Chapter 4

315 53 25
                                    

Crown's P.O.V

"Crown? Anong ginagawa natin dito? Nasaan sila?" biglang sigaw ni Hatch, habang nagmamaneho ako.

Shit! Bakit ang bilis nya namang nagising? Nakakainis!

"Ahh. I-Iuuwi na kita. Lasing ka na kasi" sabi ko naman.

"Lasing? Hindi pa naman ako nakakarami ah" nagtatakang sabi nya.

"Lasing ka na. Hindi mo nga alam kung paano ka napunta dito eh" sarkastikong sabi ko.

"Hindi ito ang papunta sa'min. Saan mo ba talaga ako dadalhin?" inis pang sabi ni Hatch.

"Basta! Just shut up and sit, ok!" inis kong sabi.

"Hah! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? It's a crime Crown! You are kidnapping me. Para saan? Para sa pera? Crown naman!" inis nyang sigaw.

"No!" I shouted.

"Then What?" inis pa nyang sabi.

"Because I love you. I'll do everything for you. I love you Hatch. I love you" mangiyak ngiyak kong sabi.

"Bullshit! You are insane! Desperada ka! Desperada ka na!" inis nyang sigaw sa akin, dahilan para mapahagulgol ako.

"Desperada na kung desperada. Baliw na kung baliw. Pero mahal kita Hatch. Wala akong pakealam, basta mahal kita!" humahagulgol kong sabi.

"Love? It's not Love Crown. It's Bullshit!" he shouted.

"Tama na! Tama na! Tama na! Alam ko namang mali ako. Alam ko. Pero wag ka namang magalit. Mahal lang naman kita eh" I pleaded.

Nagulat ako nang bigla nyang hawakan ang manubela at iliko.

"Stop the car!" he shouted.

"No!" sigaw ko rin pabalik.

"I said stop the car!" sigaw pa nya, habang pilit na inaagaw ang manubela sa akin.

"No! Hindi pwede" sabi ko naman.

"You are obsessed! Itigil mo nalang 'to please!" sigaw pa nya.

"No!" I shouted.

"Hatch!" malakas na sigaw ko nang mapansin kong babangga ang sasakyan namin sa isang puno.

"Hatch ano ba! Mababangga tayo! Bitawan mo nga ang manubela!" sigaw ko, dahilan para ma alarma sya. Dali dali nya namang binitawan ang manubela, ililiko ko na sana ito, pero huli na ang lahat.

Parang tumigil ang mundo ko nang maramdaman ko ang pagsalpok ng kotse sa puno. It's as if everything was in pause.

"Help!" I mouthed.

I felt dizzy. Parang umiikot ang paligid. Pagod na pagod na rin ang mga mata ko, gustong gusto na nitong pumikit.

"Hatch!" I mouted. "Don't d-die, please. I... I'm sorry. I'm so sorry." mahina pang sabi ko, habang tumutulo ang mga luha sa mga mata ko.

"Hatch..." huling sabi ko, bago ako tuluyang mapapikit. Everything went black and I can't even hear any noises.

"Ayos na ba sila?"
"Ilang araw na silang tulog ah"
"Sabi naman ni Steban magiging maayos pa sila diba"
"Nakakaawa ang dalawang 'to. Hindi rin kasi natin madala sa ospital. Wala tayong sapat na pera"

I Kidnapped Hatch EvanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon