoo eh.
"Pero alam mo ba ang totoo Natalie?" Anong katotohanan naman ang alam ko?
"Katotohanang niloko niya ako at may anak sila ni Andrea?" nag-smirk ako kahit nakatingin ako sa puntod ni Kuya.
"Hindi mo pa pala alam na sinabi lang ni Andrea na anak ni Chase ang bata pero ang totoo, anak yun ng barkada ni Chase. Dinamay lang siya sa away mag-asawa nila at ang asawa mo naman naguluhan." nakita ko sa peripheral vision ko na tiningnan niya ako. "Naguluhan nung nakita niyang nag-pipills ka kaya di ka niya mabuntis."
"Tama na ayokong marinig yan."
"Natalie kailangan mong malaman ang katotohanan." pilit niya akong inihaharap sakanya. "Naguluhan si Chase nung araw na yon. Hindi niya alam kung anong gagawin dahil sa sobrang pagmamahal sayo."
"Pagmamahal? Ha-ha... Dahil sa ginawa niya nalaman kong katawan ko at anak lang talaga ang habol niya sa akin."
"Natalie naman... Alam mo bang pagkatapos ng libing mo noon na inaakala naming ikaw ay hindi umuwi si Chase. Nanatili lang siya dito, katabi ng puntod mo. Dalawang araw Natalie..."
"Anong dalawang araw?"
"Dalawang araw siyang hindi umuwi. Kaya dahil dun nagkasakit si Chase."
"Sakit?"
"Nagkainfection ang kidney niya tapos nagka-Ulcer at bumaba ang blood pressure niya. Ikaw ba naman ang hindi kumain ng tatlong araw at mabasa sa ulan."
Talagang nangyari yun kay Chase?
"Ganun ka niya kamahal Natalie." dugtong niya.
"Kung mahal niya ako edi sana sinabi niya sa akin ang problema niya."
"Hindi nga niya sinabi sayo dahil takot siya. Natatakot siyang mawala ka sakanya."
Heto na naman ang pasaway kong mata. May tumutulo na naman luha...
"Mahal na mahal ka niya Sissy... Ay sa tingin ko."
"Sa tingin mo ano?"
"Mahal mo pa rin siya. Diba?"
"Hindi ko alam."
"Patawarin mo na si Chase, Sissy."
"Matagal ko na siyang napatawad." Totoo ang sinabi ko. Matagal ko na siyang pinatawad dahil ganun naman talaga ang mga tao.
Nagkakamali rin. Katulad ko.
Nagkamali ako ng desisyong tumakas sa problema.
"Ano pala yung sinasabi mong nabuhay ka sa kasinungalingan? Yun na ba yung tungkol kay Chase?"
"No."
"Ano yun Natalie?"
"Sina Mommy at Daddy." sagot ko.
Siguro nga dapat kong sabihin yun kay Katleen. Para mabawasan ang bigat ng dibdib ko.
"Si Kuya Nataniel."
"Bakit?"
"May kambal siya Sissy... At si Ayina."
"May kambal? Si Ayina? Ang adopted sister mo?"
"Hindi nila sinabi na may kambal pala si Kuya Nataniel at hindi totoong adopted lang si Ayina."
"Teka Sissy naguguluhan ako."
"Kahit naman ako naguguluhan din."
"Sa halip na kausapin mo ang mga magulang mo tungkol sa lihim na yan six years ago, bakit tumakas ka Sissy. Naging kumplikado lang talaga ang lahat."
"Maybe this is the right time. Kailangan kong makausap ang magulang ko at si Kuya Nathan."
To be continued...
BINABASA MO ANG
I'm still Married (Book Two)
RomanceAng buong akala nila, PATAY na ako. Paano kung magkita kami ulit? Ano ang gagawin ko? Makikikilala pa ba niya ako?All Rights Reserved 2012. Copyright of MissZeeGee