Chapter 28

184 18 4
                                    

Crown's P.O.V

"Crown! Gising na!" napamulat ako nang marinig ko ang boses ni Kuya.

"Ang aga pa!" reklamo ko.

"Nagyayayang lumabas si Mom. Bumangon ka na!" panggigising pa nya.

"Hindi kaya lumaking layas sa bahay ang kapatid ko nito!" reklamo ko pa, dahilan para matawa si Crayden.

"Saan po tayo pupunta?" tanong ko kay Mom, nang matapos akong mag ayos at bumaba na ng kwarto.

"Saan mo ba gustong pumunta anak? Gusto ko sanang mag beach or pumunta sa shooting range. Namiss ko na ring bumaril" sagot ni Mom.

Sundalo kasi si Lolo, ang Daddy ni Mom. Nakahiligan nya rin tuloy ang mga baril at ang pagbabaril. Naging hobby at bonding din kasi nila ito ni Lolo.

"Sa shooting range nalang po Mom! Namiss ko ring bumaril. Hindi ko nga lang sure kung alam ko pa bang gawin yung mga tinuturo ni Lolo. Then after that we can go to Your Home Resort. Ipapasyal ko na rin kayo sa Beach Resort namin. Ok lang ba sainyo yon?" tanong ko kay Mommy.

Napatango tango naman si Mom at nginitian ako.

"Dad? Crayden? Ok lang ba sainyo?" tanong naman ni Mom sa dalawa.

"Of course!" sagot ni Kuya.

"That's a good idea!" sagot naman ni Dad.

Pagkarating namin sa Shooting Range ay binati sina Mom and Dad ng mga kakilala nilang nag p-practice din don.

Sinuot namin ang Ear and Eye Protection at dumiretso na kami sa shooting stall or sa target. Tumayo naman ako sa firing line, habang nanonood sina Mom at Crayden sa'kin.

The magazine was fully loaded so i just loaded the magazine into the firearm. After inserting the magazine, I released the slide by using the slide release.

I stretched my arms and I focused at the target. I pull the trigger 3 times, then I examined the target. Narinig kong pumalakpak si Crayden, nang mapansin nyang bullseye lahat.

"Cease-Fire!" sigaw ng Range Safety Officer. I unloaded the gun, lock the slide and step back the line of fire.

"Kumain ka munang sandwich Crown, may dala akong merienda" sabi ni Mom at inabot ang lunch box sa'kin. Tinanggap ko naman 'yon at umupo kami sa mga bench para kumain.

"Nakita ko yung pagbaril mo kanina Crown. Magaling ka pa talaga sa'kin pagdating sa pagbaril" papuri ni Dad sa'kin.

"Thanks" I simply said.

"I'm sorry Crown" mahinang sabi ni Dad.

"For what? 'Tsaka may sakit ka ba Dad? Did you just say sorry?" tanong ko naman.

"I know you're still mad at me. Hindi naman kita masisisi, malaki ang kasalanan ko sa'yo. I'm sorry for everything I've done. I'm sorry kung naisip mo na hindi ko nakikita yung mga effort mo. Alam ko, puro nalang ako sorry. Gusto kong bumawi. Gusto kong ipakita sa'yo na naiintindihan ko na, na nagsisisi na ako. But I can't do that if you're not allowing me. I'm not forcing you to forgive me, but please, hayaan mo 'kong iparamdam sa'yo na mahal na mahal din kita anak. I'm not showy but I love you. I just love you so much kaya naging ganito ako. I'm really really sorry" sabi ni Dad, dahilan para maluha ako. Itong mga sinabi pa lang ni Dad, grabeng effort na 'to sakanya, kasi hindi sya ganito. Hindi sya showy sa nararamdaman nya. Isa pa, ginawa nya 'to in public. Hindi ugali ni Dad ang ipakita o ipaalam sa iba ang mga problemang nararanasan ng pamilya namin. Mahalaga ang image nya sa publiko para sakanya.

Lumapit naman ako sakanya at niyakap sya ng mahigpit. Niyakap nya rin ako pabalik at tinapik pa ang likod ko.

"I love you Daddy" maluha luhang sabi ko. "Sorry din. Sorry!" dagdag ko pa.

"Don't cry! It hurts me that I don't want you to cry because of another man who will break your heart, but I'm the first man who broke your heart. It hurts me that I want to protect you, but I was the first one who hurt you. I'm so sorry my Princess. I'm sorry Crown" maluha luha ring sabi ni Dad.

"I'm so glad ok na tayong lahat. Thank you Crown. Thank you for the another chance. I promise we will never waste this chance. I love you!" singit naman ni Mom. Nakiyakap din sya sa amin ni Dad at sumunod na nakiyakap si Crayden.

"I'm sure magiging masaya si baby kapag lumabas na sya, kasi ok na tayong lahat" sabi naman ni Crayden, nang bumitaw kami sa pagkakayakap. Hinawakan pa nya ang tiyan ni Mom at sinabing, "Right baby?"

Napangiti naman kami, dahil don. Masaya din ako na ok na kami. Ang sarap nga sa pakiramdam kapag wala ka nang kinikimkim na galit at sama ng loob sa puso mo. Parang ang gaan. Parang ang payapa.

Nag firing pa kami ng ilang beses nang pahintulutan na kami ng Range Safety Officer. Pagkatapos namin don ay lumabas na kami, upang magbyahe papunta sa Your Home Beach Resort.

"Dad, pwede ba tayong tumigil muna sa mall? Nagugutom na ako" sabi ni Crayden kay Dad.

"Sure. Ok lang ba sainyo?" tanong naman ni Dad sa'min ni Mom. Tumango lang kami, bilang sagot.

Nagugutom na rin ako at kailangan ko ring bumili ng pasalubong sa mga iniwan ko don. Bigla nalang akong umalis ng hindi nagpapaalam.

"Saan nyo gustong kumain?" tanong ni Dad, pagkarating namin sa Mall.

"Sa Buffet Meals nalang. Eat all you can pa" sabi naman ni Mom. Tumango naman kami ni Crayden at sumang-ayon kay Mommy.

"Naglilihi ka na ba Mom? Nakailang balik ka na sa Mango cake ah" pang aasar ni Crayden sakanya.

"Ang sarap kaya!" sabi naman ni Mom, habang may nakasumpal pang cake sa bibig nya.

"Isa ka pa atang naglilihi Princess. Wala ka nang ibang kinain kung hindi 'yang sushi" sabi naman ni Kuya sa'kin.

"Huwag muna anak. Bata pa ang kapatid mo" suway naman ni Dad.

"Anong lihi lihi naman kuya! Hindi ba pwedeng masarap lang talaga yung sushi? Ghad! Virgin pa kaya ako no!" reklamo ko, dahilan para matawa sya ng malakas.

"Ang ingay mo Crayden! Nakakahiya! Hindi talaga kita kilala!" reklamo ko. Lalo naman syang natawa dahil don.

May pagka abnormal din talaga 'tong kuya ko.

"Kumusta na ba kayo ni Hatch? Ano na ba talagang score sainyo?" tanong pa ni Kuya, dahilan para mamula ako dahil sa hiya.

"Kuya!" inis kong sabi.

"Ano?" painosenteng tanong nya.

"Ewan ko sa'yo! Napaka issue mo talaga!" sabi ko naman at inirapan pa sya.

I Kidnapped Hatch EvanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon