Chapter 14

224 41 7
                                    

Crown's P.O.V

"Happy Birthday to you! Happy Birthday to you! Happy Birthday! Happy Birthday! Happy Birthday to you!" masayang kanta nila.

May hawak hawak pang pinagsama samang Cupcake si Kirsten. May kandila din ito sa gitna, kaya parang cake talaga.

"Happy Birthday Ate Amy! Hindi man 'to bongga, pero galing 'to sa puso namin. Yiee" masayang sabi ni Kirsten.

"Thank you. Maraming salamat po sainyong lahat" nakangiti namang sabi ko.

"Wish!" sigaw naman ni Kirsten.

Ipinikit ko ang mga mata ko at ibinulong ko sa hangin ang hiling ko.

"Sana mapatawad ako ni Hatch"

Pagkatapos kong humiling ay hinipan ko na ang kandila. Kanya kanya naman sila sa pagkuha ng Cupcake.

"Happy Birthday" nakangiting bulong ni Hatch sa'kin. Nagulat ako at napaatras nang may bigla syang nilagay sa tenga ko.

"Ayiee" pang aasar nina Kirsten at Makoy.

"Nako Ate Amy! Nag over the bakod pa yan si Pareng Evan para makuha yang puting gumamela. Ikaw na talaga" natatawang sabi ni Makoy. Tinignan naman sya ng masama ni Hatch, bilang sagot.

"Ang ingay mo" suway pa nya, dahilan para matawa kaming lahat.

"May regalo ka pa sakanya diba. Nagpaturo ka pang manahi kay Mama Esme, para... Joke lang eh. Sorry na!" natatawang sabi pa ni Makoy. Natigil sya sa pagsasalita, nang muli syang tignan ng masama ni Hatch.

Bigla namang hinawakan ni Hatch ang kamay ko. I felt electricity the moment he touched me. May isinuot sya sa kamay ko, isang red scrunchie.

"I know It's not expensive. But, I hope you'll like it" mahinang sabi nya.

"I love it Hatch. Hindi matutumbasan ng effort mo ang sobrang mahal na regalo. Thank you Hatch. Thank you!" masayang sabi ko. Nginitian nya naman ako, bilang sagot.

"Magluluto lang ako ng dinner" sabi ko pa.

"Ako nalang. Pahinga ka muna, birthday mo pa naman" sabi naman ni Hatch.

"Nah! Gusto ko magluto. Ako na" sabi ko naman at dumiretso na ako sa kusina. Hindi ko na sya hinintay na makapagsalita.

Habang nagluluto ako, naramdaman ko ang dahan dahang pagyakap ni Hatch sa likuran ko. Gustong gusto nya talagang ginagawa 'to. Medyo nasasanay na nga ako. Siguradong isa 'to sa hahanap hanapin ko sakanya, kapag bumalik na kami sa Manila.

"I'll help you, para agad tayong makakain" sabi pa nya at bumitaw na, para tulungan ako sa pagluluto.

"Nagugutom ka na no?" natatawang sabi ko. Dahan dahan lang syang tumango, bilang sagot. Cute!

Pagkatapos naming magluto at maghapag ng pagkain sa lamesa ay tinawag na namin sila, para kumain.

"Kirsten, pakitawag naman si kuya sa kwarto" sabi ko. Agad namang nag react si Makoy at nagsalita.

"Ako na!" biglang sigaw nya, dahilan para mapalingon kaming lahat sakanya. Natawa naman kaming dalawa ni Hatch, dahil sa inasta nya.

"Kayong dalawa na sige" napapakamot ulong sabi ko, habang natatawa pa rin.

"Kain na Ku... Crayden" sabi ko pagkalabas nina Crayden, Kirsten at Makoy sa kwarto.

Umupo naman sila at nagsimula ng kumain.

"Ikaw ang nagluto nito?" nagtatakang tanong ni Crayden. Hindi naman ako sumagot at nagpatuloy lang sa pagkain.

"Sya nga. Napakasarap magluto ng batang 'yan" sagot ni Lola Mildred.

"Woah! I didn't know na masarap ka palang magluto" komento pa ni Crayden.

"Wala ka namang alam" pabulong kong sabi.

"What?" tanong nya.

"Wala" sabi ko naman.

"May pinapabigay nga pala si Mom. Favorite mo daw to diba" sabi pa ni Crayden. Inabot pa nya sa'kin ang isang box ng chocolate.

"Tss. Sa'yo na" sabi ko naman. Napailing pa ako nang mapagmasdan ko ito.

"B-but..." hindi ko na pinatapos ang dapat na sasabihin nya, dahil inunahan na ako ng mga luha ko.

"Favorite? Oo favorite ko yung chocolate Crayden, pero allergic ako sa nuts. Ikaw yung mahilig sa nuts diba. Ikaw! Ikaw lang kasi yung kilala nina Mom and Dad" padabog kong sabi. Tumayo na rin ako at padabog na lumabas sa bahay nina Lola Mildred.

Gusto ko munang magpalamig. Nakaka suffocate talaga kapag kasama ko kahit isa lang sa pamilya ko.

Habang naglalakad ako ay may biglang humawak sa wrist ko. Hinila nya ako palapit sakanya, dahilan para masubsob ang mukha ko sa dibdib nya.

I sniff his scent, at nakilala ko kung sino sya.

"Cry" sabi nya, habang yakap yakap ako. Hinahaplos pa nya ang likod ko, gamit ang palad nya.

Bigla naman akong napahagulgol, dahil don. It feels good, na may taong nanjan kapag hirap na hirap ka na. Parang nababawasan lahat ng sakit na nararamdaman mo, sa simpleng pag aalala nila sa'yo.

"Thank you" mahinang sabi ko kay Hatch nang mahimasmasan ako.

"For what?" tanong nya naman.

"For Everything. Thank you kasi nandito ka" sabi ko pa. Sandali pa akong ngumiti, bilang sagot.

I wrap my arms around his neck. My heart beat faster and faster while looking at Hatch's face.

"I love you" mahinang sabi ko sakanya.

He paused for a second. Natigilan din ako, dahil don at mapait na natawa sa sarili ko.

"Wala ka nga palang maalala" sabi ko nalang.

Wala nga pala talagang tayo. Everything was a lie. Ako nga lang pala yung nagmamahal dito. Ako lang yung may alam na tayo. Kasi kung malalaman mo yung totoo, mas kamumuhian mo ako.

"I love you too" biglang sabi nya. I froze, natigilan ako at para akong internet na nag loading.

I love you too

I love you too

I love you too

"Don't" sabi ko at mapait akong natawa. "Don't love me, because I love you. Don't love me, habang wala ka pang naaalala. Kung mahal mo lang ako, kasi yun ang alam mo... Wag!" dagdag ko pa.

"I love you. It's true. Hindi ko alam kung paano. Hindi ko alam kung kailan. Bigla ko nalang naramdaman" sabi naman ni Hatch.

Nararamdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Napakasarap marinig ng mga sinasabi ni Hatch, pero hindi ako pwedeng umasa hangga't wala syang ala-ala.

I slightly smiled. Hinawakan ko pa ang pisngi nya, gamit ang kamay ko.

"Sabihin mo ulit sa'kin 'yan, kapag nakaalala ka na. Pero kung hindi, it's okay. I just want you to know, that I'm very sorry" sabi ko pa. Kumunot naman ang noo nya, dahil sa pagtataka.

"Balik na tayo?" pag iiba ko sa usapan. Naglakad na rin ako pabalik sa bahay nina Lola Mildred, habang nakasunod sya.

I Kidnapped Hatch EvanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon