Epilogue

168 12 11
                                    

Crown's P.O.V

Lumipas ang ilang taon at mas tumagal pa ang relasyon namin ni Hatch. Ikinasal na rin kami at nagkaroon ng isang napakagandang anak.

"Mommy! Mommy! Nandito na sina Tita Kirsten!" sigaw ng anak kong si Aenna. 5 years old pa lang sya, pero napakadaldal na.

Hinila pa nya ang kamay ko at dinala ako papunta sa sala.

"Amy!" bati ni Kirsten sa'kin, hinalikan pa nya ako sa pisnge.

"I miss you" nakangiti namang sabi ko sakanya.

"Nasaan pala si Makoy?" tanong ko. Silang dalawa lang kasi ng anak nyang si Tristan ang nandito.

"Nasa Garden, kausap si Hatch" sagot nya naman. Napatango nalang ako, bilang sagot.

Maya maya lang ay nagpunta na kaming lahat sa garden. Nag ihaw sina Hatch at Makoy ng mga pagkain namin. Nagswimming naman sina Aenna at Tristan, binabantayan naman namin ni Kirsten ang dalawang bata.

"May Good news kami" masayang sabi ni Kirsten.

"Ano?" Excited kong tanong.

"Magkaka..." hindi naituloy ni Kirsten ang sasabihin nya nang biglang sumigaw si Aenna.

"Magkaka kapatid na po si Tristan. Ako Mommy kailan?" sabi nya.

"Ang daldal mo talaga" inis namang sabi ni Tristan sakanya. Natawa nalang kami ni Kirsten sa kanilang dalawa.

"Ayiee! Congrats!" masayang sabi ko. Niyakap ko pa si Kirsten nang mahigpit.

"Congrats Makoy!" masayang sabi ko naman kay Makoy. Yayakapin ko din sana sya pero sumingit si Hatch sa gitna namin.

"Ayan nanaman si Bakod boy. May asawa na ako pare" natatawang sabi ni Makoy kay Hatch, habang napapakamot sya sa ulo.

"Mommy! Mommy! Kwento mo nga ulit kung pa'no kayo nag meet ni Daddy. Hihi" masayang sabi ni Aenna. Hinihila hila pa nya ang kamay ko. Ang kulit talaga!

"Ganito kasi 'yon. Nagkasalubong kami sa..." hindi ko naituloy ang dapat na sasabihin ko nang biglang sumingit si Hatch.

"Kinidnap ako ng Mommy mo, pagkatapos ng Concert namin" sabi nya. Natawa naman silang lahat, dahil don. Tinignan ko naman ng masama si Hatch. Ilaglag ba naman ako sa anak namin!

Tinaas naman ni Hatch ang dalawa nyang kamay, bilang tanda ng pagsuko.

"I love you" he mouthed.

Lumapit pa sya ng lumapit sa'kin at hinawakan ang pisngi ko, gamit ang palad nya. Nang malapit ng dumikit ang labi nya sa labi ko ay inilagay ko ang hintuturo ko sa pagitan ng mga labi namin.

"May bata" natatawang sabi ko, dahilan para mapakamot nalang sya sa ulo nya.

"I love you!" sabi ko pa.

"I love you more" sabi nya naman at hinalikan pa ako sa noo.

"I'm curious. Amy, bakit sa kabila ng mga masasakit na salitang sinabi sa'yo ni Hatch, sa kabila ng mga sakit na naranasan mo sakanya, bakit tinanggap mo pa rin sya kahit sukong suko ka na?" biglang tanong ni Makoy.

"Bakit? Because I love him" sagot ko naman.

"Hindi ba katangahan 'yon?" tanong naman ni Kirsten.

"If you love someone, tatanggapin at tatanggapin mo sya. Kung noong pinagtatabuyan nya ako, ginawa ko ang lahat dahil mahal ko sya. Ngayong minahal na rin nya ako at sya naman ang gumagawa ng paraan para maging ok kami, bakit pa ako tatanggi?" sabi ko naman. "Ok lang maging tanga, basta masaya. Pinasok ko 'yon eh. Ginusto kong mahalin sya. Kaya kahit ano man ang resulta, mamahalin at mamahalin ko pa rin sya" dagdag ko pa. Napangiti naman sila, dahil sa sagot ko.

I really love him. Grabe!

I kidnapped Hatch Evan Smith...

And this is our love story...

-THE END-

May 17, 2021

I Kidnapped Hatch EvanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon