Chapter 10

267 46 11
                                    

Crown's P.O.V

"Bakit mo ginagawa 'to?"

Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang may magsalita sa likod ko.

"H-hatch?" pabulong kong banggit sa pangalan nya. Lumingon ako sa likuran ko at nakita ko syang seryosong nakatingin sa'kin.

"W-what do you mean?" tanong ko naman.

"Bakit palagi mo 'kong nililigtas? Bakit kahit pinagtabuyan kita ng ilang beses, nililigtas mo pa rin ako? Bakit ka ganyan? Bakit mo ginagawa 'to?" seryosong tanong nya.

"Because I love you. I just love you so much, kaya kahit ano gagawin ko... Kahit masakit... Kahit mahirap" nakayukong sagot ko. Inangat nya naman ang ulo ko, gamit ang kamay nya, dahilan para lumakas ang tibok ng puso ko. Para itong tinatambol sa loob. Palapit nang palapit si Hatch sa'kin, habang nakatitig kami sa mata ng bawat isa.

"Nakausap ko na si Kapitan. Maaari na tayong umuwi. Nalaman na nya ang katotohanan na ang anak nya ang nagsimula ng gulo. Halina kayo!" biglang sabi ng paparating na si Lola Mildred, dahilan para mamula ako at agad na lumayo kay Hatch.

Naglakad na si Lola Mildred palabas ng baranggay hall at sumunod lang kami ni Hatch. Patuloy pa rin sa pagbilis ang tibok ng puso ko. Halos mapatalon pa ako sa gulat nang maramdaman kong may humawak sa kamay ko.

"H-Hatch..." mahinang banggit ko sa pangalan nya.

He intertwined our fingers. I blushed when I realize what he did.

Napatingin ako sa mukha nya at nagulat ako nang makitang nakatingin din sya sa'kin. Our eyes locked for a second then he smiled. This is the most beautiful smile I have ever seen in my entire life. Ghad!

Pagdating namin sa bahay nina Lola Mildred ay agad na dumiretso si Hatch sa kusina.

Ako naman ay dumiretso sa banyo, upang maligo. Magdidilim na, masyadong maraming nangyari ngayong araw.

"Nagluto ako ng dinner. Let's eat?" halos mapatalon ako sa gulat nang biglang magsalita si Hatch paglabas na paglabas ko sa banyo. Nakatali pa ng twalya ang buhok ko.

"Ahh... sure. M-magsusuklay lang ako" namumulang sabi ko.

Si Hatch ba talaga 'tong kasama ko? Ghad! Naninibago ako. Bigla syang naging mabait. Dati dati'y hindi nya ako pinapansin, ngayon naman daig pa nya ang boyfriend.

Pagkatapos kong magsuklay ay nasa lamesa na sina Lola Mildred, Hatch at Lolo Ador.

Nginitian ko naman sila at nakiupo na rin ako kasama nila.

"You have the most beautiful smile. Ghad! You are gorgeous" biglang sabi ni Hatch, dahilan para mapayuko ako at mamula.

Hindi ko nalang sya pinansin at nagsimula na akong kumain, kasabay sila.

Nananaginip ba ako?

If this is a dream... please ayoko ng magising. Dito na lang ako.

"Nakakaalala ka na ba iho?" tanong ni Lolo Ador kay Hatch.

"Hindi pa po. Gusto ko na nga pong makaalala, pero sumasakit ang ulo ko kapag pinipilit ko" sagot naman ni Hatch sakanya.

"Iba talaga ang puso. Kahit makalimutan ng isip ang lahat, ang puso hindi nakakalimot sa minamahal" nakangiting sabi ni Lolo Ador.

Kung alam nyo lang Lolo... mas kamumuhian ako ni Hatch kapag naalala nya ang lahat.

Pagkatapos naming kumain ay tumayo na ako upang magligpit. Huhugasan ko na rin sana ang mga plato pero inunahan ako ni Hatch.

"Ako na. Magpahinga ka muna" nakangiting sabi nya.

Yung mga ngiti nya... para akong matutunaw sa t'wing nakikita ko. Para akong nahihipnotismo. Ang sarap pagmasdan ng mukha nya, kapag nakangiti sya.

Butterflies... I can feel butterflies in my stomach. Ghad! I'm so inlove with this guy!

"Ok. Matutulog na ako." sabi ko at naglakad na papunta sa kwarto.

"Goodnight" pahabol nya nang isasara ko na sana ang pinto ng kwarto.

Napahawak ako sa dibdib ko at naramdaman ko ang bilis nito. Pakiramdam ko ay namumula na ang mukha ko sa sobrang kilig. Abot langit din ang ngiti ko, mapupunit na ata ang labi ko.

"You have the most beautiful smile. Ghad! You are gorgeous"

"You have the most beautiful smile. Ghad! You are gorgeous"

"You have the most beautiful smile. Ghad! You are gorgeous"

Nagpaulit ulit sa isipan ko ang mga sinabi nya. Hindi ako makapaniwala. Too good to be true. Parang panaginip. Pero... bahala na. Masaya akong maranasan ang side ni Hatch, na hindi sya galit sa'kin. I know it's temporary. Alam ko babalik at babalik ang ala-ala nya. Siguro... handa na naman ako kapag nangyari yon. Kahit masakit... kahit mahirap... I'll let him go.

Nagising ako dahil sa isang malakas na tili. Dali dali akong napalabas ng kwarto at nakita ko ang isang babaeng katabi ni Hatch. Nagdilim ang paningin ko nang mapansing nagtatawanan sila.

Pinagmasdan ko sya mula ulo hanggang paa. Bigla akong nawalan ng kumpyansa sa sarili, nang mapagmasdan ko sya. Pang Beauty Queen ang ganda nya, masaya pa si Hatch pag kausap sya.

Napayuko na lamang ako at mapait na ngumiti.

Tatalikod na sana ako at didiretso sa kusina, pero bigla akong tinawag ni Hatch.

"Amy, gising ka na pala." sabi nya.

"Hi! My name is Kirsten." masayang bati naman ng kasama ni Hatch.

"Crown. Crown Amelie" sabi ko naman.

"So... why are you here? I mean... magkakilala ba kayo? As in dati pa?" nagtatakang tanong ko.

"Anak sya ni Kap. Kakauwi lang from States. Close na close daw talaga sila ni Lola Mildred, kaya pumunta sya dito" sagot naman ni Hatch.

"Ahh" mahinang sabi ko nalang.

"M-magluluto l-lang ako" mahinang dagdag ko pa.

Naiilang na ako at gusto nang pumatak ng mga luha sa mga mata ko, kaya dali dali akong dumiretso sa kusina at naghanda ng breakfast.

Naramdaman kong may lumabas na luha sa mata ko, kaya inangat ko ang ulo ko, para pigilan ito.

Nagulat naman ako nang biglang may yumakap sa likuran ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, para akong hihimatayin, dahil sa sobrang bilis nito.

"Are you ok?" tanong pa nya.

"O-oo naman. Bakit naman hindi?" mahinang sagot ko.

"Bakit ka umiiyak?" tanong pa ni Hatch.

"D-dahil sa sibuyas" palusot ko.

Nagulat ako nang lalo nyang higpitan ang yakap nya sa likuran ko. Nanlaki pa ang mga mata ko nang maramdaman kong dumampi ang labi nya sa pisngi ko. Parang tumigil ang paligid ko, everything was in pause.

"I love you" pahabol pa nya.

Dahil sa gulat ay hindi ko namalayang bumitaw na pala sya at bumalik na sa sala.

"I love you"

"I love you"

"I love you"

Ghad! Nananaginip pa ba ako?

Totoo ba talaga 'to?

"I love you"

"I love you"

"I love you"

Bigla akong napabalik sa wisyo nang makaamoy ako ng nasusunog.

Napatampal na lamang ako sa sariling noo at hindi na muna masyadong inisip ang nangyari. Pero kahit anong pigil ko, bumabalik at bumabalik pa rin ang kilig na nararamdaman ko. Ghad! Ang bilis ng tibok ng puso ko!

I Kidnapped Hatch EvanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon