Chapter 2

383 58 32
                                    

Crown's P.O.V

"Ano nanaman ito Crown? Ang bababa ng mga grado mo! Bakit hindi mo gayahin ang kuya mo? Hah! Puro ka pasarap. Puro ka gastos. Masyado kang palamunin. You are a disgrace to this family!" Sigaw ni Daddy sa akin.

Mababa? I did my fuckin' best! Halos uno ang lahat ng grade ko. 1.5 is my fuckin' lowest! Kinumpara nanaman nila ako kay Crayden! Sya nalang lagi ang magaling. Sya nalang lagi ang tama. Edi sya na. Sanay na sanay na ako sa pagiging favoritism nila. Nakakasawa nalang din. Paulit ulit nalang!

Pero as usual, iniyuko ko na lamang ang ulo ko at nakinig sa sermon ni Daddy. Sakanya lang nauubos ang mga baon kong katarayan at kaprangkahan.

"Ano bang dapat kong gawin para magtino ka? Hah? Ang laki laki mo na Crown! Binigay ko naman ang lahat ng gusto mo, diba! Hindi pa din ba sapat?" Sigaw pa nya.

Hindi Dad! Puro lang naman pera ang ibinibigay mo eh! Doon ka lang naman bumabawi! Kasi kulang na kulang ang pagmamahal at oras na dapat binibigay mo rin sa akin, hindi lang kay Crayden! Puro ka kasi Crayden! Crayden dito, Crayden doon. Hindi kailan man magiging sapat ang perang tinatapal mo sa pagmumukha ko, kapalit ng mga sakit na pinapadama mo sa akin.

"Ito! Itong gitara mo! Ito lagi ang pinagkakaabalahan mo! Puro ka gig! Walang kwenta! Lumayas ka sa bahay na'to! Wala kang kwenta!" Sigaw nya habang inaapakan at sinisira ang gitara ko.

Nilingon ko si Mommy, habang patuloy na nanenermon si Dad. Umaasa ako na ipagtatanggol nya ako. Umaasa ako na sa oras na 'to— sa oras na hindi ko kayang ipagtanggol ang sarili ko, ipagtatanggol nya ako. Ngunit tulad ng dati, nakayuko lamang sya at hinahayaang pagsabihan ako ni Daddy ng masasakit na salita.

Ginawa ko ang lahat, para kahit katiting maging proud si Dad sa akin, pero kahit minsan hindi yon naging sapat sakanya.

Lagi na lang si Crayden ang magaling!
Lagi na lang si Crayden ang tama! Puro nalang sya Crayden! Wala na akong ginawang tama para sa kanya. Minsan napapaisip nalang ako kung anak ba talaga nya ako eh.

"Napakabastos mo talagang bata ka! Where do you think you're going?" Tanong pa ni Dad, nang talikuran ko sila.

"Sinusunod ka po" sarkastiko kong sabi.

"What?" Inis nyang sigaw.

"Walang kwenta! Lumayas ka sa bahay na'to! Wala kang kwenta!" I said, imitating him.

"Bastos ka talaga!" sigaw pa nya, pero tuluyan na akong lumabas ng bahay. Hindi ko na pinakinggan kung ano pa ang isisigaw nya. Sawang sawa na ako. Punong puno na ako sa kanila! Lagi nalang silang ganyan!

You see, everyone thought my life is perfect, because I can get whatever I want. But the only thing I need is the Love from my parents, pero kahit anong gawin ko, hindi ko makuha kuha. Maybe I'm not good enough to be their daughter. Sometimes I wish, sana hindi nalang ako nag exist.

Shit! I forgot my keys! Paano ako aalis nito? Nakalabas na ako ng bahay, kaya ayoko namang bumalik pa ako doon. Magmumukha lang akong pathetic sa harapan nila.

Naglakad na lamang ako palabas ng subdivision para pumara ng taxi sa labas. Damn it! Ba't ba ang layo layo! Nakakapagod! Nakakainis! Nakakairita! Uhaw na uhaw na ako!

"Mineral water, tubig, 25 lang, Mineral water" I sighed in relief, nang paglabas ko ng subdivision ay may biglang sumigaw na naglalako ng tubig, may mga bus din malapit.

Shit! Nakakahiya! Pero bahala na, nauuhaw na talaga ako. Isasantabi ko na muna ang hiya hiya na ito.

Tumigil ako sandali para kumuha ng pera sa wallet ko. Ipinatong ko muna sandali ang phone ko sa itaas ng kotseng naka park sa harapan ko.

"Mr. isa po" sabi ko don sa naglalako ng tubig. Inabutan ko sya ng 1000, at sinuklian nya naman ako. Inabot din nya ang tubig, na dali dali ko namang ininom. Mabuti nalamang at may panukli sya. Kung normal lang na araw ay hindi ko na kukuhanin ang sukli, pero mahirap na, baka biglang ipasara ni Dad ang mga accounts ko.

Kukunin ko na sana ang phone kong nakapatong sa sasakyan, pero bigla itong umandar. Sinubukan kong habulin ang sasakyan, pero mabilis ang pagpapa andar nito. Naka heels pa naman ako, kaya no choice ako. Hindi ko rin naman mahahabol, baka madapa lang ako at magmukhang tanga, kaya hinayaan ko na lang. No way in hell na hahayaan kong magasgasan ang skin ko!

Sumakay ako ng taxi at dumiretso muna ng mall. Nag withdraw ako ng pera sa mga accounts ko at gumawa ng bagong account na sinigurado kong hindi malalaman ni Dad.

Pumunta ako sa school ko at nag take ng exam. Dad is one of the major stockholders of this school, kaya we have lot of connections. Akala tuloy ng iba ay pinepera ko ang grade ko. Duh! Kung peperahin ko ang grade ko, I'll make sure na perfect 1 lahat. Tss. Pinaghirapan ko 'yon, kaya wala silang karapatan na gawan ako ng kwento. Daig pa nila ang mga author ng libro. Kairita!

After kong mag take ng exam at maipasa ay ibinigay na nila agad agad ang mga grades ko. That means... graduate na ako. Kailangan ko na lang talagang mag take ng board exam, para maging ganap na CPA. Yes! Ganon kadali. Naipasa ko naman ang exam na katumbas ng matututunan this school year, so I deserved it.

Napagdesisyunan kong pumunta sa Pampanga. Medyo maunlad na rin naman sya. Hindi man kasing unlad ng Manila, but atleast it's not super liblib, unlike other province na tagong tago at nagmumukha ng forest. Nag rent ako ng apartment doon. Maganda na rin sya. Hindi ganon kalaki, pero hindi naman ganon kapangit. Mas feel ko pa nga ang home dito, kaysa sa Mansion namin eh. Doon kasi, marami nga kami, pero parang mag isa lang naman ako. Atleast dito, mag isa talaga ako.

Sinubukan ko ring mag apply sa mga company dito, ganon din sa mga bangko kahit hindi pa ako ganap na CPA. I need money. Isasabay ko na lang sa pag re-review ko ang pagta-trabaho.
Hindi naman ako nabigo, agad akong natanggap sa isang kumpanyang pinag apply-an ko, lalo pa't matataas ang grade ko. Medyo mababa ang sweldo, pero pwede na. Marami naman syang benefits at tumataas naman ang sweldo, depends on my performance. Kapag na promote ako ay siguradong tataas ang sweldo ko. I'm pretty sure naman na magugustuhan nila ang performance ko. Duh. I'm perfect kaya.

I Kidnapped Hatch EvanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon