Chapter 16

224 40 6
                                    

Crown's P.O.V

Nagising kaming lahat, kahit madaling araw pa, dahil sa malakas na sigaw ni Hatch.

"A-anong nangyari sa'yo?" nag aalalang tanong ko.

Hawak hawak nya ang ulo nya, habang namimilipit sya sa sakit. He is crying in pain.

"M-masakit... Ahhh!" sigaw pa nya.

"Kasama ko na ho si Doc. Steban" biglang sigaw nang paparating na si Makoy.

"Steban, anong nangyayari kay Eban?" tanong ni Lola Mildred.

Nilapitan naman ng Doctor si Hatch at sinuri ito. Tinanong pa nya si Hatch tungkol sa kung ano ang nararamdaman nya.

May tinusok ang Doctor sakanya, kaya maya maya lang ay nakatulog na si Hatch.

"Na pwersa siguro ang utak nya. Pinilit nya sigurong makaalala kaya sumasakit ang ulo nya" paliwanag ng Doctor. Nag usap pa sila nina Lola Mildred at Lolo Ador.

Nilapitan ko naman si Hatch at sinuklay ko ang buhok nya, gamit ang kamay ko.

I'm sorry Hatch. Hindi mo mararanasan 'to, kung hindi dahil sa'kin. Sorry.

Umalis na lamang ako sa bahay nina Lola Mildred at dumiretso sa trabaho ko. Marami rami na rin ang naipon ko, dahil sa pagtatrabaho. Mukhang kasya na ito para makabalik kami ni Hatch sa Manila. Pero... hindi pa ako handa. Hindi pa ako handang bumalik.

Habang naghuhugas ako ng plato sa karinderya ay nagulat ako sa biglang pagdating ni Makoy.

"Ate Amy! A...my! Ate!" hinihingal nyang sigaw sa pangalan ko.

"A-anong nangyari? May problema ba? B-bakit?" kinakabahang tanong ko.

"S-si Kuya Hatch..." sabi pa nya, habang hinihingal na nagsasalita.

"Anong nangyari kay Hatch? N-napano sya?" nag aalalang tanong ko.

"Nag... nagwawala sya. H-hindi namin alam ang gagawin namin. Asar na asar sya. S-sinuntok pa nya ang pinto ng kwarto nyo. N-Nag eempake sya ate. N-niloko mo daw sya" sabi pa ni Makoy.

Sandaling tumigil ang tibok ng puso ko, dahil sa narinig ko. N-naalala na ba nya?

"Amy! Tara na! Hindi namin alam kung paano pigilan si Hatch" sabi naman ni Makoy at hinila pa ang kamay ko.

Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa bahay nina Lola Mildred.  It's really hard to think when your mind goes blank. Para akong lutang, hindi nagpoproseso ang bagay bagay sa utak ko.

"H-hatch... What happened?" kinakabahang tanong ko.

"What happened? Seriously? Stop acting like you don't know anything!" pasigaw nyang sabi sa'kin.

"W-what?" tanong ko pa.

"Niloko mo ako Crown! Niloko mo ako! Sagad sagaran na yang pagiging desperada mo!" sigaw pa nya.

Nagpaulit ulit sa utak ko ang mga katagang sinabi nya. Ang sakit! Ang sakit sakit! Parang minamartilyo at dinudurog ang puso ko sa sobrang sakit.

Walang pumapatak na luha sa mga mata ko, pero ramdam na ramdam ko ang sakit.

Akala ko handa na ako sa mga masasakit na salitang sasabihin ni Hatch kapag nalaman nya yung totoo, pero akala ko lang pala yon. Kasi hindi ko inaasahan na masasaktan pa rin ako ng ganito.

"I'm sorry" nakayukong sabi ko.

"Damn it Crown! Pinaniwala mo ako! Wala ka talagang kwenta! Sarili mo lang ang iniisip mo. Napaka desperada!" inis pa nyang sabi.

"H-hindi ko sinasadya. I'm sorry kung sobra kitang mahal kaya nagagawa ko ang mga bagay na 'to. Balak ko namang sabihin sa'yo eh, pero alam kong magagalit ka. Wala pa akong solusyon para maibalik kita sa dati mong buhay eh. I'm sorry kung umasa ako na baka sakali mahalin mo rin ako tulad ng pagmamahal ko sayo. I'm sorry kung niloko kita kasi gusto ko lang maranasan na mahalin mo, kahit alam ko na niloloko ko lang ang sarili ko. I'm sorry kung ang selfish selfish ko. I'm really really sorry" sabi ko, habang nakayuko pa rin ang ulo ko.

"Wala ng magagawa ang sorry mo Crown. Hindi ko alam kung kaya kong patawarin ang isang manloloko, sinungaling, desperada, selfish at kidnapper na katulad mo." seryosong sabi pa nya.

Lumapit ako sakanya at hinawakan ko ang mga kamay nya.

"I'm so..." hindi ko pa natatapos ang dapat na sasabihin ko ay binawi nya ang mga kamay nyang hawak hawak ko. Malakas ang pwersa ng pagkakahatak nya sa kamay nya, kaya nawalan ako ng balanse at natumba.

"Stop saying sorry. It won't help!" seryosong sabi pa nya.

"A-anong pwede kong gawin para patawarin mo ako? I will do everything. Please! Wag mo akong iwan" sabi ko, habang nagsimula nang magsilabasan ang mga luha sa mga mata ko. Lalo pa akong lumapit sakanya at lumuhod ako sa harapan nya.

"Please..." mahinang sabi ko pa.

"Nothing! Just leave me alone at hayaan mo na akong umalis. Ayoko nang makita ang pagmumukha mo kahit kailan. Kung pwedeng mawala ka nalang, mawala ka na! Umalis ka na sa buhay ko Crown. Ayaw na kitang makita kahit kailan. Kakalimutan ko na nag exist ka pa sa buhay ko. Yun lang ang magagawa mo Crown." seryosong sabi pa nya.

"Ok. Noted!" seryosong sabi ko rin.

Walang gana akong pumasok sa loob ng kwarto. Binuksan ko ang kahon kung saan ko tinago ang perang naipon ko. Kinuha ko ang perang magagamit ni Hatch para makabalik sya sa Manila.

"Here! Tanggapin mo nalang 'to, para makabawi naman ako kahit papaano. Pamasahe mo pauwi. Pinaghirapan ko 'yan, kaya sana... sana tanggapin mo" nakayukong sabi ko, habang inaabot sakanya ang pera.

"I don't want to accept anything from you. But since may utang ka sa'kin at gusto ko ng umuwi, I will accept it!" seryosong sabi nya at kinuha ang pera sa'kin. Inayos na rin nya ang mga gamit nya at lumabas na sya sa bahay nina lola Mildred.

Muli kong naramdaman ang sobrang sakit nang mawala si Hatch sa paningin ko. Totoo na 'to. Wala na si Hatch. Gusto kong gisingin ang sarili ko. Gusto kong isipin na panaginip lang ang lahat ng ito. Gusto kong isipin na hindi nangyari ang lahat ng 'yon. Pero hindi eh... dumating na ang panahon na kinatatakutan ko. Wala na nga si Hatch, galit na galit pa sya sa'kin.

"Ok ka lang Ate Amy?" tanong ni Kirsten.

"Hindi ko alam" malungkot kong sabi. "Hindi ko alam kung magiging ok pa ba ako" dagdag ko pa.

Alam ko naman na kasalanan ko. I deserved every pain na nararamdaman ko. Niloko ko sya... Niloko ko silang lahat, pati ang sarili ko. Alam kong mali ako... Pero... Hindi ko maiwasang hindi masaktan at maiyak ng sobra. Ang sakit sakit kasi talaga. Gusto ko nalang biglang mawala. Gusto ko nalang mawala yung sakit. Gusto ko nalang makalimutan lahat. Kasi sobrang sakit na... ang sakit sakit na.

I Kidnapped Hatch EvanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon