Chapter 17

214 35 4
                                    

Crown's P.O.V

Maghapon akong hindi bumangon sa kama, mula nang umalis si Hatch. Para akong nawawalan ng ganang mabuhay. Para akong tinanggalan ng pag asa sa buhay. Ang sakit! Sobrang sakit! No words can describe how hurt I am.

"Ate! Kumain ka muna. Kanina ka pa hindi kumakain, baka magkasakit ka" sabi ni Kirsten, habang kumakatok sya sa pintuan ng kwarto ko.

"Hindi ako gutom" simpleng sabi ko.

"Pero ate..." sabi pa ni Kirsten, pero pinigilan ko ang sasabihin nya.

"Sige na. Iwan mo muna ako" sabi ko pa. Hindi ko pa rin binuksan ang pinto, niyakap ko na lamang ang unan ko at hinayaan sa pag agos ang mga luha mula sa mga mata ko.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ano bang dapat kong gawin para makalimutan ko ang lahat ng sakit?

Gustuhin ko mang mag stay dito, alam kong lalo lang akong mahihirapan. Bawat sulok ng lugar na 'to, si Hatch ang maaalala ko. Hindi naman ako pwedeng bumalik sa bahay ng mga magulang ko nang wala akong naipagmamalaki, baka masumbatan pa ako.

"Pupunta ako sa bayan Ate. Gusto mo bang sumama?" dinig kong tawag ni Kirsten.

"S-sige. Mag aayos lang ako" sabi ko nalang.

Kasama ko sina Makoy at Kirsten na pumunta sa bayan, balak naming mamasyal at manood ng palarong liga. Kakain din kami at mamimili.

Pagdating namin sa bayan ay naglakad lakad muna kami at naghanap ng makakainan.

"Anong gusto nyong kainin?" tanong ni Makoy.

"Gusto ko ng sisig" sagot naman ni Kirsten.

Natigilan ako nang may mapansin akong pamilyar na lalaki. Natigilan din sya at napatingin sa'kin. Pinagmasdan ko ito at inalala kung saan ko sya nakita.

"Madam Crown? Ikaw ba yan?" gulat nyang tanong.

Madam Crown?

"Ma'am, ikaw nga!" sabi pa nya.

"Nagkita na ba tayo before? You're familiar, pero hindi ko na maalala kung paano" sabi ko naman.

"Ako ho si Wilfredo, isa sa mga inutusan nyo para ayusin ang beach resort nyo. Dun ho sana kayo tutuloy pagkatapos ng inutos nyo kina Edward, pero bigla kayong nawala" sabi nya naman. "Tapos na po pala ang beach resort Madam, pero hindi pinabuksan. Grabe Ma'am. Salamat po talaga sa perang ibinayad nyo sa'min, masyadong malaki ang mga yon, gumanda ganda ang buhay namin. Salamat ulit" masayang dagdag pa nya.

Napaisip naman ako dahil sa sinabi nya. Tama sya, doon ko nga balak dalhin si Hatch kung hindi lang kami naaksidente.

Pwede akong doon tumira at magtayo ng business, pero kailangan ko rin ng pera.

"Sige ho mauna na ho ako. Salamat po ulit" sabi pa nya at naglakad na sya palayo.

"Sosyal may beach resort. Sanaol" pang aasar ni Makoy.

"Sira!" sabi ko naman at binatukan sya.

"Kahit naman may beach resort, kailangan ko pa rin ng pera para mapakinabangan yon" sabi ko naman.

Hindi ko naman kasi napaayos 'yon para i open sa public, wala pa syang permit or anything na kailangan para sa isang business. Ang balak ko lang kasi don ay itatago ko si Hatch.

"Basta kapag naisip mo nang i open 'yon, kunin mo kaming business partner ah" sabi naman ni Kirsten.

"Oo naman" sabi ko naman at inapiran pa si Kirsten.

Tumigil kami sa isang karinderya na specialty ang sisig. Kapampangan daw ang may ari ng Karinderyang ito kaya masarap daw talaga ang sisig dito.

"Anong order nyo?" tanong ni Makoy sa aming dalawa ni Kirsten.

"Sisig!" sabay naming sabi ni Kirsten.

"Sisig lang?" tanong naman ni Makoy.

"Adobong baboy din" sabi ko naman. Tumango lamang si Makoy at umorder na ng pagkain namin.

"Ate Amy..." tawag ni Kirsten sa pangalan ko. Tinignan ko naman sya ng nagtatanong.

"I know you're not ok. Ok lang naman hindi maging ok. Pero nandito lang ako, kung kailangan mo ng kausap" seryosong sabi nya.

"Thank you!" nakangiting sabi ko naman.

"Magiging ok din ako Kirsten. Alam ko naman na mangyayari 'to. Dapat nga handa na ako eh. Isa pa, kasalanan ko naman lahat, I deserved every pain na nararanasan ko ngayon" dagdag ko pa.

"Ate... hindi mo deserve masaktan. Nagmahal ka lang naman eh. Oo sa maling paraan, pero alam mo kasi Ate Amy, kapag inlove ka nawawala ka sa katinuan. Nagagawa mo yung mga bagay na hindi mo akalaing magagawa mo" sabi nya naman.

Bigla namang dumating si Makoy dala ang mga pagkain namin, kaya natigilan kami sa pag uusap ni Kirsten.

"Kain na!" masayang sabi ni Makoy.

Pagkatapos naming kumain ay agad na kaming tumayo, dahil may mga taong naghihintay na kumain sa lamesa namin.

"Grabe! Ang sarap!" komento ni Kirsten habang naglalakad kami papunta sa court, kung saan gaganapin ang liga.

"Busog na busog nga ako eh. Sa'kin nyo ba naman pinaubos lahat ng natira" sabi naman ni Makoy, dahilan para matawa kami.

Kinonsensya kasi namin sya ni Kirsten kanina. Pfft!

"Kung makakonsensya pa kayo kanina na..." hindi na namin pinatapos ni Kirsten ang sasabihin ni Makoy. Itinuloy namin ang dapat na sasabihin nya at inulit namina ng sinabi namin kanina.

"Ang daming batang hindi nakaka kain, tapos ikaw nasa harapan mo na yung pagkain, hindi mo pa uubusin" sabay naming sabi, dahilan para matawa kami lalo.

"Sabi nga sa bible, Let nothing be wasted" dagdag pa ni Kirsten, tulad ng pagdagdag nya kanina.

"Ewan ko sainyong dalawa" sabi naman ni Makoy, dahilan para lalo kaming matawa.

Pagdating namin sa Basketball Court ay wala pang masyadong tao. Nagwawarm up pa lang ang mga player. Mamaya maya pa raw magsisimula ang laro.

"Ate Amy! Nakatingin ata sa'yo si number 3" sabi ni Kirsten sa'kin, kinakalbit kalbit pa nya ako at pilit na pinapalingon sa green team.

Napalingon naman ako sa lalaking sinasabi nya at nakatingin nga ito sa akin. Kumindat pa sya nang mapansing nakatingin ako.

Gwapo sana sya, pero mas gwapo si Hatch.

Hatch... Damn! I miss him so much. Sana ayos lang sya. Sana masaya na sya. Sana mapatawad nya na rin ako. Ghad! Miss na miss ko na sya. Yung amoy nya. Yung tawa nya. Yung ngiti nya. Lahat!

"Ate Amy! Lumalapit sya sa'tin hoy!" kinikilig na sabi ni Kirsten.

"Hi miss!" nagulat na lang ako nang paglingon ko ay nasa harapan ko na sya.

"Hi" I simply said.

"Ako nga pala si John" pagpapakilala pa nya.

"Ok" simpleng sabi ko nanaman.

"Anong pangalan mo Miss?" tanong pa nya.

"Amy" sagot ko.

"Ang ikli mo naman sumagot. May boyfriend ka ba?" inis nyang tanong.

"Meron" simpleng sagot ko nanaman. Mababakas naman ang pagkainis sa mukha nya.

"Sus. Nagpapakipot ka lang nyan Miss eh" sabi nya naman, dahilan para mainis ako.

"Hindi ka gwapo para magpakipot ako" inis kong sabi.

"Hah! Ang yabang mo ah. Itong mukhang 'to, pinag aagawan ng mga babae dito. Buti nga nilapitan kita!" inis din nyang sabi.

"Ang malas ko naman pala kung ganon" sabi ko pa, dahilan para lalo syang mainis.

"Tumigil ka na nga kuya. Tigilan mo na si Ate Amy!" inis na sabi ni Kirsten kay John.

"Tss! Pasalamat ka may laro ako. Wala kang karapatang pagmayabangan ako!" inis nyang sabi. Tumalikod na rin sya at umalis sa pwesto namin.

"Matalo ka sana!" inis kong sabi. Mukhang hindi nya naman narinig ang sinabi ko, dahil hindi na sya lumingon sa pwesto namin.

I Kidnapped Hatch EvanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon