Chapter 33

120 10 0
                                    

Crown's P.O.V

"What the hell Crown! Sobra na naman 'to!" sigaw ni Elaine sa'kin, matapos nyang makipag usap sa taong tumawag sa cellphone nya.

"Binalaan naman kita diba. You all know what I'm capable of. Ang lakas ng loob nyong lumaban!" seryosong sabi ko.

"Demonyo ka talaga! Napakasama ng ugali mo!" inis na sigaw ni Angeline.

"Thanks" I simply said.

"Tumigil na nga kayo kakadaldal. Mas kailangan nyong i reserve yan to win back your company" seryosong sabi ko.

Lalapit na sana si Elaine para sampalin ako, pero nagsalita ako dahilan para matigilan sya.

"Kapag hindi kayo kusang lumabas, tatawag ako ng Pulis at ipapakulong ko kayo" seryosong sabi ko.

Umatras naman silang tatlo at paalis na, ngunit nanatili si Shy sa pwesto nya.

"Wait!" sigaw nya, dahilan para matigilan kami.

"Hindi naman tayo ganito dati ah! Dati nagpaplastikan at nagpaparinigan lang tayo, pero bakit sumobra na kayo!" sigaw pa nya.

"Crown ako na ang magsosorry sa mga pinagsasabi nil..." hindi natapos ni Shy ang sasabihin nya nang sumingit si Elaine.

"What?" inis nyang sabi.

"Shut up!" sigaw pa ni Shy sakanya, dahilan para matigilan ito.

"Sorry Crown. Please 'wag mo nang idamay ang company namin. I'll make sure na titigilan ka na ng mga 'to, kapag tinigilan mo ang mga company namin. Please Crown" pakiusap nya.

"Fine! Pero lumayas na kayo sa harapan ko, bago tuluyang mag init ang ulo ko!" sabi ko naman at muling tumawag para ipatigil ang gulong ginawa ko sa kumpanya nila.

Dali dali naman silang umalis at lumabas sa Party Hall.

"Hoo! Ang init non ah" biglang komento ni Luke, habang kunwaring nagpapaypay gamit ang kamay nya.

"Ok ka lang?" tanong ni Hatch sa'kin. Tumango lang ako bilang sagot.

"Sino ba yung mga yon? Bakit parang ang laki ng galit nyo sa isa't isa?" nagtatakang tanong pa ni Hatch.

"They're no one. Sinamahan ko lang sila non for connection, but we don't really like each other. Nagpaplastikan kumbaga" sagot ko naman.

"Ang kapal pa rin talaga ng mukha ni Elaine ano. Hanggang ngayon hindi ko pa rin makakalimutan ang ginawa nya. Muntik ka ng mamatay, dahil sakanya. Arghh! That girl!" reklamo naman ni Charm.

"What do you mean?" nagtatakang tanong ni Hatch.

"Pinakidnap nya kasi si Crown sa mga goons non, kaya nga hindi na sya pinayagan na mag detective. Natakot sina Tita at Tito for her. Hindi nya tuloy natuloy ang pangarap nya" sabi pa ni Charm. "Kaya nga naiinis ako kay Crown nung sinamahan nya pa rin yon, kahit alam na nya ang ginawa nya" dagdag pa nya.

"Detective pala talaga ang pangarap mo Ate Amy" singit ni Kirsten. "Ang layo ng Accounting sa Detective ah. Pero sabagay, parehas madugo" dagdag pa nya, dahilan para matawa ako.

"Mag s-swimming lang ako sandali," sabi ko at dumiretso sa pool. I'll swim kahit sandali lang, baka sakaling mabawasan ang init ng ulo ko don sa apat.

Humiga ako sa tubig at nag floating. Ipinadyak ko ang mga paa ko, upang hindi ako mahulog. Nakalimang ikot ako sa pool, hanggang sa mapagdesisyunan kong umahon.

Pag ahon ko ay inabutan ako ng towel ni Hatch. Tinanggap ko naman ito at binalot ko ang katawan ko.

"Ok ka na ba?" pabulong nyang tanong.

"Mhhm. As long as nandito ka" sagot ko naman. Napangiti naman sya, dahil sa sinabi ko. I kissed him in the cheeks, at natawa ako nang mapansing namula ang mukha nya.

"I can't wait to marry you and have kids with you. I'm excited to wake up with you by my side," sabi pa nya, habang nakatingin ng diretso sa akin.

"Hindi ka pa nga nag p-propose eh" sabi ko at tinawanan sya.

"Gusto mo na ba?" natatawang sabi pa nya.

"Hindi pa nga tayo eh. Ang bilis mo ah!" sabi ko naman.

"Hindi pa ba? Akala ko ba girlfriend na kita dati pa. Ipinakilala mo akong boyfriend mo kina Lola Mildred diba" sabi nya naman.

"Tss" sabi ko nalang. Wala na kasi akong masabi. Hindi talaga magpapatalo ang lalaking 'to.

"Pumunta na nga tayo don. Ang sarap ng inuman nila oh" sabi ko at nauna ng naglakad papunta sa pwesto nina Charm.

"Kayo na ba ulit?" pag uusisa ni Kirsten, habang nakatingin samin. Ang chismosa talaga.

"Yup!","No!" sabay naming sagot ni Hatch.

"Sus. Indenial pa si Ate Amy!" pang aasar ni Kirsten.

"Dahan dahan daw, may nasasaktan" pagpaparinig ni Luke. Siniko naman sya ni Prince, dahil dito.

"Ano pa bang hinihintay nyo? Pwede na nga kayong magpakasal eh" sabi naman ni Charm.

"Ba't hindi kaya kayo ni Art ang magpakasal. Gusto ko na ng inaanak" pambabara ko naman, dahilan para mamula sya.

"Ba't namumula ka? May nangyari na sainyo?" gulat kong tanong, dahilan para mabatukan nya ako.

"Ang lakas ng boses mo" nanggigigil na sabi nya sa'kin.

"So totoo!" pabulong at gulat na gulat ko pa ring tanong. Lalo naman syang namula dahil don. Confirmed!

"Crayden! Buti nakapunta ka!" pag iiba ni Charm sa usapan. Napatingin ako sa pintuan ng Party hall at nakita ngang papasok si Crayden.

Binatukan ko si Charm nang maalala kong iniiba nya ang usapan.

"Ang lapit lang ni Kuya, akala mo naman ang layo layo nya. Gusto mo lang talagang ibahin ang usapan" inis kong sabi sakanya. Nginitian nya lamang ako ng nahihiya at nag peace sign pa. Inirapan ko naman sya, dahil don.

"I can't turn down an invitation. Lalo na kung nandito ang lalaking gustong gusto ng kapatid ko" sagot naman ni Kuya kay Charm, dahilan para tignan ko sya ng masama.

"Kuya!" inis kong sabi.

"What?" painosenteng tanong nya. Inirapan ko lang sya dahil dito.

"Bakit mo ba nagustuhan si Crown bro? Kailangan mong mag ready sakanya kung sya talaga ang gugustuhin mo, high maintenance yan, mataray pa" sabi naman ni Kuya kay Hatch, dahilan para lalo ko syang tignan ng masama.

"Hoy! Mas high maintenance ka naman sa'kin. Mas marami ka pang nilalagay jan sa balat mo kaysa sa'kin no. Ikaw nga 'tong hindi marunong sa gawaing bahay" inis kong sabi sakanya.

"Wow! Marunong ka?" pang aasar pa nya.

"Of course. Tinuruan ako ni Lola Mildred" pagyayabang ko.

"Edi ikaw na" inis nya namang sabi.

"Kaya hindi ka nagkaka girlfriend eh. Kalalaki mo kasing tao, napaka arte mo" pang aasar ko pa sakanya.

"Tsk! Ano namang connect ng pag girlfriend don?" inis nya namang sabi.

"Don't tell me bakla ka talaga kuya?" pang aasar ko pa, dahilan para magtawanan ang mga kasama namin. Pinakamalakas ang kay Charm.

"Ang sama talaga ng ugali mo!" inis nyang sabi sa'kin. "Ingatan mo 'tong kapatid ko Hatch. 'Wag mong iiwan kasi wala ng pupulot jan. Di ko na tatanggapin ulit yan kapag kinuha mo na" sabi naman ni Kuya, habang nakatingin kay Hatch.

"Ewan ko sa'yo!" inis ko pang sabi sakanya. Pinagsusuntok ko pa sya sa braso, dahil sa sobrang inis.

"Tignan mo, amazona pa" pang aasar pa nya dahilan para magtawanan ang lahat, maliban sa'kin.

I Kidnapped Hatch EvanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon