Chapter 24

242 32 6
                                    

Crown's P.O.V

"Ano ba kasing nangyari?" tanong ni Ramiel.

"Bakit ba iniiwasan nyo 'ko?" tanong pa nya.

"Panira ka daw kasi kuya!" reklamo ni Kirsten.

"Babe naman talaga ang tawag ko kay Amy ah!" reklamo din ni Ramiel.

"Eh Wrong timing ka eh! Nag momoment yung dalawa!" inis na sabi ni Kirsten sa kuya nya.

"Malay ko ba! Hindi ko naman napansin si Hatch eh!" sabi naman ni Ramiel.

"Ewan ko sa'yo!" inis pang sabi ni Kirsten.

"Hindi ko kasalanan na hindi marunong makinig 'yang lalaking yan!" inis ding sabi ni Ramiel.

"Bakit naman kasi babe yung tawag mo kay Ate Amy!" inis pang sabi ni Kirsten kay Ramiel.

"Babe naman yung tawag ni Ramiel sa mga nagugustuhan nya diba" singit naman ni Makoy. Napansin ko naman ang bahagyang pamumula ng pisngi ni Ramiel.

"Gusto mo si Ate Amy?" gulat na tanong ni Kirsten kay Ramiel.

"Hindi ba halata?" sabi naman ni Makoy sakanya.

"I like her since the day I met her. Nainis ako sakanya, pero gusto ko pa rin sya. Yes. I like her!" sabi naman ni Ramiel.

"Kung makapag usap kayo, parang wala ako dito ah!" inis kong sabi.

"Sorry!" sabay sabay naman nilang sabi.

"Anong plano mo ngayon?" tanong ni Makoy.

"Hindi ko alam" mahinang sagot ko.

"Alam ko na! Kumain na lang muna tayo!" sabi naman ni Kirsten.

"Wala akong gana" sabi ko. Tumayo na lang ako at pumasok sa kwarto ko.

Matutulog na sana ako, pero biglang nag ring ang phone ko.

Unknown Number Calling...

Hatch? Si Hatch ba 'to? P-pero...

Dali dali kong sinagot ang tawag, nagbabakasakali na si Hatch ang makakausap ko.

"Hello?" I asked.

"Crown? Crown ikaw nga!" sabi ng isang pamilyar na boses.

"Josh? Bakit? Ang ingay jan! Nasaan ka ba?" tanong ko.

"Nandito kami sa Maroco Bar, malapit lang ito sa Beach Resort mo. Tumawag si Hatch sa'min eh, naglalasing. Hindi ko naman alam kung sino ang tatawagan ko. Masyadong malayo, kung iuuwi ko si Hatch" sabi nya naman.

"Papunta na ako" sabi ko at pinatay ko na ang tawag. Dali dali naman akong pumunta sa bar na sinasabi ni Josh.

Pagdating ko don ay agad akong pumunta sa counter. Naka sukob si Hatch don, habang nasa tabi nya sina Josh at Luke.

"Hatch" tawag ko sa pangalan nya.

"Damn it! Pati boses nya, naririnig ko nalang kung saan saan!" sabi naman ni Hatch. Kinuha pa nya ang isang shot na nasa harapan nya para inumin, pero kinuha ko ito sa kamay nya para pigilan sya.

"Tama na. Lasing ka na" sabi ko.

"Hindi ako la... Crown?" naputol ang dapat na sasabihin nya nang makita nya ako.

"I could not tell if what I was seeing was real or if it was a hallucination. Lasing na nga ata ako" sabi nya at mapait na tumawa.

"Hatch! Let's go! Umalis na tayo dito. Please!" sabi ko nalang.

I Kidnapped Hatch EvanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon