Chapter 27

193 30 5
                                    

Crown's P.O.V

"Ano pong ginagawa nyo dito Ma'am? Bakit hindi po kayo sa kwarto nyo?" tanong ni Berna, dahilan para mapatingala ako. Nakasukob kasi ako sa lamesa sa kusina.

"Berna, pwede ba akong magtanong?" tanong ko sakanya.

"Oo naman po. Ano po bang problema?" tanong nya naman.

"Naranasan mo na bang masaktan ng sobra? Yung tipong sa sobrang sakit, nakuha mong magalit? Yung ang hirap magpatawad?" tanong ko.

"Oo naman po. Lahat naman po ata naranasan ng masaktan ng sobra at magtanim ng galit" sagot nya.

"Nagawa mo bang patawarin yung taong yon? Nagawa mo bang kalimutan lahat ng sakit na pinaramdam nya sa'yo?" tanong ko pa.

"Napatawad? Opo. Pero nakalimutan, hindi. Mahirap po kasing kalimutan yung isang bagay, lalo na kapag naapektuhan ka ng sobra. Sabi nila forget and forgive, pero pa'no mo makakalimutan kung halos buong pagkatao mo yung nasira dahil don? Mahirap po eh. Pero ang magpatawad, hindi lang naman sila yung magbebenefit. Kasi tayo, pwede po nating patawarin yung taong nanakit sa'tin, kahit hindi sya humihingi ng tawad. Nakakagaan ng loob kapag natutunan mong magpatawad. Wala kang iintindihing galit, sama ng loob o kung ano pa. Magiging mapayapa ang isip at puso mo. Matutunan mong buksan ulit ang puso mo, para sa mga mas magagandang ala ala, hindi sa puro galit at sakit. Hindi po ba ang sarap sa pakiramdam kapag masaya lang at walang kinikimkim na galit? 'Tsaka inisip ko nalang po na lahat ng tao nagkakamali. Baka ako din, may nagawa rin pala akong mali sa kanila. Kaya kahit mahirap, nakakagaan naman kapag nagpatawad" sabi pa ni Berna. Napangiti naman ako, dahil sa sagot nya.

Tama sya...

Lahat ng tao nagkakamali.

Ako nga pinatawad ni Hatch, kahit na nasira ko ang buhay nya. Bonus pa na minahal nya rin ako pabalik.

"Tama ka. Thank you Berna. Thank you so much" nakangiting sabi ko. Niyakap ko pa sya at niyakap nya rin ako pabalik.

"Wala po yon Ma'am. Masaya po akong makatulong. Sana po makita nyo rin yung kapatawaran sa puso nyo" sabi nya naman.

"Nandito ka pala Crown. Hinahanap ka ni Mommy, ikaw ata ang pinaglilihian" biglang sabi ni Crayden, dahilan para mapabitiw si Berna sa pagkakayakap sa'kin at lumayo ng kaunti.

"Tara?" aya pa nya. Tumango lang ako bilang sagot at sumunod na sakanya.

"Uhm... Kuya..." tawag ko sakanya, habang naglalakad kami paakyat sa kwarto nina Mommy at Daddy.

"Kuya? Tinawag mo akong kuya?" gulat nyang tanong. Natigilan pa sya sa paglalakad, dahil don.

"I'm sorry" nakayukong sabi ko.

"Para saan?" nagtatakang tanong nya.

"Sorry kung nainggit ako sa'yo. Sorry kung nagalit ako. Sorry sa mga masasakit na salitang nasabi ko. Sorry kung sinayang ko yung closeness natin. Sorry sa mga masasamang inisip ko sa'yo. I'm sorry Kuya. Sorry talaga" nakayukong sabi ko pa.

Lumapit naman sya sa'kin at niyakap ako. Sinuklay pa nya ang buhok ko, gamit ang kamay nya.

"It's ok Princess. Sorry din. Sorry kung naramdaman mo 'yan, dahil sa'kin. Sorry sa lahat. Sorry kasi hindi kita inintindi at pinagtanggol. I love you so much my Princess. Mahal na mahal kita, kahit hindi tayo magkasundo" sabi pa nya.

"I love you too kuya. I miss you" mangiyak ngiyak ko namang sabi.

"Wag ka na ngang umiyak. Ang panget mo kaya kapag umiiyak" sabi nya, dahilan para matawa ako. Halos kapareho nya talaga ng ugali si Hatch.

"I'm sure matutuwa si Mom, kapag nalaman nya na ok na tayo" masayang sabi pa ni Crayden. Umakbay pa sya sa'kin at sinabayan ako sa paglalakad.

"Mukhang ang saya nyong dalawa ah" nakangiting salubong ni Mom sa amin, nang makarating kami sa kwarto nila.

"Ok na kami ni Crown, Mom. Nag usap kami kanina. Nag sorry kami sa isa't isa. I'm so glad naintindihan na namin ang isa't isa" sabi naman ni Crayden kay Mommy.

Napangiti naman si Mom, dahil don. Biglang kumirot ang puso ko, dahil sa nakita ko. Masaya ako na makitang ganito kasaya si Mom. Ngayon ko lang nakita 'to, yung pati mata nya kumikislap dahil sa saya.

"Masaya ako for the both of you. Sawakas nagkasundo na rin kayo. Sana... sana mapatawad mo rin ako anak" sabi naman ni Mom. Maluha luha pa syang lumingon sa'kin.

"I'm sorry kung naging mahina ako. Sorry kung hindi kita napagtatanggol, kapag kailangan mo ako. Sorry kung naiparamdam ko sa'yo na si Crayden lang ang mahal ko. I'm sorry Crown. I'm really really sorry. Gusto kong bumawi sa'yo, pero hindi ko alam kung paano. Sa t'wing sinusubukan ko... lagi nalang sumasablay" mangiyak ngiyak pang sabi ni Mom.

"Shh! Mom don't cry!" sabi ko at nilapitan pa sya. Niyakap ko sya ng mahigpit, habang hinahaplos ko ang likod nya.

"Baka makasama kay baby. Don't stress yourself. Hindi mo na kailangang humingi ng sorry, napatawad ko na ho kayo. Hindi ganon kadaling kalimutan yung mga nangyari. Hindi ganon kadaling bumalik sa dati. Pero napatawad ko na po kayo" dagdag ko pa.

"Thank you anak. Thank you. Sana din mapatawad mo na ang Daddy mo. Gusto lang naman namin yung best para sa'yo, hindi namin naisip na lalo kang lalayo at hindi makikinig samin, dahil sa paraan namin" sabi pa ni Mommy.

"One at a time. Magagawa ko rin pong makalimutan at tanggapin lahat" sabi ko naman. Niyakap ako ulit ni Mommy at nakiyakap na rin si Kuya.

"Nasan nga po pala si Dad?" tanong ko. Bumitaw na rin ako sa pagkakayakap sakanila.

"Naghanap ng bayabas na kulay pink" sabi naman ni Crayden.

"Bayabas na kulay pink?" nagtatakang tanong ko.

"Ewan ko jan kay Mommy. Gusto nya daw yon" sabi pa ni Crayden, dahilan para matawa kami.

Ang mga buntis nga naman.

Tumambay muna kami ni Kuya sa kwarto ni Mom at nakipag kwentuhan sakanya. Tawa kami ng tawa, dahil sa mga ikinukwento ni Mom tungkol sa kabataan nila ni Dad.

Natahimik lang ako nang biglang dumako sa love life namin ni Kuya ang topic.

"Ikaw Crayden, ang tanda tanda mo na, wala ka pa ring pinapakilalang girlfriend sa'kin. Bakla ka ba?" pang aasar ni Mom, dahilan para muntikan akong matawa. Pinipigilan ko lamang ang sarili ko.

"Mom! Alam mo namang may hinihintay ako diba!" sabi naman ni Crayden.

"Sino? Si Myla? Yung kababata mong pinaampon sa mayamang kaibigan ng parents nya, dahil may sakit? Kuya! Ang tagal na non ah!" sabi ko naman.

"Alam ko... Pero... ang hirap nyang kalimutan eh" mahinang sagot ni Kuya.

"Mom! Si Crown ang may love life. Kasama nyang nagtanan si Hatch sa probinsya eh. Dati idol nya lang, boyfriend na ata ngayon" pang aasar ni Crayden, dahilan para mamula ang mukha ko.

"Hindi pa!" sabi ko naman.

"Ah hindi pa. Malapit na!" pang aasar pa nya, dahilan para lalo akong mamula dahil sa pinaghalong hiya at kilig.

I Kidnapped Hatch EvanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon