Chapter 1

491 62 40
                                    

Crown's P.O.V

"Bernadette! I need that fuckin' dress now!" I shouted. Tatanga tanga naman kasi itong bagong yaya na'to. I said I want the beige one, brown ang binili! Nakakainis! Ma le-late na ako dahil sa sobrang katangahan nya. Nakakairita! May dinner pa naman ako with my so called 'friends'
— but not really a friend, we're just using each other. Ano nalang ang sasabihin nila sa akin? Wala akong taste? Fuck!

"S-sorry M-ma'am" nakayuko nyang sabi, habang nanginginig pa ang mga kamay nya.

"Sorry? Fuck! Bilisan mo. I need that in 5 minutes! Go!" Sigaw ko pa, kaya nagtatakbo na sya palabas.

"Crown, nandito na ang binili mo!" Sigaw ni Crayden sa akin. He's my brother. Dalawang taon lang ang agwat nya sa akin kaya hindi ko sya tinatawag na kuya. And I hate him! He hates me too. The feeling is mutual.

"Just put it there!" I shouted back.

"Why would I? Get it for yourself!" Sabi nya, kaya padabog akong bumaba at kinuha ang order kong Clide Christian Imperial Majesty Perfume, na mula pa sa ibang bansa. Nakakainis! Wala rin kasi si Berna para mautusan ko. No choice.

"Gumastos ka nanaman. Hindi ka na talaga nahiya" pagpaparinig pa ni Crayden.

"Wala kang pake" sigaw ko at inirapan pa sya, tapos ay padabog akong bumalik sa kwarto para mag ayos.

Narinig ko pa syang sumigaw, pero hindi ko na sya pinansin. Bahala sya sa buhay nya. Ayokong magpa stress dahil lang sa mga pangit at plastic na katulad nya.

After five minutes ay pagod na pagod at pawis na pawis na inabot sa akin ni Berna ang beige dress na pinapabili ko. Mabuti naman at nakarating sya sa tamang oras, kung hindi ay wala na syang dadatnang trabaho. Mabuti nalang din at tama na ang kulay na binili nya, kung hindi ay tatamaan sya sa akin.

Nandoon na silang lahat nang makarating ako sa restaurant— sina Mae, Elaine, Shyra at Angeline.

"Late ka nanaman girl" sabi ni Shy.

"Of course. Alam mo naman, huling dumarating ang bida" mayabang kong sabi. Tss. She almost rolled her eyes. Ba't hindi pa nya tinuloy? Nagbabait baitan? Tsk! Ang Plastic talaga! Kairita!

"Ang bango naman ng perfume mo girl! Tacole ba yan?" Tanong ni Mae, dahilan para tignan ko sya ng masama.

Tacole? Seriously?

"Ang cheap ah! It's Clide Christian Imperial Majesty Perfume" natatawang sabi ko.

"Cheap? Grabe ka naman. Mahal din naman ang Tacole" sabi pa nya.

"Mahal nga, para sa mga poor. Coin lang ang Tacole compare sa perfume ko no. Duh!" sabi ko naman. "Wait! Tacole ba ang gamit mo?" Pang aasar ko pa.

Nanahimik naman sya at hindi na kumibo. Dapat lang! Masyado kasing bida bida.

"Anong shade ng lipstick mo? I wanna try it" sabi naman ni Elaine.

Lipstick?

"It's normal sis," simpleng sagot ko.

Si Elaine talaga ang pinaka hindi ko gusto sa kanila. Daig pa si Barbie sa pagka plastic, at daig pa ang ahas sa sobrang ahas. Ang sarap ingudngod sa gintong inidoro ko. Oops! Hindi na pala. Sayang naman yung inidoro, baka mangitim dahil sa sobrang itim ng budhi nya.

"Really? Wala ka na bang pang bili ng lipstick?" Pang aasar nya.

"Duh. Kahit ibili kita ng isang mall na puro lipstick kayang kaya ko. Hindi lang talaga ako katulad mo na kapag pinunasan ang mukha, wala ng ganda" sabi ko at nginisian sya. Tinignan nya naman ako ng masama, pero hindi na sya nagsalita. Hindi man lang maka sagot pabalik. Napaka weak naman. Wala ba syang baong katarayan? Tss! Sayang naman. Full Charge pa naman ako ngayon.

"Kumusta na pala kayo ni Kent?" Biglang tanong ni Angeline.

"Kaka break lang namin kahapon" sagot ko.

"Why?" Tanong pa nya.

"Ayoko na sa kanya. Hindi naman sya si Hatch" sagot ko.

"Eh ba't mo shinota?" Napalakas na ang boses nya, and I like it. Lumalabas ang totoong ugali ni Angeline, kapag si Kent ang usapan. Yung ugaling skwater ba. Tsk! Kaya ko lang naman sinagot si Kent, dahil gusto kong asarin si Anj. Gustong gusto nya kasi si Kent. Pfft! Such a low taste bitch.

"Wala lang," I simply said. Nakita ko namang ikinuyom nya ang kamao nya. Tsk. Galit na galit? Hanggang ganyan lang naman, hindi naman ako kayang labanan. Ang hihina nila ah. Naiinip na ako.

"Hatch nanaman? Artista 'yon Crown, hindi mo magiging boyfriend yon" prangkang sabi ni Mae.

"Who told you? What Crown wants, Crown gets. Para saan pa't Crown ang pangalan ko diba" nakangising sabi ko.

"Ok then. Ikaw din. Wag ka lang lalapit sa amin ng umiiyak" pabulong nyang sabi.

Who told her na lalapit ako sakanya? And who told her na iiyak ako?

I'm fuckin' confident na makukuha ko si Hatch. I will do everything para lang mangyari 'yon.

"Kung iiyak man ako, hindi ako sa'yo lalapit. Baka manigyawat pa ako. Masyadong sensitive yung skin ko, para gawin kitang tissue. At isa pa, mas mahal pa sa'yo yung mga tissue ko" sabi ko naman. Tinignan nya na lamang din ako ng masama at hindi na sya nagsalita. Pinaikot ko naman ang mga mata ko at inirapan sya.

"Balita ko may concert ang Novum sa Pilipinas ah? Pupunta ka ba?" Tanong naman ni Shy.

"Of course. Kailan ba sila nagka concert na hindi ako pumunta?" Pagyayabang ko.

Fan din si Shy ng Novum. Pero si Josh ang pinaka idol nya, yung drummer ng Novum, hindi si Hatch.
Hah! Don't she dare! Alam nya kung anong kaya kong gawin for Hatch! Baka mapatay ko pa sya, kapag naki agaw sya.

"Sabay na lang tayo!" Sabi nya.

"Nope. Hindi pwede!" Sabi ko naman.

"Why?" She asked.

"Because I said so!" Simpleng sabi ko. Tinignan nya lamang ako ng masama at inirapan.

Eh kung tusukin ko kaya ang mga mata nya? Or hilain at gawing jolen? Nakakairita eh. Masyadong nagmamaganda, samantalang mas maganda pa yung basahan ko sa kwarto, kaysa sa pagmumukha nya. Hays!

"Paprangkahin na kita ah. Masyadong mataas si Hatch para sa'yo. Gumising ka nga girl" prangkang sabi ni Elaine.

Bigla namang umakyat ang lahat ng inis at galit sa ulo ko. Gusto ko syang patayin ora mismo. Kung may baril lang ako ngayon ay taob na sya.

"May mas tataas pa ba kay Crown? Just wait and see, makukuha ko rin si Hatch" nakangising sabi ko. Dahan dahan na rin akong tumayo sa inuupuan ko at iniwan sila doon. Narinig ko pa silang nagbulungan ng "desperada" at "obsessed"

Tsk. As if I care! Hindi na ako naaapektuhan sa mga pang ba-backstab nila. Hindi naman yon nakakaganda. Sa totoo lang, mas mukha pa nga silang stress kaysa sa'kin na pinagtutulungan nila.

I Kidnapped Hatch EvanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon