Chapter 11

255 47 4
                                    

Crown's P.O.V

"Anak ka ni Kap? So kapatid mo si Ramiel?" tanong ko.

"Oo Ate Amy. Ang yabang ng kuya ko no" natatawa namang sabi nya.

Nagpatuloy ang kwentuhan naming dalawa at gumaan ang loob ko sakanya. Sobrang sweet nya. Bigla bigla nya nalang akong hina-hug.

"Ate Amy parang pamilyar yung mukha nyo ni Kuya Evan. Saan ko nga ba kayo nakita?" biglang tanong nya, dahilan para kumabog ng mabilis ang puso ko.

"Eh? B-baka kamukha lang namin" palusot ko.

Nagulat ako nang bigla akong yakapin ni Kirsten. Napaka sweet talaga.

"Si Makoy kaya kailan ko makikita?" malungkot nyang tanong.

"Sino naman si Makoy?" tanong ko.

"Sya yung Prince ko" nakangiti nyang sabi. Abot langit ang ngiti nya. Napaghahalataan ang gaga.

"Boyfriend mo?" tanong ko pa

"Heh! Hindi ate ah! Kababata ko lang!" sabi nya naman.

"Sus. Yung butas ng ilong mo lumalaki. Crush mo no?" pang aasar ko pa. Namula naman sya at pailing iling lang.

"Nasan ba sya?" tanong ko.

"Hindi ko alam. Kadarating ko nga lang dito eh" sabi nya naman.

"Baka naman nandito na sya. Nauna pa sya sayo" sabi ko naman. Nagliwanag naman ang mukha nya at namula.

"Miss mo no?" tanong ko.

"H-hindi naman... oo... medyo" natatarantang sagot nya. Napangiti naman ako at tinignan sya ng nang aasar.

"Kuya Evan! Hanap ka ni Lolo Ador sa bukid!" biglang sigaw ng hindi pamilyar ang boses, mula sa labas ng bahay.

"M-makoy..." mahinang sabi ni Kirsten.

"Oh Marco. Bakit daw?" sabi naman ni Hatch nang buksan nya ang pinto.

"M-Marco... Si Makoy?" mahinang sabi pa ni Kirsten. Tumayo pa sya at tinignan ang lalaking kausap ni Hatch.

"Makoy!" biglang sigaw nya. Lumapit pa sya dun sa Marco o Makoy at niyakap ito ng mahigpit.

"Tenten? Ikaw na ba yan?" gulat namang sabi ni Makoy.

"Ang cute nila" pabulong kong sabi.

"Mas cute ka" nagulat ako nang biglang may bumulong sa'kin. Paglingon ko ay nakita kong nakatitig si Hatch sa mga mata ko.

Napakurap ako at napahawak sa dibdib ko. Ang bilis nanaman ng tibok ng puso ko. Para itong nagtatambol sa loob. Hindi ko alam kung kinakabahan, naninibago o kinikilig ako.

"Pupunta kami ng bukid. Sama ka?" tanong pa ni Makoy kay Kirsten.

"Sure! Kain tayo ng street food sa kubo!" masayang sabi ni Kirsten.

"Ate Amy sama ka ah!" nakangiting sabi ni Kirsten sa'kin.

"Ok lang ba?" tanong ko naman kay Hatch. Tumango naman sya bilang sagot.

I Kidnapped Hatch EvanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon