Chapter 7

279 49 12
                                    

Crown's P.O.V

Simple lang ang naging handaan sa bahay ng Kapitan. Marami ang dumalo, halos buong baryo nga ata. Pero hindi sya kasing bongga ng party ng mga businessman sa Manila. Kapag sina Daddy ang nagpa party, halos kalahating milyon ang pinakamababang gastos nila.

"Kapagod!" mahinang sabi ko, habang pinupunasan ang namuong pawis sa noo ko at inaayos ang gamit ko.

"Mukhang hindi ka sanay sa trabaho mo ah" sabi ng isang pamilyar na boses, mula sa likuran ko. Nilingon ko naman sya at nakita ko si Ramiel, ang anak ng kapitan.

"Ito na nga pala ang sweldo mo. Pinapabigay ni Papa" sabi pa nya at inabot ang isang puting sobre sa'kin.

"Thank you" nakangiting sabi ko.

"Mauna na ho ako sir. Salamat ulit" pagpapaalam ko. Tumalikod na rin ako. Nakakaisang hakbang pa lang ako ay napatigil na ako, dahil hinawakan nya ang kamay ko.

"Just call me Ramiel. It was nice meeting you" nakangiting sabi nya at binitawan na ako.

Hanggang makauwi ako sa bahay nina Lola Mildred ay naglalakbay ang utak ko. I'm spacing out at hindi ko makalimutan ang mga sinabi ni Ramiel.

"I like you"

Ilang minuto pa lang kaming nagkakilala, like agad? Ano yon like at first sight? Hays! Bakit ko ba sya iniisip?

Binuksan ko ang sobreng ibinigay sa akin ni Ramiel at may laman itong 500 pesos.

"Nakauwi ka na pala iha" bati ni Lola Mildred sa akin.

"Opo. Nakakapagod po pala ang makipagtrabaho" sabi ko naman.

"Oh sya sige. Magpahinga ka muna" sabi nya naman.

"Si Evan po pala?" tanong ko naman.

"Sinama ni Ador sa bukid, para hindi sya mainip dito" sagot nya. Tumango na lamang ako bilang sagot at dumiretso na sa kwarto. Nagpahinga na lang ako at ipinikit ko ang mga mata ko.

"Amy anak! Amy!" nagising ako, dahil sa sigaw ni Lola Mildred. Agad akong napabangon at pinuntahan sya.

"Ano pong nangyari? Ayos lang po ba kayo?" nag aalalang tanong ko.

"Ako ayos lang. Si Eban hindi" hinihingal na sagot ni Lola Mildred.

"Po? Si Evan po? Anong nangyari sakanya? La nasaan sya? B-bakit? A-anong nangyari?" nag aalala at hindi mapakaling tanong ko.

"Halika sa bukid. May kaaway si Evan doon, kinakabahan ako baka kung anong mangyari sakanya" sabi pa ni Lola Mildred. Dali dali naman kaming naglakad papunta sa bukirin. Halos tumakbo na rin ako, dahil sa sobrang pag aalala.

Natigilan ako nang makita ko si Hatch at Ramiel. Masama ang tingin nila sa isa't isa, habang hawak hawak ni Hatch ang damit ni Ramiel. Nagulat ako nang biglang suntukin ni Hatch sa mukha si Ramiel. Bumawi naman si Ramiel at sumuntok din kay Hatch.

"Stop it! Tumigil na nga kayo!" singit ko. Dali dali pa akong tumakbo sa gitna nila, dahilan para matigilan sila.

"Stop acting like a child. Para kayong mga bata!" sigaw ko pa.

"Amy? Anong ginagawa mo dito?" gulat na tanong ni Ramiel.

"You know him?" tanong naman ni Hatch sa'kin.

"Anak sya ng kapit..." hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko, nang biglang sumingit si Ramiel at inakbayan ako.

"I'm his Boyfrie..." tinignan ko ng masama si Ramiel at hinawakan ko ang kamay nyang naka akbay sa'kin. Umikot ako at dinala ko ang kamay nya sa likod nya, bahagya ko pa itong pinalipit, dahilan para mapasigaw sya sa sakit.

"I'm sorry... ouch... okay joke lang. Sorry na... aww... bitawan mo na ako. Joke lang eh. Hindi ka naman mabiro... ouch! Stop!" daing ni Ramiel.

Binitawan ko naman sya at pinagpag ko ang mga palad ko.

"Anak sya ng kapitan." sabi ko pa kay Hatch.

"Kaano ano mo ba yang mayabang na yan Amy? Kebago bago, ang yabang!" tanong ni Ramiel.

"He's my boyfriend, at hindi sya mayabang." inis kong sabi.

"Anong hindi? Eh masyadong pasikat eh. Akala mo kung sinong magaling" inis pang sabi ni Ramiel.

"Magaling talaga sya. Inggit ka lang!" seryosong sabi ko. "Bakit? Are you threatened? Natatakot ka ba na baka maagaw nya ang spotlight na nakatutok sa'yo? Oh come on! What a childish!" dagdag ko pa, dahilan para lalong mainis si Ramiel at tignan kami ng masama.

"Hindi pa ako tapos sainyong dalawa." seryosong sabi naman ni Ramiel.

"Alam mo ikaw.... Sayang ka!" sabi pa nya, habang nakaturo sa'kin. Pagkatapos ay naglakad na sya paalis. Maririnig mo ang bawat hakbang nya, dahil pabagsak ito. Halatang inis na inis.

"Bakit mo ginawa yon?" inis at seryosong tanong ni Hatch sa'kin.

"I'm just protecting you. Ayoko na ginaganyan ka lang nila. You are so precious to me. Wala silang karapatang sabihan ka ng ganon" sagot ko.

"I don't need that. Hindi kita kailangan. Kaya kong protektahan ang sarili ko" seryosong sabi pa nya. Tulad ni Ramiel ay naglakad na rin sya palayo sa'kin.

Parang nadudurog ang puso ko sa bawat hakbang ni Hatch palayo. Nagsimula na ring bumagsak ang mga luha ko, dahil sa sinabi nya.

Nagpaulit ulit sa tenga ko ang sinabi nya.

"Hindi kita kailangan"

Ang sakit! Ang sakit sakit! Gusto ko lang namang iparamdam kung gaano ko sya kamahal. Bakit ba hindi nya makita? Bakit hindi nya maramdaman?

"Ayos ka lang ba Amy?" tanong ni Lolo Ador sa'kin. Hinawakan pa nya ang balikat ko.

"Makakaalala rin si Evan anak. Wag kang mag alala." pagpapagaan naman ni Lola Mildred sa loob ko.

Nilapitan ko naman sya at niyakap ng mahigpit. Umiyak ako sa dibdib nya, hanggang sa gumaan ang pakiramdam ko.

Minsan talaga... isang yakap lang mula sa mga taong mahalaga sa'yo, gumagaan na ang pakiramdam mo.

Naging malalim na ang pagsasama namin nina Lola Mildred at Lolo Ador. Ewan ko ba. Ang gaan gaan ng loob ko sakanila. Siguro dahil sila ang unang tao na tumanggap sa'kin. Sakanila ko kasi naramdaman yung pagmamahal ng isang pamilya. Dinaig pa nila ang mga magulang ko. Kung gaano sila katindi mag alala sa'kin, ganon naman ka walang pakialam sa'kin yung pamilya ko. Baka nga hindi nila ako hinahanap. Baka masaya pa sila na wala na ako sa bahay. Baka nagpa party pa sila.

Bakit kasi sila pa yung mga naging magulang ko? Bakit hindi nalang sina Lola Mildred at Lolo Ador?

Bakit binuo pa nila ako kung hindi naman nila ako mamahalin?

I miss them so much... kahit na alam kong wala naman silang pakialam sakin. Mahal na mahal ko pa rin sila at miss na miss ko na sila. Sana ayos lang sila...

Siguro... kaya hindi nila ako mahal, kasi brat ako, masama yung ugali ko, magastos ako.

Kasi kahit anong gawin ko, hindi nila ako mapansin eh. Kaya gumagawa nalang ako ng bagay na hindi maganda, para mapansin nila.

Gusto ko lang namang maramdaman na parte ako ng pamilya ko. Pero wala eh. Mas naramdaman ko pang may pamilya ako kina Lola Mildred.

Kung pwede lang mamili ng pamilya... sina Lola Mildred nalang sana...

I Kidnapped Hatch EvanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon