Chapter 18

220 37 6
                                    

Crown's P.O.V

Kinabukasan ay maaga akong nagising para ayusin ang mga gamit ko. Nakapag desisyon na ako, babalik ako sa Manila para makapag ipon ng mas malaking pera, para mapakinabangan ko din ang beach resort. Ayoko namang basta lang pabayaan o ibenta 'yon.

"Aalis ka talaga Ate Amy?" malungkot na tanong ni Kirsten. Umaga pa lang ay pumunta na sya dito, para tulungan ako.

"Kailangan eh. Papasyal pa rin naman ako dito pag nagka pagkakataon" sabi ko naman.

"Mamimiss ka namin" malungkot pang sabi nya.

"Mamimiss ko din kayo" sabi ko naman.

"Nakapagpaalam ka na ba kina Lola Mildred?" tanong pa nya.

"Mamaya. Hindi ko kasi alam kung paano ko sisimulan" sagot ko.

"I'm sure malulungkot sila sa ibabalita mo, pero maiintindihan naman nila. Basta mag iingat ka don Ate, wag mo kaming kakalimutan" sabi pa nya. Nginitian ko nalamang sya, bilang sagot.

"Suot mo pa pala yan. Mahal na mahal mo talaga si Hatch no" nakangiting sabi ni Kirsten, habang nakatingin sa kamay ko.

Napadako naman ang tingin ko sa tinitignan nya, ang red scrunchie na ibinigay ni Hatch noong birthday ko. Hinaplos ko ito gamit ang isang kamay ko at inalala ang araw na ibinigay ni Hatch sa akin ito.

Tumingala ako nang maramdaman kong patulo na ang mga luha sa mga mata ko, para pigilan ang pag agos ng mga ito. Damn! I miss him so much.

"Sobra! Sobra Kirsten" sagot ko naman sa sinabi ni Kirsten.

Pagkatapos naming ayusin ni Kirsten ang mga gamit ko ay tinawag na kami ni Lola Mildred para mag agahan.

"Ang dami naman nito La. Parang fiesta ah" komento ng kadarating lang na si Makoy.

"La may... may sasabihin po pala ako" sabi ko naman.

"Aalis ka?" tanong naman ni Lola Mildred, dahilan para mapatingin ako kay Kirsten nang nagtatanong.

Paano nya nalaman?

"Matagal na naming pinaghandaan ng Lolo mo ang pag alis nyo ni Eban, alam naman naming hindi kayo mananatili rito" sabi pa ni Lola Mildred.

"La, gusto ko pong manatili dito, pero kailangan ko pong umalis. Babalik naman po ako para bisitahin kayo, Pangako. Pwede rin po kayong pumunta sa beach resort ko kapag nakaipon na ako ng malaking pera. Pwede rin ho kayong tumira ni Lolo Ador don" sabi ko naman.

"Hihintayin ka namin Anak. Basta magiingat ka" nakangiti namang sabi ni Lola Mildred. Mababakas ang mga luhang nagbabadyang lumabas sa mga mata nya.

Niyakap ko naman sya ng mahigpit at niyakap nya rin ako pabalik. Nakiyakap rin sina Lolo Ador, Makoy at Kirsten sa amin.

I will miss this family. Isa na silang malaking parte ng buhay ko at pamilya na rin ang turing ko sakanila. Sila ang bumuo sa butas ng pagkukulang ng mga totoong pamilya ko. Sakanila ko mas naramdaman kung paano magmahal ang isang pamilya. I love them so much and I will forever treasure them in my heart.

Matapos kong makapagpaalam at mag ayos ng mga gamit ko ay nag byahe na ako pauwi sa Manila. Sapat na naman ang perang meron ako para sa pamasahe at sa unang renta na kailangan kong bayaran sa Apartment na tutuluyan ko pagdating ko don.

Mahaba haba ang byahe, kaya natulog na lamang ako para palipasin ang oras.

"Cubao!" sigaw ng konduktor ng bus.

Nagising ako dahil don at nag handa na ako para bumaba.

Pagbaba ko ay dumiretso ako sa isang Apartment na For Rent. 3 storey house sya. Matagal ko nang alam ang lugar na 'to, magbabakasakali nalang ako na may bakante pa.

"For Rent... 09*********" pagbabasa ko sa papel na nakapaskil sa gate ng bahay.

Inilabas ko ang lumang phone ni Kirsten na pinahiram nya sa'kin at tumawag ako sa may ari. Mabilis ang naging usapan namin, agad agad din kaming nagkasundo. Maya maya lang ay ibinigay na nya ang susi ng tutuluyan ko. Nagbigay na rin ako ng paunang bayad sakanya.

Amy:

Nasa Cubao na ako.
Thank you ulit

Nag chat din ako kay Kirsten, para balitaan sya.

Nagpahinga lang ako sandali sa Apartment at inilapag ko nalang ang mga gamit ko kung saan. It's a tiring trip, kailangan ko munang magpahinga para may energy ako mamaya.

Habang nakahiga ako ay sinubukan kong mag search sa Internet ng mga Urgent Hiring na company. Marami naman akong nakitang malapit dito, kaya 'yun ang mga pupuntahan ko ngayon.

Mabuti nalang at madali kong nakuha ang mga papel ko sa dati kong pinagtrabahuhan. Mabuti nalang din at hindi ko nasama ang mga 'yon sa aksidente.

"We'll call you back"

Nakakailang company na ako, pero palaging ito ang sinasabi nila pagkatapos ng Interview ko.

Umupo na lamang ako sa isa sa mga bench doon at sandaling nagpahinga.

"Crown?" nagulat ako nang may pamilyar na boses ang tumawag sa pangalan ko. Napatingala ako at nakita ko si Prince, isa sa Grupong Novum.

"Prince..." sabi ko naman.

"Kumusta ka na? Lalo kang gumaganda ah" pambobola nya.

"Ayos naman. Kayo?" tanong ko naman.

"Ayon. Tuluyan ng nagpaalam ang Grupo. Bigla nalang ngang nawala si Hatch, pagkatapos ng Party. Kababalik nya lang, nagbakasyon daw. Tss! Ewan ko ba sa lalaking 'yon, bigla ngang nagbago" sagot nya.

Hindi sinabi ni Hatch na kinidnap ko sya?

"What do you mean? Nagbago?" nagtatakang tanong ko.

"Oo. Ang balak kasi nya pagkatapos ng last concert, hahabulin nya yung ex nya sa Korea. He want her back, kaya kahit kapalit ng pagpunta nya don ang pangarap nya, ok lang" sabi nya, dahilan para mapayuko ako. I'm guilty. Ang laki pala talaga ng kasalanan ko kay Hatch. Sorry isn't enough. "Pero ngayon, si Lyca na yung umuwi sa Pilipinas para magka ayos sila, si Hatch naman yung tumatanggi. Pinagtutulakan pa si Lyca. Pakiramdam ko may babae 'yon sa pinuntahan nya eh. Inlove ata ang loko" dagdag pa nya.

My cheeks blushed red like an apple, napayuko ako habang tumitibok ng mabilis ang puso ko.

Ghad Crown! Tigilan mo ang kakaasa. Galit sya sa'yo. Malabong magustuhan ka nya!

"By the way, Ano nga palang ginagawa mo dito?" tanong pa ni Prince.

"I'm applying for a job" simpleng sabi ko.

"Dito?" tanong nya. Tumango lamang ako bilang sagot.

Inilabas nya naman ang phone nya at may kinausap sya sa telepono. Pagkatapos non ay humarap sya sa'kin.

"You're hired" sabi pa nya.

"Talaga?" gulat kong tanong. Mababakas ang saya sa mukha ko. Blessing in disguise si Prince sa'kin ngayong araw. Hindi ko akalaing isa pala sya sa mga shareholders ng company.

"Yup! Congratulations!" nakangiti namang sabi ni Prince. Napayakap pa ako sakanya, dahil sa sobrang saya.

"Prince?" Natigilan ako nang marinig ko ang isang pamilyar na boses. Nagtambol ang puso ko, dahil sa sobrang kaba.

"Hatch!" bati ni Prince sakanya.

Napayuko ako, dahil sa hiya. Wala akong mukhang maihaharap kay Hatch, dahil sa nagawa ko sakanya.

"Hatch, Si Crown. Naaalala mo pa ba sya?" sabi ni Prince kay Hatch, dahilan para mapalunok ako ng paulit ulit.

"How can I forget her?" seryosong sabi ni Hatch, mababakas ang pait sa boses nya.

Napatingala naman ako at napatingin sa mukha nya, dahil don. Seryoso ang mukha nyang nakatingin sa'kin, wala kang mababakas na kahit anong emosyon.

"A-ahm! M-mauna na ako. T-thank you t-talaga P-prince" utal utal kong sabi. Dahan dahan din akong humakbang paatras at umalis.

Shit! Ang lakas ng tibok ng puso ko!

Hindi ko inaasahang makikita ko sya...

I Kidnapped Hatch EvanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon