Chapter 32

133 10 1
                                    

Crown's P.O.V

"Umuwi na si Lyca. Babalik na lang daw sya sa parents nya sa America. She wants to Congratulate you Hatch. 'Wag mo daw papabayaan si Crown" sabi ni Prince kay Hatch. Nandito kami sa isa sa mga kubo dito ngayon at nakatambay.

Maya maya ay umupo si Prince sa bakanteng upuan sa tabi ko.

"Crown..." tawag nya sa pangalan ko. Lumingon naman ako sakanya at tinignan ng nagtatanong.

"I'm sorry. Akala ko nagdadahilan ka lang non. Now I know why. Si Hatch pala talaga" pabulong nyang sabi.

"Bakit mo nagawa yon? Bakit hindi ka nalang umamin? Bakit kinailangan mo pa syang kidnapin?" dagdag tanong pa nya.

"Sa tingin mo ba kung hindi ko ginawa yon, makakasama ko si Hatch? Baka hindi pa nga nya ako kilala hanggang ngayon at baka kasal na rin sya. I know mali yung ginawa ko. Kung idedemanda man ako ngayon, I won't deny my sins. Mahal na mahal ko si Hatch eh. Ganon ata talaga. Lahat posibleng magawa, pagdating sa love" sagot ko.

"That's why I really like you. Totoo ka sa sarili mo at sobra ka magmahal. Too bad mahal na mahal nyo ni Hatch ang isa't isa. I can't compete with that love" sabi pa ni Prince. "I just hope may makilala akong katulad mo, yung magugustuhan din ako" dagdag pa nya.

"Hindi ka naman mahirap magustuhan Prince. I'm sure may makikilala kang mas higit pa sa'kin" nakangiting sabi ko naman. Tinapik ko pa ang balikat nya at naglakad na ako palayo.

Habang naglalakad ako papunta sa room ko dito ay nakasalubong ko si Ramiel. May hawak syang maleta at malungkot ang mukha nya.

"Ramiel? What happened? Aalis ka na?" nag aalalang tanong ko.

"Yup. I can't stay here much longer. Ang hirap nyong tignan ni Hatch na magkasama, nabibitter ako" sabi nya habang mapait na tumatawa.

"Sorry" nakayukong sabi ko.

"Ano ka ba! Hindi mo kailangang mag sorry. Naiintindihan ko naman na si Hatch talaga ang mahal mo. Sometimes I wish na sana ako nalang. Sometimes I wish na sana hindi ka nalang nya napatawad. Damn selfishness! Pero nung nakita ko yung mga ngiti mo kapag kausap mo sya... napasuko ako. I really like you Crown. Sobra! If sacrificing my happiness makes you happy, tatanggapin ko. I hope sa susunod na magkita tayo, I can look into your eyes without feeling anything else" sabi pa nya at naglakad na sya palayo.

"I will miss you Ramiel" pabulong kong sabi.

Itinuloy ko nalang ang paglalakad ko at pumasok ako sa kwarto ko. Nahiga ako sa kama at sandaling ipinikit ang mga mata ko.

"Ate Amy!" nagulat ako at agad na napamulat nang biglang tawagin ni Kirsten ang pangalan ko.

"Why?" I asked.

"Nagyayayang mag party yung Novum. Ok lang daw bang gamitin yung Party hall?" tanong nya.

May party hall kasi kami dito na nasa isang malaking room. May sarili itong swimming pool at pang party talaga ang Ambiance.

"Sure" tinatamad kong sagot.

"Oh magbihis ka na" sabi pa nya.

"Huh?" nagtatakang tanong ko.

"Sabi ko nagyayaya sila. Kasama tayo" sagot nya.

"Ahh. Tinatamad ako" mahinang sabi ko.

"Bawal tamarin ano ka ba! Tara na!" pangungulit ni Kirsten.

"Nag invite pa naman ng mga babae yung Novum, baka may maganda don. Ikaw din, baka may mang agaw kay Hatch mo" sabi pa nya.

"Fine! Ito na!" sabi ko at padabog na tumayo.

I Kidnapped Hatch EvanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon