Chapter 7:2
"Welcome home!!" sigaw ni Theo habang karga-karga si Daine.
|Ayen's POV|
"Ikaw naman kung makasigaw baka magising ang mga baby" sabi ko sakanya. Karga ni Ayina si Daile, habang ako wala.
May dalawang crin sa sala ng bahay, nilagay nila ang mga baby na mapayapang natutulog.
"Ayen, mag-usap pala tayo" sabi ni Theo na seryoso ang mukha.
"Sige aalis na ako Ate" tugon ni Ayina na parang naiilang sa presence ni Theo.
"Hinde. Walang aalis.. Tayong tatlo ang mag-uusap" sabi muli ni Theo at ginuide kami papunta sa sofa.
"Bakit pati ako?" tanong ng kapatid ko.
"Dahil alam mo na din ang tungkol kay Ayen.."
"I see"
Umupo kami sa sofa. Magkatabi kami ni Ayin asa mahabang upuan habang kaharap namin si Theo.
"Saan tayo magsisimula?" sabi ko.
"Ngayon alam na ni Ayina na buhay ka pa Ayen, anong plano mo?" tanong niya. Bakit ang seryoso niya? Parang hindi siya si Theo.
"Plano ko?" huminga ako ng malalim saka dinugtungan ang dapat kong sagutin "Itatago ko pa rin ang totoo. Ako na ngayon si Ayen, hindi na ako si Natalie"
"But Ate..."
"Ayina please... Hindi mo alam ang mga pinagdaanan ko." sabi ko.
"Mananatili pa rin kitang Asawa? At anak ko sila" sabay lingon sa cribs.
"Yes" tipid kong sagot.
"Mananatili pa rin kitang asawa?"
"Oo nga diba? Babe?" napalingon ako kay Ayina. Alam kong nasasaktan siya. Kung mahal pa talaga nila ang isa't isa bakit nagagawa nila tiisin ang sarili nila.
Kaya ko nagawa ito para ichallenge ang love nila para sa isa't isa. Selfish ba? Dapat rin tayo maging selfish minsan. Kung laging selfless, ikaw lang ang mawawalan.
"Ayina, sana walang makakaalam nito, sina Mommy, Daddy, Lolo at lalo na si..."
"Si???"
"Si Joo.."
"Sinong Joo?"
"Si Chase, ayokong malaman niya ang tungkol sa akin. Please.." humarap ako sakanya.
Nagmakaawa ako sa pamamagitan ng tingin.
"Okey Ate.. I respect your decision, pero paano na ang mga bata? Chandler din ba ang dadalhin nilang surname?" tanong niya. Ang mukhang ayaw kang ifrustrate.
Tumingin ako kay Theo. Pero tanong din ang expression ng mukha niya.
Paano na?
"Ate, what if kung magkikita kayo ulit? We don't know, by chance.. Gagawa't gagawa ng paraan ang tadhana diba? Hindi ba magiging unfair para sakanya kung nalaman niya na ang anak niya ay iba na nga ang kinikilalang tatay, dala pa nila ang surname nito" walang preno niyang hayag.
"I dunno" yun lang ang sagt ko saka tumungo. Nakatingin lang ako sa kamay ko.
"Ate decide"
"Chandler ang dadalhin nila" sabi ko. Nakita ko siyang kumunot ang noo.
"If yan ang decision mo, then I make up my mind na sabihin ang tungkol dito kina Mommy" what!! Anong...
"What's your point Ayina? Diba nag-usap na tayo!?" sigaw ko.
"Then Joo ang surname nila" matigas niyang sabi.
"Ayina please.."
"Ate, malaki kana. Hindi nagkakalayo ang age natin. Alam ko kung ano ang tama at mali. Ikaw ate, alam mo yun diba? Pero because of your hatred, ang galit mo ate... Yan ang nagpapakitid ng utak mo at pagiging selfish mo. Walang gustong mangyari ang nangyari sayo" matigas niyang pahayag sa akin.
Hindi ko pa siya gaanong kilala. Kailan lang kami nagkasama, hindi ko alam na ganito siya katigas. Ipaglalaban ang gusto niya. Pero bakit hindi niya magawang ipaglaban si Theo? Ang mahal niya?
"Okey then.. Pero walang makakaalam neto" sabi ko.
Wala na. Talo na ako.
Joo na ang dadalhin ng mga anak ko. At si Chase pa rin ang ilalagay kong pangalan ng tatay nila. Pero paano ako? Natalie pa din ba ang ilalagay kong pangalan?
"Walang makakaalam na ako si Natalie Ayina.. Please"
"Okey.."
"I decided na... Ilalagay kong pangalan ng nanay sa birth certificate nila ay NATALIE KLANE HYO-JOO pa rin... At ang tatay ay CHASE AIDEN JOO" bakit? Bakit ko naisip yun? Naguguluhan din ako. Pero sa tingin ko yun ang tama.
Hindi forever na magtatago at itatago ko sila. Pero ngayon, yun ang decision ko. Ang itagong buhay pa si Natalie sa katauhan ni Ayen Chandler.
"Okey then, ako na ang gagawa ng fake and real birth certificates ng mga babies" sumabat na si Theo sa usapan.
"What do you mean?" tanong ni Ayina.
"Real Birth Certificate, Mother Natalie Klane Hyo-Joo, Father Chase Aiden Joo. Fake Birth Certificate, mother Ayen Mansinadez-Chandler and father Alexis Theo Chandler" sabi niya sa amin.
"SALAMAT" sabi ko.
"I understand you kaya ko to ginagawa. And I like You" nagulat ako sa huli niyang sinabi. Sa harapan ni Ayina? Pinapaselos lang niya ang kapatid ko e! Loko talaga.
"Sige, kung tapos na ang usapan, aalis na ako ate. May photoshoot pa ako this 3pm" sabi ni Ayina at tumayo na.
"Okey. Take Care Ayina"
"Yes Ate.. Bye" at kiniss niya ako sa cheeks.
"Bye"
Umalis si Ayina na tahimik si Theo. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanila pero isa lang ang alam ko. Pareho nilang mahal ang isa't isa.
Ako? Oo. Mahal ko pa rin si Chase, hindi madaling kalimutan ang isang taong minahal mo ng lubos.
Dadating din ang panahon na magkikita't magkikita kame.
Pero hindi ngayon.
|End of Ayen's POV|
--
Vote and Commet! Haha
#MZG
![](https://img.wattpad.com/cover/3376255-288-k958455.jpg)
BINABASA MO ANG
I'm still Married (Book Two)
Storie d'amoreAng buong akala nila, PATAY na ako. Paano kung magkita kami ulit? Ano ang gagawin ko? Makikikilala pa ba niya ako?All Rights Reserved 2012. Copyright of MissZeeGee