Chapter 29

176 11 6
                                    

Crown's P.O.V

Pagdating namin sa Your Home Beach Resort ay agad kaming sinalubong nina Kirsten at Makoy. Nandoon din sina Hatch, Luke at Josh. Hindi pa pala sila umaalis dito.

"Mom, Dad, mga kaibigan ko po" pagpapakilala ko sa kanila.

"Family ko. Some of you already met my Kuya," sabi ko naman sakanila.

Nagmano sila kina Mommy at Daddy at binati nila ang mga ito.

"Ready na po ang room nyo. Baka gusto nyo pong ilagay muna ang mga gamit nyo at magpahinga" sabi naman ni Kirsten sakanila. Tumango lamang sina Mommy at Daddy at sumunod na kami kina Kirsten papunta sa mga kwartong tutuluyan nila.

"Can we talk?" pabulong na tanong ni Hatch sa'kin nang makaalis sina Mommy.

Tumango ako bilang sagot at naglakad kami palayo sakanila. Pumunta kami sa isa sa mga beach bench at umupo.

"Kumusta ka na?" tanong nya.

"I'm good. Ikaw?" naiilang kong tanong.

"T-totoo ba talaga ang sinabi mo? Hindi mo boyfriend si Ramiel?" mahinang tanong nya.

"I love Ramiel as a friend, pero ikaw yung mahal ko. Hindi ko kayang makipag relasyon sa taong hindi ko naman mahal" sagot ko naman.

"I'm sorry" mahinang sabi nya.

"Para saan?" tanong ko naman.

"Sa inasal ko. Sorry kung nag walk out ako. Sorry kung hindi kita pinakinggan, sobrang gumulo lang talaga ang utak ko non" sabi pa ni Hatch.

"Ok lang naman 'yon. Naiintindihan ko naman" sabi ko naman.

"I know we caused each other pain. Alam kong hindi naging maganda ang simula natin. Niloko mo ako at nasaktan kita, pero minahal naman natin ang isa't isa. Can we start over again? Pwede ba nating palitan ng mga magagandang ala ala ang lahat ng sakit at galit na naramdaman natin sa isa't isa?" tanong nya.

Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Ito nanaman ang pakiramdam sa t'wing kinikilig at hindi ako mapakali dahil kay Hatch.

"I'm Crown Amelie" sabi ko at inabot ang palad ko sakanya. Sa umpisa ay nagtaka si Hatch, pero na gets nya rin ang ginawa ko kaya inabot nya rin ang kamay nya at nakipag shake hands sa'kin.

"Hatch. Hatch Evan" pagpapakilala nya naman.

Napangiti ako at ganon din sya. Dahan dahan syang lumapit at idinikit ang mga labi nya sa akin. Ipinikit ko naman ang mga mata ko habang sumasabay ang labi ko sa bawat galaw ng labi nya.

Umihip ang malakas na hangin, dahilan para mapasayaw ang mga puno sa paligid at magsimulang maghulugan ang mga dahon. Parang sumasabay ang kalikasan sa kasiyahang nararamdaman naming dalawa.

I brought my face even closer to him and kissed him like there is no tomorrow. Para akong uhaw na uhaw sa mga halik nya. I missed him so much.

Tumigil kami sa paghahalikan. Pinagdikit namin ang mga noo namin at parehong naghabol ng hininga.

"I love you" pabulong nyang sabi.

"I love you too" mahinang sagot ko.

Umupo kami ng maayos, dahilan para magkadikit ang mga braso namin. Para akong nakaramdam ng kuryente, dahil don. Ito ba ang tinatawag nilang spark? Ghad! I'm really inlove with this guy.

"Crown!"
"Ate Amy! Kuya Hatch!"
"Nanjan lang pala kayo"

Natigilan kaming dalawa ni Hatch nang biglang may magsigawan sa likuran namin. Napalingon kami at nakita namin sina Makoy, Luke, Josh, Kuya at Kirsten.

"Anong ginagawa nyo dito?" napapakamot ulong tanong ko.

"Mga istorbo" pabulong namang sabi ni Hatch, dahilan para matawa ako ng kaunti.

"Kain na daw, sabi nina Tita at Tito" sabi naman ni Kirsten.

"Sige. Susunod na kami" sabi ko naman.

"Anong susunod? Sumabay na kayo" kontra naman ni Kuya.

"Bakit ba magtatawag lang kayong kumain, ang dami dami nyo pa?" nagtatakang tanong ko.

"Ako lang kasi dapat ate. Kaso makikichismis daw 'tong mga to kung ano nang ginagawa nyo" pambubuking ni Kirsten sakanila.

"Hoy hindi ah!"
"Anong chismis? Ano ako babae?"
"Hindi ko naman gustong malaman kung nagkikiss ba sila ah"

sabay sabay na pagtanggi ng mga lalaki.

"Ewan ko sainyo" sabi ko nalang at tumayo na ako. Sumunod naman si Hatch sa'kin at naglakad na kami papunta kina Mommy at Daddy.

"Saan kayo galing?" tanong ni Mom, pagdating namin.

"Nag usap lang po kami" simpleng sabi ko.

"Sya ba 'yon nak?" tanong pa ni Mommy.

"Po?" nagtatakang tanong ko.

"Yung painting na nakadikit sa kwarto mo" panlalaglag ni Mom.

"M-mommy!" nauutal kong sabi.

"What?" painosenteng tanong nya.

"Sya yung lovelife ni Crown sa pinuntahan nya Mom!" singit naman ni Kuya.

"Kuya!" inis kong tawag sa kanya.

"Mag uusap tayo mamaya" seryosong sabi naman ni Dad kay Hatch.

"Dad!" suway ko din.

"Bata pa ang anak ko. Pakasalan mo muna bago ang..." hindi ko na pinatapos ang dapat na sasabihin ni Dad at nagsalita.

"Dad! Hindi pa nga kami eh!" suway ko.

Namumula na ako sa sobrang hiya. Pinagkakaisahan ako ng pamilya ko.

"Kain na po tayo. Masamang pinaghihintay ang pagkain!" pag iiba ko sa usapan.

Habang kumakain kami ay nailang ako nang mapansin kong nakatitig si Luke sa'kin.

"Bakit?" mahinang tanong ko sakanya nang magkatitigan kami.

"You look familiar. Dati ko pa talaga iniisip kung paano eh" sabi nya naman, dahilan para mapalingon ang lahat sakanya.

"Saan nga ba kita nakita?" dagdag tanong pa nya.

"Nakita mo ba yung phone ko?" mahina namang tanong ni Kirsten kay Makoy. Inabot naman ni Makoy ang kanina pang nakatagong cellphone sa bag nya.

"Cellphone? Ikaw yung babae sa cellphone ni Hatch?" gulat na sigaw ni Luke.

Napalingon nanaman kaming lahat sakanya, dahil don.

"Anong babae?" gulat namang tanong ni Josh sakanya.

"Diba may hawak na phone si Hatch non. Sky blue yung case. Babae yung lock screen" sagot ni Luke.

Sky blue na case? Mukha ko yung lock screen?

"Nasa beach ba yung picture ko don?" tanong ko. Tumango lang si Luke, bilang sagot.

"Cellphone ko 'yon dati. Ikaw pala ang nakapulot" sabi ko at tinignan si Hatch.

"Hindi ko napulot. Nakita ko sa taas ng kotse ko" sabi nya naman.

"Pinatong ko don sa car na nakapark, habang bumibili ako ng water. Umalis agad eh, hindi ko na hinabol" sabi ko naman.

"Small world" komento ni Makoy.

"Hoy walang password yung phone ko! Bakit hindi mo ako hinanap!" reklamo ko.

"Nakalimutan ko na. Pero nasa drawer ko pa naman 'yon" sabi nya naman.

"Ang dami mong saved picture ni Hatch ah. Patay na patay" pang aasar ni Luke, dahilan para mamula ako sa sobrang hiya.

"Pinakealaman nyo phone ko!" reklamo ko.

"Na curious kami eh. Akala namin may bagong chix na si Hatch" napapakamot ulong sabi naman ni Luke.

"Heh! Chismoso!" inis ko pang sabi sakanya.

Nginitian nya lang ako at nag peace sign pa sya sa'kin. Parang bata talaga.

I Kidnapped Hatch EvanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon