Chapter 21

220 32 3
                                    

Crown's P.O.V

"Matutulog na ba kayo?" tanong ni Kirsten. Inaayos ko na kasi ang foam na tutulugan namin, nilalagyan ko na ito ng sapin at inaayos ang mga unan.

"Hindi pa nga ako inaantok eh" sabi naman ni Makoy.

"Ikaw Ate Amy? Inaantok ka na ba?" tanong pa ni Kirsten sa'kin.

"Hindi naman" simpleng sagot ko.

"Ikaw Hatch?" tanong ni Makoy. Umiling lamang si Hatch, bilang sagot.

"Alam ko na! Laro na lang tayo!" sabi naman ni Kirsten.

"Ano? Truth or Dare?" tanong ko.

"Luma na yan Ate eh. Iba naman" sabi naman ni Kirsten. Napakamot nalang ako sa ulo, dahil sa sinabi nya.

"Never have I ever?" tanong naman ni Makoy.

"Luma na din 'yan eh!" sabi pa ni Kirsten.

"Eh ano pala?" tanong pa ni Makoy.

"Ewan" sagot nya, dahilan para tignan namin sya ng masama. Binatukan naman sya ng katabi nyang si Makoy.

"Ewan ko talaga sa'yo Kirsten" sabi ko naman.

"Alam ko na! Parang Truth or Dare, pero puro Truth lang. Ang consequence, maghuhubad ng kahit anong suot, pwedeng bracelet, kwintas, or whatever, hanggang sa wala ng mahubad" sabi ni Kirsten. Lalo ko naman syang tinignan ng masama, dahil don.

"Gaga ka! Luma na din 'yan eh!" reklamo ko.

"Dali na! Game!" sabi nalang ni Kirsten, hindi pinansin ang sinabi ko.

Nagpaikot kami ng upo, katabi ko sina Kirsten at Makoy, kaharap ko naman si Hatch. Nakayuko lang tuloy ako, ayokong tignan si Hatch, baka magalit nanaman.

Pinaikot ni Makoy ang bote sa gitna namin at una itong tumapat kay Kirsten.

"Anong relationship status nyo ni Makoy?" tanong ko, inunahan ko na sila.

"H-huh?" utal utal na sabi ni Kirsten. "Uhm... ewan" sagot nya.

"Hoy! Bawal ewan!" sabi ko naman.

"Ano ba Makoy?" tanong naman ni Kirsten kay Makoy, dahilan para mapalunok ng paulit ulit si Makoy.

"Maghubad ka nalang ng Headband" tatawa tawang sabi ni Makoy. Tinanggal naman ni Kirsten ang headband nya at dinala sa gilid nya.

"Ang dayaaa!" reklamo ko.

Pinaikot na ni Kirsten ang bote at tumapat ito kay Hatch.

"Galit ka ba kay Ate Amy? O galit ka lang sa nagawa nya?" tanong ni Kirsten.

Pareho naman kaming natahimik ni Hatch, dahil sa tanong nya. Hindi naman nagsalita si Hatch at hinubad nya lang ang relo nya. Pinaikot na rin nya ang bote na tumapat naman sa'kin.

"Nagsisi ka ba sa ginawa mong pag kidnap kay Hatch?" tanong ni Makoy sa'kin. Napahinga naman ako ng malalim, dahil don.

Nagtatalo ang isip ko kung sasagutin ko ba o hindi. Alam ko naman na ang sagot, pero hindi ko alam kung magugustuhan ba ni Hatch ang isasagot ko.

"Kahit bigyan ako ng pagkakataon na baguhin ang lahat, hindi ko babaguhin ang ginawa ko. Alam ko masama yung ginawa ko. I'm guilty. Kahit idemanda pa ako, tatanggapin ko, kasi kasalanan ko. Pero kahit kailan, hindi ko pagsisisihan na nakasama ko sya. It's selfish, I know. Gusto ko lang talagang maranasang mahalin, kahit sa maikling panahon lang. Kahit hindi lang kayo, o sya yung niloloko ko. Kahit niloloko ko na rin yung sarili ko, ok lang. Kahit masakit, ok lang. Masaya na ako na naranasan ko 'yon, kahit sandali lang" mahinang sabi ko. Natahimik naman sila, dahil sa sagot ko.

Nagpatuloy lang sa pag ikot ang bote at ang pagsagot nila sa mga tanong. Sa pangalawang pagkakataon, nang tumapat sa'kin ang bote, si Kirsten naman ang nagtanong.

"Bakit ganon nalang ang galit mo sa Family mo?" tanong nya.

"I am the Black Sheep in the Family. Ako yung pabigat, wala ng ginawang tama, magastos, maarte, masama, lahat na ata ng pangit na ugali nasa'kin na. Lagi nilang sinasabi na ibinigay daw nila ang lahat, pero bakit ganito raw ako? Pero wala naman silang ibinibigay kung hindi pera eh. Puro sila Crayden, Crayden, Crayden. Lahat naman ng ginagawa ko hindi sapat, hindi tama, mali, masama. Pinalayas pa nga ako eh, nung sinunod ko, bastos pa raw ako. Hindi ko na alam kung saan ako lulugar sakanila. Kaya ayon, ako siguro talaga yung may mali, napakasama kasi ng ugali ko" sagot ko.

Napatitig naman sila sa'kin at hindi kumibo.

Naramdaman ko nalang na pumatak ang mga luha mula sa mata ko. Dali dali ko itong pinunasan at tumayo na ako, mula sa pagkakaupo.

"Ayoko na. Inaantok na ako" sabi ko at nahiga na sa dulo ng foam, habang nakatalikod sakanila. Pakiramdam ko ay pinagmamasdan pa rin nila ako, kaya nagtalukbong nalang ako ng kumot, hanggang sa makatulog ako.

Kinabukasan,
Maaga akong nagising para ihanda ang mga gamit ko, natutulog pa silang lahat kaya gumawa nalang ako ng sulat para magpaalam. Inipit ko ang sulat sa lamesa, para siguradong mabasa nila.

Umalis na rin ako agad, habang natutulog pa sila.

Habang naglalakad ako papunta sa sakayan pang bayan, nakasalubong ko si Ramiel.

"Ikaw? Akala ko ba umalis ka na!" inis na sigaw ni Ramiel sa'kin.

"Wag ngayon Ramiel, ayoko ng away" mahinang sabi ko.

"Bakit? Break na ba kayo nung pinoprotektahan mo?" nang aasar nyang sabi. Ngumisi pa sya, para lalo akong maasar.

Mapait akong ngumiti. Naramdaman ko nalang na pumatak ang mga luha ko. Umiiyak nanaman ako. Paulit ulit nalang. Hindi pa ba napapagod 'tong mga mata ko? Wala ng ginawa kung hindi umiyak eh. Kailan ko ba kasi maaalis yung sakit? Ang hirap hirap na eh! Kahit anong gawin ko, nasasaktan pa rin ako.

"I'm sorry" malumanay na sabi ni Ramiel. Lumapit pa sya sa'kin at hinila ako palapit sakanya, para yakapin.

"I'm sorry" ulit pa nya. Lalo naman akong naiyak, dahil don.

Tumingala ako at tinignan sya. Ibang Ramiel ang nakikita ko ngayon, malayo sa Ramiel na nakilala ko noon. May ganitong side pala sya. He's caring after all, mayabang lang talaga.

"Kaya pala nawala ka, naghanap ka ng bagong target"

Nagulat ako nang may biglang nagsalita sa likuran ko. Pamilyar na pamilyar ang boses nito, kaya bahagya kong naitulak si Ramiel. Hindi naman sya natumba, pero napabitiw sya sa pagkakayakap sa'kin.

"H-hatch..." mahinang banggit ko sa pangalan nya.

"Ano? Hindi ka na lang selfish, kidnapper, manloloko at sinungaling ngayon? Malandi ka na rin?" pasigaw nyang sabi. Nagulat naman ako sa sinabi nya, pero mas nagulat ako nang bigla syang suntukin ni Ramiel sa mukha.

Susuntok pa sana si Hatch pero pumagitna ako, para pigilan silang dalawa sa pag aaway.

"Tama na!" sigaw ko.

"Malandi?" tanong ko kay Hatch. Hinarap ko rin sya at tinignan sa mata.

"Malandi na ako kung 'yon ang tingin mo. Pasensya ka na ah! Wala kasi talaga akong alam gawing matino" seryosong sabi ko.

"I'm sorry. Sorry kung sobra kitang minahal, kaya sobra din yung naging galit mo sa'kin. Kung pwede lang kitang hindi mahalin Hatch, ginawa ko na. Kung pwede lang ma control yung sarili, at sabihin na wag nalang ikaw, kinontrol ko na. Pasensya ka na kung itong babaeng walang kwenta na 'to, nagkagusto sa'yo, pinahamak ka pa. I'm sorry. Gusto na rin kitang makalimutan, para mabawasan man lang yung sakit. Ang sakit sakit na, pero alam ko naman na deserve ko 'to. Baka nga kulang pa 'tong kapalit sa nagawa ko sa'yo. Sorry talaga ah. Sampalin mo ako, suntukin mo ako, dagdagan mo pa yung masasakit na salita. Baka mawala yung pagmamahal ko sa'yo, kapag ginawa mo 'yon. Baka mabawasan din yung galit mo, kapag ginawa mo 'yon. Please! Saktan mo pa ako, para isahan nalang yung sakit" dagdag ko pa. Napaluhod na rin ako, dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko, emotionally.

I Kidnapped Hatch EvanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon