Chapter 34

111 10 2
                                    

Crown's P.O.V

"Are you ready?" tanong ni Hatch sa'kin pagkatapos nyang kumatok ng tatlong beses sa kwartong tinutuluyan ko.

Binuksan ko naman ang pinto at tumambad sa akin ang bihis na bihis na si Hatch. Naka polo sya at pants, may hawak pa syang bouquet of roses.

"For you" sabi nya at inabot ang bouquet sa akin. Tinanggap ko naman ito at inamoy.

"Middlemist Red?" gulat kong tanong.
Super rare ang bulaklak na ito. Bright Pink ang color nya and it closely resembles a rose. "Saan mo 'to nahanap? Rare to ah!" dagdag ko pa.

"There is nothing more rare than a beautiful woman like you" sabi naman ni Hatch, dahilan para mapangiti ako.

"Thank you" sabi ko naman, habang abot langit pa rin ang ngiti.

"You look wonderful" pabulong pa nyang sabi sa'kin. My cheeks blushed red, because of that.

Naglakad na kami palabas ng resort at papunta sa parking lot, kung saan naka park ang kotse ni Hatch. Nagyaya kasing lumabas si Hatch at kumain sa favorite restaurant nya.

"Wow! Hindi ko alam na may ganito palang restaurant sa Pilipinas. Ang ganda!" komento ko, pagdating namin sa favorite restau ni Hatch.

Japanese Restaurant kasi ito. May Cherry blossom sa bawat lamesa, ito ang nagsisilbing parang payong ng mga lamesa. Plastic lang ang mga ito, pero parang totoo.

Maliwanag din ito at punong puno ng pink lights na mas nagpapaganda sa lugar at nagbibigay buhay sa mga puno.

"Irasshaimase" bati ng isang waiter sa'min. He lead us to our table at umalis ulit sya para kunin ang menu.

"Alam mo naman favorite place ko ang Japan, kaya ito ang favorite restaurant ko" sabi pa ni Hatch.

"Mhhm! Hilig mong manood ng anime. Favorite mo yung A silent Voice. Favorite food mo ang sushi at tempura. Favorite place mo yung The Island Shrine of Itsukushima. Favorite book mo yung The Sailor who Fell from Grace with the Sea by Yukio Mishima. So yeah... masyadong halata na favorite place mo ang Japan" natatawang sabi ko.

"Stalker ka talaga," sabi nya naman.

"Famous ka lang," sabi ko naman.

"Konnichiwa!" bati ng isang waiter na lumapit sa'min. Inabot nya rin ang menu na agad naman naming tinanggap. May nag abot din ng tea at wet towel.

"Anong order mo?" tanong ni Hatch sa'kin.

"Buta-No-Shogayaki and Makizushi nalang. Mukhang masarap" sagot ko kay Hatch.

Tumango naman si Hatch at sinabi na sa waiter ang mga order namin.

"Arigato gozaimasu!" sabi ng waiter pagkatapos naming mag order. Nag bow pa sya at nag bow din kami pabalik ni Hatch.

"Love mo talaga yung Japan no? Balak mo bang tumira don for good?" tanong ko.

"Love ko yung Japan, pero mas love kita" banat nya, dahilan para matawa ako.

"Ang corny mo! Ano nga?" natatawang sabi ko.

"Ayokong tumira don for good. Baka kapag lagi akong nandon, magsawa ako, hindi ko na maging favorite" sagot nya.

"So kapag nakasama mo ako ng matagal, may possibility na magsawa ka?" inis kong sabi.

"What? No!" pagtatanggi nya.

"Kakasabi mo lang!" inis kong sabi, inirapan ko pa sya at tinignan ng masama.

"I will never get tired of you. I told you I love you. Mas mahal kita kesa sa Japan" sabi naman ni Hatch. Napangiti ako ngunit agad kong kinagat ang labi ko, para mapigilan ang pagngiti.

I Kidnapped Hatch EvanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon