Chapter 8

269 52 12
                                    

Crown's P.O.V

"Good Morning" bati ko kay Hatch pag gising ko. But as expected... he ignored me, as if I'm not existing.

Pumunta na lang ako sa kusina para magluto ng breakfast. Napansin ko si Hatch na naghahalungkat ng pagkain, pero wala syang makita. Minadali ko na lang ang pagluluto ko at hinapag ko 'to sa lamesa.

"Breakfast" sabi ko. Pero tulad kanina, hindi nya nanaman ako pinansin.

"Aalis lang ako" pagpapaalam ko. May bago kasi akong nakuhang trabaho. Halos tatlong linggo na raw hindi nakakapaglaba si Aling Helen, dahil busy sa trabaho nya. Nagprisinta akong labhan ang mga ito.

Hindi pa rin ako pinansin ni Hatch, as expected. Napakalaki ng galit nya sa'kin.

Umalis na lang ako, para makakain sya. Sa tingin ko kasi, papairalin nya ang pride nya, at hindi sya kakain ng nakikita ko.

"Aling Helen!" bati ko sa isang matandang babaeng nagbukas ng pinto ng bahay, matapos kong kumatok.

"Nasa labahan na ang mga damit. Maaari ka nang magsimula" sabi nya naman. Tumango lang ako, bilang sagot at nagsimula ng maglaba.

"Ang dami nito" bulong ko sa sarili ko.

Nang matapos akong magkusot ay binanlawan ko naman. Nakakapagod din pala ang maglaba ng napakaraming damit. Idagdag mo pa ang mga kumot at pantalon na napakahirap labhan.

Pagkatapos kong maglaba at magsampay ay nakaramdam ako ng gutom. Ilang oras din ako, bago matapos maglaba. Ni hindi na ako nakapag lunch.

"Tapos ka na iha?" tanong ni Aling Helen sa'kin.

"Opo. Nasampay ko na rin ho ang mga damit" sabi ko naman.

"Oh. Ito na ang sweldo mo" sabi nya at inabutan ako ng dalawang perang papel na kulay violet.

"Thank you po. Maraming salamat!" sabi ko at umalis na. Naglakad ako pauwi sa bahay nina Lola Mildred, para kumain.

"Nakauwi ka na pala iha. Kumain ka na ba?" salubong ni Lola Mildred sa'kin.

"Ahh. Hindi pa po. Kakain pa lang po" sagot ko naman.

"Oh sya sige. Kumain ka na. Nagluto ng ulam si Evan. Masarap din palang magluto ang batang 'yon" sabi naman ni Lola Mildred. Napangiti naman ako at dumiretso na sa kusina para kumain.

"Ang sarap nga" bulong ko, habang kinakain ang niluto ni Hatch.

Grabe! Para akong baliw na nakangiti habang kumakain. Hindi kasi ako makapaniwala na matitikman ko ang luto ni Hatch. Pakiramdam ko tuloy totoong mag asawa kami at pinagluto nya ako.

Halos mapatalon ako sa gulat nang makarinig ako ng kalabog. Parang may nabasag na salamin o ano.

"Shit!" dinig kong pagmumura ni Hatch.

Napalingon ako sa likuran ko at nakita syang nagpupulot ng basag na plato.

"Hatch! Wag mong hawakan, baka masugatan ka!" suway ko. Dali dali pa akong tumakbo sa direksyon nya, para tulungan sya.

"Ayan na nga ba ang sinasabi ko!" inis kong sabi, nang makita kong dumugo ang kamay nya. Dali dali naman syang pumunta sa lababo, para hugasan ang sugat nya.

Tinuloy ko na lang ang pagligpit sa mga nabasag na piraso ng plato. Winalis ko at nilagay sa dustpan. Kumuha rin ako ng tela, para ipang balot sa sugat ni Hatch.

"Mapapasukan ng tubig yan. Tama na yan!" suway ko. Pinatay ko pa ang faucet at kinuha ko ang kamay nya. Habang binabalot ko ng tela ang daliri nya ay bigla nyang hinila ang kamay nya sa'kin. Tinulak pa nya ako ng kaunti, dahilan para ma out of balance ako at matumba.

I Kidnapped Hatch EvanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon