Chapter 3:1^Goodbye

29K 245 37
                                    

Dedicated to @gelynco ^ thank you sa magandang comment mo. =] 

********** 

Chapter Three~Part 1 

----

*"Akin na yan!" sabi ng babae. 

Nag-aagawan kami sa isang kutsilyo ng biglang umikot ang kotse at nahulog sa bangin. Agad kong hinila ang seatbelt at hinawakan ko. 

Paikot-ikot... Nahihilo na ako at nabitawan ko ang hawak kong seatbelt... Tapos..*

"Haaah!" bigla akong nagising. 

|Ayen's POV| 

"Babe?" umupo si Theo at halatang antok pa. 

"Matulog kana ulit" sabi ko. 

"Bakit? Anong nangyari sayo?" tanong niya. 

"Wala.." biglang tumulo ang luha ko. 

"Babe... Please, sabihin mo sa akin.. Please Ayen.." hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at iniharap sakanya. "Ayen.." 

"My name is not Ayen.." kahit madilim, nakita ko ang reaksyon niya. 

Gulat. 

"What do you mean? Ikaw si Ayen ang asawa ko." sabi niya. 

"Ako si Natalie" walang emosyon kong sabi. 

"Natalie? Hindi.. Ikaw si Ayen.." 

"After 1 month, nagising ako sa pag-comatose.. At nagka-amnesia ako diba??.." wala siyang kibo. "At sabi mo asawa kita at ikaw ang ama ng dinadala ko.. Isang araw Theo, pag-gising ko.. Naalala ko na kung sino ako.. Kung sino ka sa buhay ko..." sabi ko sakanya haabang tumutulo ang luha ko. 

"Ayen.." walang buhay niyang sabi. 

"Ako si Natalie.. Kaka19 ko lang nung February.. May asawa na ako.." 

"Ayen please.." 

"Asawa ko si Aiden Santinel.." 

"Yung Model dito?" tanong niya. 

"Oo.. Ako ang nagiisang apo ng Hyo Architectural Firm"  

"Isa kang Hyo??" gulat niyang tanong sakin. 

"Narinig mo ako diba?" 

"Ayen... Please.. Wag mo naman akong iwan" nagmakaawa siya. 

"Hindi kita iiwan Theo.." 

"Ta-talaga??" 

"Wala na akong babalikan.." 

"Anong ibig mong sabihin??" tanong niya. 

"Hindi naman ako mahal ng magulang ko e... Dahil lang sa isang pagkakamali na hindi ko naman gisnusto, kinamuhian at iniwan nila ako.. Ang asawa ko?? May anak na siya sa ibang babae at kaya pa siyang bigyan ng maraming anak... Hindi nila ako mahal.. Ang Lolo ko... Pabigat lang ako sa kanya..." at naiyak na ako ng tuluyan.. Hindi ko na kaya.. 

"Ayen.." 

"Theo.. Hindi ko na kaya.. Tulungan mo ako.. Please??" bigla niya akong niyakap. 

"Hindi kita iiwan Babe.. Hindi kita iiwan.." sabi niya sa akin. 

"Hindi mo naman ako kaano-ano.. Bakit mo akong pinapahalagahan ng ganito" niyakap ko na siya at patuloy pa ring umiiyak. 

"Ikaw ang dahilan kung bakit nananatili pa rin akong buhay.." 

"Bakit?" kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya. 

"Basta.. Wag na natin pag-usapan ang tungkot doon.." 

"Tulungan mo akong makalimot Theo.." sabi ko sakanya. 

"Gusto mo ba talaga?" tanong niya sa akin. 

"Oo.. Tama na ang isang beses na nagpakatanga ako.. Sa mga magulang ko at sa taong akala ko poprotekta sa akin.." 

"Sumama ka sa akin Ayen" 

"Sumama saan?" 

"Tatanggapin ko ang offer sa akin" nginitian niya ako.  

"Ang i-ibig mong sa-sabihin?" 

"Sumama ka sa akin.. Sa New York na tayo magbabagong buhay.." 

"Pe-pero.." 

"Diba gusto mong makalimot?" 

"Oo.. Sige.. Sasama ako.." 

"Pwede bang humiling ako sayo?" 

"Sige.." 

"Pwede bang..." sigh "Pwede bang ikaw na si Ayen? Ayen Chandler?" 

"Gusto kong magbagong buhay Theo.. Kaya.. Pumapayag ako sa hiling mo.." 

"Ta-talaga??" 

"Ako na ngayon si Ayen Chandler.. Ang asawa mo.. Pero sana Theo, tanggapin mo ng buong buo ang mga anak ko" 

"Don't worry Ayen, tatanggapin ko ang mga anak NATIN. Magiging parang tunay kong silang mga anak.. Ako ang tatayong ama nila.." 

"Sa-salamat.." sabi ko sakanya at niyakap siya. 

Naramdaman kong niyakap rin niya ako at hinalikan sa ulo. 

"Matulog na tayo.. Bukas na bukas rin uuwi na tayo sa Manila at aasekasuhin ko na ag flight natin papuntang New York" sabi niya at inihiga ako. 

"Salamat Theo" 

"Matulog na tayo Ayen.." hinalikan niya ako sa noo. 

"Goodnight Theo" 

"Goodnight Ayen" 

At natulog na ako ulit. 

Kinabukasan, maaga akong nagising. Tulog pa rin si Theo kaya hindi na ako nagpaalam pa sakanya. 

Pumunta ako ng dalampasigan.

*"Mommy.. Sorry.. Hindi ko po naman ginusto ang nangyari noon kay kuya" 13 years old pa lang ako noon nung sinabi ko yun kay Mommy. 

"Anong hindi mo sinasadya?" 

"Mommy I Love You" 

"Aalis na ulit kami ng Daddy mo bukas.. Magtino ka Natalie.. Dito ka lang sa Lolo mo" 

At yun na ang huli naming pagkikita. 

"Dinadalaw mo ba si Nataniel sa puntod niya?" 

"Dapat araw-arawin mo ang pagdalaw mo sa kuya mo. Nakaklimutan mo na bang ikaw ang may kasalanan kung bakit siya naaksidente?" 

"Nag-adopt ang mga magulang mo.. May kapatid ka Natalie" sabi ni Lolo. 

"Pupunta ako kay Andrea! Ang babaeng handang bigyan ako ng maraming anak!" sigaw ni Chase. 

"Nagsisisi ako kung bakit kita pinakasalan"...*

"Lahat ng yun.. Nakaya kong dalhin.. Tao rin ako at mahina.." hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. 

"Diba sabi ko naman sayo nandito lang ako? Hindi kita iiwan Ayen" nakita ko si Theo na nakatayo mula sa likod ko. 

"Theo.." 

"huwag ka mag-alala.. Makakalimot ka rin Ayen"..

Balang araw. Babalik ako para ipakita sa kanila na hindi ako mahina.

----

[MZG a/n : bitin na namn ito.. Sorry naman. =( 30 votes at 15 comments para sa next UD.] 

thanks!

#Zana

I'm still Married (Book Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon