ISM.23

20.3K 323 116
                                    

Madaling lumipas ang araw at hindi magtatagal ikakasal na naman kami ulit ni Chase but this time Church Wedding na rin.

"Pink ang motiff niyo Sissy? Waah! Favorite color ko yun." sabi ni Katleen sa akin. Nandito kami ngayon sa isang coffeeshop at nagbobonding kagaya ng dati.

"Hmm... Favorite color ko din kasi eh." sagot ko.

Sinubuan ni Katleen ang anak niya ng muffin.

"Bakit hindi mo sinama si Daile? May makakalaro sana si Kein." sabi niya sa akin.

"Alam mo Sissy pansin ko hindi kamukha ni Vince si Ryne." sabi ko sakanya. Biglang nanlaki ang mga mata niya sa nasabi ko.

"Hah? Hindi ba? Edi kamukha ko." nakangiting sagot niya sa akin.

"Hindi din eh. Sabihin mo nga sa akin ang totoo Sissy." seryoso ko siyang tinanong.

Hindi siya umimik.

"Si Vince nga kasi."

"Sissy diba sabi mo pumunta ka sa Italy tapos sinundan ka niya?"

"Oo. Uy Sissy alam mo ba masarap ang mocha cake nila dito." pag-iiba niya ng topic.

Alam kong may tinatago siya.

"Sissy sabihin mo kasi ang totoo." naiinis kong tugon sakanya.

Sumeryoso ang mukha niya. "Not now Natalie. Please..."

"Para saan pa't naging magbestfriends tayo?"

"Ikaw nga inilihim mo sa akin na buhay ka pa pala." bigla akong naguilty sa sinabi niya kaya nagiba tuloy ang atmosphere.

"Sissy" halos pabulong kong binigkas.

"Four years ago nagkita kami ni Vince sa Italy. Noon palang may gusto na ako sakanya and bumalik ang feeling na yon nung nakita ko siya." Huminga siya ng malalim at saka tinuloy ang kwento niya. "Naging close kame at unti-unti na ring nahuhulog ang loob ko. Mas lalong lamalim..." tumigil siya. "Isang gabi binisita niya ako sa apartment ko na sobrang lasing."

"Tapos Sissy? Don't tell me may nangyare sa inyo?"

"Sana nga eh... Pero malapit na."

FLASHBACK

"Vince lasing ka lang." habang nilalayo ko ang mukha niya na pilit akong hinahalikan.

"I love you Kat." nagulat ako sa sinabi niya kaya nagkaroon siya ng pagkakataon para halikan ako sa labi.

Hindi ko alam kung bakit pero nagpadala ako sa emosyon ko.

Mabilis naming nahubad ang saplot namin sa katawan at nahiga sa kama ko. Subalit pagkahiga namin hindi na gumagalaw si Vince.

Nakatulog siya sa sobrang lasing. Hinaplos ko ang mukha niya.

"Mahal na mahal kita Vince. Sobrang mahal pero bakit hindi mo maramdaman yon?" sabi ko sakanya kahit na alam kong hindi niya naririnig ang mga sinasabi ko.

"Mmmm..." ungol niya.

"Vince I love you so much."

"Mmmm... Natalie bakit mo ako iniwan..." bigla akong bumangon.

All this time si Sissy pa rin ang mahal mo? Pero bakit mo ako...

Tumayo ako at mabilis na nagbihis. Iniwan ko siya sa apartment ko at hindi ko alam kung saan ako pupunta.

"Ganito pala ang feeling na malaman mong hindi ka gusto ng lalakeng mahal mo." sabi ko sa sarili ko. "Pinaasa mo lang ako Vince." nakarating ako sa isang sidewalk na wala masyadong tao.

"Bar" nabanggit ko nung may nakita akong isang Bar. Pumasok ako sa loob.

Pagkapasok ko pa lang y may bumunggo na agad sa akin.

"Oh..." sabi ng isang Italyanong lalake.

"Excuse me." at dali-dali akong pumunta sa isang sulok. Nag-order ako ng isang basong tequila pero hindi ko nakayanan dahil ang pait kaya tumayo ako at naglakad papunta sa C.R.

Hindi pa ako nakarating sa C.R ay may humila na sa akin.

Hindi siya mukhang Italyano.

Bigla niya akong dinamba at hinalikan. "Mmmp!" Hindi ko kaya ang lakas niya. Dinala niya ako sa isang kwarto at doon pinaghahalikan.

END OF FLASHBACK

"Sissy..." hindi ko nakayanan ang mga kunuwento niya at nagsimula ng umagos ang mga luha ko.

"Hindi niya ako nirape." sabi niya sa akin.

"Hindi ni rape? Eh hinila ka at pinaghahalikan tapos..."

"Ginusto ko ang nangyare Sissy." tuluyan na siyang naiyak sa sinabi niya.

"Bakit mo nasabi?"

"Binigyan niya ako ng pagkakataong makalis pero hinde... Hindi ako umalis at ako na mismo ang muling humalik sa kanya."

"Pero bakit?"

"Ang gwapo kaya niya Sissy." at bigla siyang natawa.

Alam kong pinapagaan niya lang ang atmosphere. "Ang totoo?"

"Hindi ko din alam Sissy. Nadala na din siguro ako sa lust." sagot niya.

Hindi ako makapaniwala.

"Pero tatlong beses..."

"Anong tatlong beses?" tanong ko.

"Tatlong beses akong bumalik sa bar at tatlong beses ding may nangyare sa amin."

"Sissy!"

"Sorry Sissy." malungkot niyang sinabi.

"Pero bakit iba ang sinabi mo kay Chase tungkol sa tatay ni Ryne? Bakit si Vince?"

"Nahihiya akong sabihin kay Chase ang totoo kaya nagsinungaling ako."

"Ang lalake? Sino siya? Anong pangalan niya?"

Hindi niya ako sinagot.

"Sissy?" tanong ko ulit.

"Hindi ko alam anong pangalan niya." napangisi lang siya. "Hindi ko alam ang pangalan ng lalakeng nakabuntis sa akin." mahinang dugtong niya.

"It's okay. Kilala mo naman ang mukha diba?" hindi siya tumitingin sa akin.

"Let's not talk about it anymore Sissy."

"Mama." napatingin kami kay Ryne na pilit inaabot ang plato ng muffin.

"Ay sorry Baby." sabay subo ng muffin sa bata.

Kailangan kong malaman kung sino ang lalakeng yun!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 09, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm still Married (Book Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon