Chapter 9

243 46 9
                                    

Crown's P.O.V

Lumipas ang ilang araw, ganon pa rin ang naging takbo ng buhay namin. Nakakaipon na rin ako at nakakatulong sa gastos nina Lola Mildred. Si Hatch naman, hindi pa din ako pinapansin. Lumipat pa sya sa sala at doon na natutulog.

"Kumain ka na ba iha?" tanong ni Lola Mildred sa'kin.

"Hindi pa po. Kayo po?" tanong ko naman. Kababalik ko lang kasi galing sa karinderya ni Aling Baby.

"Nakakain na. Si Hatch at Ador nalang ang hindi. Nasa bayan sila ngayon, bumibili ng pataba" sagot ni Lola Mildred. Tumango lang ako bilang sagot.

Pagkatapos kong kumain ay pumunta naman ako sa bahay nina Aling Nena, para maglaba at mamlantsa ng mga damit ng anak nyang Pulis.

"Ikaw ba si Amy?" tanong ng isang lalaking malaki ang boses. Matikas ang tayo nya, pero may kalakihan ang katawan nya.

"Ako nga ho. Nanjan po ba si Aling Nena?" tanong ko naman.

"Oo nasa likod. Ako nga pala si Gado, anak ni Aling Nena" sabi nya naman.

"Walang nagtatanong" bulong ko sa sarili ko.

"Ano?" seryosong tanong nya.

"W-wala. Pupuntahan ko na si Aling Nena sa likod" sabi ko nalang at kinakabahang tumawa.

Pagkatapos kong labhan at plantsahin ang mga damit nina Aling Nena at Gado ay naglakad lakad ako sa likod ng bahay nila.

Nagulat ako at napatingala nang may nakatapat akong lalaki.

"Ramiel..." mahinang banggit ko sa pangalan nya.

"Long time no see. Buti naman kilala mo pa ako" nakangising sabi nya.

"What do you want?" seryosong tanong ko sakanya.

"You..." sabi nya at humalakhak pa ng parang tanga. Tinignan ko naman sya ng masama bilang sagot.

"Pwede ba! Tigilan mo 'ko! Tigilan mo kami!" inis ko pang sabi.

"Pa'no kung ayoko?" nang aasar pa nyang tanong.

Lumapit naman ako sakanya, hanggang sa kaunti na lang ang pagitan namin. Nilapit ko ang bibig ko sa tenga nya at bumulong ako.

"I'll kill you" bulong ko.

Napansin kong nagulat sya at nabakas ko ang takot sa mukha nya. Pero agad syang bumawi at tumawa ng malakas.

"Natakot naman ako" natatawang sabi pa nya.

"Dapat lang!" seryosong sabi ko at naglakad na ako palayo.

Umuwi ako sa bahay nina Lola Mildred, pero wala pa rin sina Lolo Ador at Hatch. Mukhang gagabihin sila, malayo layo rin ang bayan.

"Pakihatid mo naman ito kay Baby iha" sabi ni Lola Mildred, habang inaabot sa'kin ang isang tali ng suman.

Kinuha ko 'yon at tumango ako. Naglakad na rin ako papunta sa bahay ni Aling Baby. Ganito talaga sila dito, nagbibigayan. Hindi katulad sa Manila na walang pakealamanan.

Habang naglalakad ako papunta kina Aling Baby ay nakarinig ako ng sigawan. Parang mga taong nakalaya sa kulungan.

Nakapalibot ang mga tao at nagsisigawan ng kung ano ano. Nagmumura pa ang iba.

"Anong ginagawa ng mga 'to?" bulong ko sa sarili ko.

Hindi ko na lang sila pinansin at nagpatuloy na lang ako sa paglalakad.

"Pinapabigay po ni Lola Mildred" sabi ko kay Aling Baby nang pagbuksan nya ako ng pinto ng bahay nya.

"Salamat. Pakisabi salamat" nakangiti namang sabi ni Aling Baby, habang kinukuha sa'kin ang suman.

Nagpaalam na ako kay Aling Baby at naglakad na pauwi. Nandito pa rin pala ang mga nagsisigawan kanina. Ano ba kasing pinagsisigawan nila?

"Go Ramiel!" dinig kong sigaw ng isang babae na nandoon.

Ramiel? Ang anak ni Kap? Anong ginagawa nya jan?

Because of my curiosity, nakisingit na rin ako sa mga taong nagsisigawan.

"Aray!" sigaw ko nang biglang may tumulak sa'kin.

"Bawal singit! Singit singit, mukha namang singit" reklamo ng isang babaeng napakatalas ng dila.

Nilingon ko at hinanap ang babaeng nagsalita. Pinagmasdan ko sya mula ulo hanggang paa... Ang lakas naman ng loob nya. Mas maganda pa naman ang paa ko sakanya.

"Excuse me!" mataray kong sabi sakanya.

"Eskyus me Eskyus me. English english pa, mukha namang ewan" pagpaparinig nya. Nagpantig naman lalo ang tenga ko, dahil don.

Parang sina Elaine din 'tong babaeng 'to. Kairita! Akala mo kung sinong matapang, hanggang parinig lang naman! Kainis!

"Pinaparinggan mo ba ako?" inis kong sabi, habang nakataas ang isang kilay ko sakanya.

"Ano sa tingin mo?" mataray din nyang sabi.

"Sa tingin ko? Mhhm... Mukha kang... kuto. Madaling tirisin" sabi ko naman. Inis naman syang tumingin sa'kin at umirap.

Akmang sasampalin nya ako, pero napigilan ko ang kamay nya. Dinala ko ang kamay nya sa likod nya at bahagyang pinilipit.

"A-aray!" sigaw nya.

Napapansin na kami ng mga tao, pero hindi ko sila pinansin at tinuloy ko lang ang ginagawa ko.

"B-bitawan mo na ako. Masa... aray! Masakit! Tama na!" sigaw pa nya.

"T-tama na... So-sorry... Aray! Tama na!" mangiyak ngiyak nyang sabi, kaya binitawan ko na sya at tumingin ako sa kaninang pinagkakaguluhan nila.

"Hatch? Ramiel?" gulat kong banggit sa mga pangalan nila.

Anong ginagawa nila? Bakit may mga bugbog ang mukha nila?

Narealize ko ang nangyayari nang biglang agawin ni Ramiel ang kutsilyo na nasa bulsa ng isang lalaking malapit sa pwesto nya.

Nang akmang isasaksak nya yon kay Hatch ay dali dali akong tumakbo at sinipa ko ang kamay nya. Tumilapon ang kutsilyo kaya agad na napalayo ang mga tao.

"Nakikialam ka nanaman!" inis na sabi ni Ramiel, habang masama ang tingin nya sa'kin.

"Ano bang problema mo?" inis ko ring sabi sakanya.

"Kayo! Kayo ang problema ko! Umalis na kayo dito! Mula nung dumating kayo, naging magulo ang baryo namin!" sigaw nya rin pabalik. Inirapan ko naman sya bilang sagot.

"Daig mo pa ang batang babae kung makangawa ka. Kung ayaw mo samin, pumikit ka" pagtataray ko, dahilan para lalo syang mainis.

Akmang susuntukin nya ako, pero umiwas ako at sinipa ko sya. Tinignan nya naman ako ng masama nang makabawi sya.

Narinig kong dumating ang kapitan upang pigilan kami, pero mukhang hindi sya napansin ni Ramiel, dahil sa sama ng tingin nya sa'kin.

Pumunta ako sa harapan ng kapitan para takpan sya. Nang mapansin kong susuntok muli si Ramiel ay bumaba ako, dahilan para ang tatay nya ang masuntok nya. I smirked nang mangyari ang plano ko. Lahat naman ng nakakita ay natahimik at napasinghap.

Galit na galit at namumula na ang mukha ng kapitan. Si Ramiel naman, agad agad na humingi ng tawad sa Tatay nya. Isang masamang tingin naman ang isinusukli ni Kap. sakanya.

"Lagot ka ngayon!" pabulong kong sabi, habang nakangisi pa rin.

I Kidnapped Hatch EvanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon