Chapter 20

224 32 4
                                    

Crown's P.O.V

"Congratulations Crown!" masayang bati ni Francine sa'kin.

Makalipas kasi ang ilang buwang pagsusumikap ko, narinig ko rin ang pinakaaasam kong marinig.

"You are promoted!"

"Wahh! Thank you France!" masayang sabi ko. Nakipag apir pa ako sakanya, dahil sa sobrang tuwa.

"Nako! Marami ka na nyang pera. Baka naman. Ehem!" pang aasar pa nya. Natawa lamang ako, bilang sagot.

"Walang trabaho bukas, tatlong araw tayong walang pasok! Yes!" sigaw naman ni Katrina, katrabaho din namin.

"Bakit daw?" tanong naman ni France.

"Gaga. Holiday diba!" sabi naman ni Kat sakanya.

"Anong balak nyo sa maikling bakasyon natin? Spend time with families? Or Boyfriend?" tanong pa ni Kat sa amin.

"Ipapasyal ko si Josh" nakangiting sabi ni France, ang anak nya ang tinutukoy nya.

"Eh ikaw Crown?" tanong nila sa'kin.

Family? Matutulog nalang ako sa Apartment kaysa makasama sila.

Boyfriend? Wala ako non. Ayaw na rin akong makita nung taong gusto kong makasama habang buhay.

Ano nga bang gagawin ko?

Matutulog sa Apartment? Magpapahinga?

"Baka mamamasyal" simpleng sagot ko.

Kinabukasan ay maaga akong nagising para magbyahe, napag desisyonan kong pumunta kina Lola Mildred. Namimiss ko na rin sila ni Lolo Ador, pati na rin sina Makoy at Kirsten.

Kumusta na nga kaya sila?

"Surprise!" sigaw ko, pagbukas na pagbukas ko sa pinto ng bahay nina Lola Mildred. May hawak pa akong cake at pansit na pagsasaluhan namin mamaya.

"Amy Anak!" masayang bati ni Lola Mildred. Sinalubong pa nya ako ng isang mahigpit na yakap.

"Pumayat ka anak ah" komento naman ni Lolo Ador.

"Namiss ko ho kayo" sabi ko at nilapag ko ang cake at pansit sa lamesa. Niyakap ko rin sina Lolo Ador at Lola Mildred, pagkatapos.

"Sina Makoy at Kirsten po? Kumusta naman?" tanong ko.

"Nasa bayan sila, pero pauwi na rin siguro yung dalawang 'yon. Baka dumiretso din dito mamaya, lagi silang nandito t'wing hapon eh" sabi naman ni Lola Mildred. Nagkwentuhan lamang kaming tatlo, habang tinitikman nila ang pagkaing dala ko.

"Mabuti't nakauwi ka Amy?" tanong ni Lolo Ador.

"Holiday po kasi, may tatlong araw kaming bakasyon. Gusto ko rin pong magdiwang, na promote ho ako sa trabaho ko" sabi ko naman.

"Mabuti naman kung ganon. Ipinagmamalaki ka talaga namin!" nakangiting sabi ni Lola Mildred. Napangiti din ako, dahil don. Ang sarap talaga sa pakiramdam kapag may taong proud sa mga achievements mo, mapamaliit man o malaki.

Natigil kami sa pagkukwentuhan nang biglang sumigaw ang kadarating lang na si Kirsten.

"La! May surpresa kami sainyo ni Lolo. May kasama kami!" masayang sabi nya.

Pagbukas nya ng pinto ay agad kaming napalingon nina Lolo Ador at Lola Mildred sakanila.

"Hatch..." mahinang banggit ko sa pangalan nya.

"Ate Amy! Anong ginagawa mo dito? Bakit hindi ka nagsabi na uuwi ka pala!" biglang sabi ni Kirsten, lumapit pa sya sa'kin at niyakap ako.

"I wan't to surprise you sana. Pero ako yung nasurprise" sabi ko at naiilang na tumawa.

"Kumusta ka na Eban anak? Lalo kang gumwapo ah" bati ni Lola Mildred kay Hatch.

"B-bakit nandito si Hatch?" pabulong kong tanong kay Makoy.

"Namiss nya daw sina Lola Mildred at Lolo Ador" pabulong ding sagot ni Makoy. Tumango na lamang ako, bilang sagot.

"Saan ka pupunta anak?" tanong ni Lolo Ador nang mapansin nyang palabas ako sa bahay. Napatingin naman silang lahat sa'kin, dahil don.

"Uhm... ano po... uhm... pupuntahan ko lang po si Aling Baby... opo si Aling Baby. N-nandyan naman ho si E-Evan" naiilang kong sabi.

"Sige. Bumalik ka agad, para sabay sabay tayong kumain" sabi naman ni Lola Mildred. Tumango lang ako bilang sagot at lumabas na ng bahay.

Wala akong balak na pumunta kina Aling Baby, naiilang lang talaga ako kay Hatch. Isa pa, baka ayaw nya ring nandoon ako. Ayaw nya na nga akong makita eh.

Dumiretso nalang ako sa makitid na tulay na nakita ko noon. Umupo ako sa isang malaking bato at pinagmasdan ang tubig na umaagos.

"Iniiwasan mo ba ako?" nagulat ako nang may biglang magsalita. Napatingala ako at napalingon sakanya.

"H-hatch... A-anong ginagawa mo dito?" gulat kong tanong.

"Ako ang nagtatanong Crown! Iniiwasan mo ba ako?" naiinis nyang sabi.

"O-oo" mahinang sagot ko.

"Hah! Ikaw pa talaga ang umiiwas? Bakit mo naman ginagawa 'to? Isa nanaman ba 'to sa mga bago mong palabas?" pasigaw pa nyang tanong.

"Sabi mo ayaw mo na akong makita diba! Sabi mo, lapit ako ng lapit. Kaya ngayon, lumalayo ako. Ako na yung umiiwas. Alam ko naman na malaki yung kasalanan ko sa'yo eh, kaya ako na yung mag aadjust! Ano bang mali don? Hindi na kita maintindihan!" napataas na rin ang boses ko, nang sabihin ko 'yon. Hindi ko kasi talaga sya maintindihan. Ano bang problema nya?

Hindi na lang sya nagsalita at dahan dahan ng naglakad paatras. Naramdaman ko nalang na pumatak ang mga luha sa mga mata ko, nang unti unti na syang mawala sa paningin ko.

Paano ko ba sya makakalimutan? Kung pwede ko lang syang hindi mahalin, para mawala na yung sakit. Pero ang hirap eh. Ang hirap hirap nyang kalimutan!

Maya maya, nang magdidilim na ay umuwi na ako sa bahay nina Lola Mildred. Sila naman ang pinunta ko dito. Uuwi nalang siguro ako agad bukas. Kina Kirsten nalang din ako makikitulog, para makatulog si Hatch dito.

"Sakto ang pagdating mo Ate Amy! Kain na daw tayo! Mukhang masarap yung cake na dala mo" masayang sabi ni Kirsten pagdating ko. Nginitian ko nalamang sya at umupo na rin ako at nakisalo sakanila.

"Hanggang kailan pala kayo dito?" tanong ni Lolo Ador sa amin ni Hatch.

"Aalis na ho ako bukas ng umaga" sagot ko.

"Limang araw po akong naka bakasyon. Baka sa Lunes pa po ako uuwi" sabi naman ni Hatch.

Nagkasabay pa kami sa pagsasalita, kaya sandali kaming nagkatinginan.

"Agad agad Ate Amy?" malungkot na tanong ni Kirsten.

"Oo nga anak" sabi naman ni Lola Mildred.

"Marami pa ho kasi akong aasikasuhin sa Manila. Babalik naman po ako kapag nagka pagkakataon" sabi ko naman.

"Ang sarap nito!" pag iiba ni Kirsten sa usapan, habang kinakain nya yung chocolate cake.

"Uhm.. Kina Kirsten nalang ho ako makikitulog ngayong gabi La, para magamit naman po ni Hatch yung kwarto" sabi ko pa kay Lola Mildred.

"No. It's ok. Sa sala nalang ako matutulog" sabi naman ni Hatch.

"Hindi. Kina Kirsten nalang ako, para komportable ka naman sa pagtulog" sabi ko naman.

"No! Ok nga..." hindi na natapos ni Hatch ang sasabihin nya nang biglang magsalita si Kirsten.

"Alam ko na! Magdadala kami ng foam ni Makoy. Sama sama tayong apat na matutulog sa sala!" sabi nya.

"What?"
"Huh?      
-sabay naming sabi ni Hatch.

"Ang gulo nyo eh. Ganon nalang!" sabi pa ni Kirsten. "Diba La?" dagdag pa nya.

"Oo nga. Mas magandang ideya yan" pagtango ni Lola Mildred. Wala na kaming nagawa ni Hatch, kung hindi ang manahimik.

I Kidnapped Hatch EvanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon