Chapter 6

302 49 12
                                    

Crown's P.O.V

Kinabukasan ay maaga akong nagising para ipagluto sila ng breakfast. Bumili ako ng itlog sa kapitbahay at kumuha ako ng kamatis sa tanim ni Lolo Ador. Tinuruan ako ni Lola Mildred kung paano magluto kahapon, kaya ina apply ko ngayon ang natutunan ko.

"Good Morning este Magandang umaga po Lola Mildred" bati ko, nang mapansing papunta si Lola sa kusina.

"Aba! Nagluluto ka ata ineng. Mabuti naman at may natutunan ka sa itinuro ko kahapon" komento nya. Ngumiti naman ako bilang sagot.

"Tulungan na kita" sabi pa nya na agad kong tinanggihan.

"Nako hindi na po! Umupo na lang po kayo at hintayin natin sina Lolo Ador at Evan, para sabay sabay na tayong kumain." sabi ko naman. "Pinagtimpla ko po pala kayo ng kape. Uminom po muna kayo" sabi ko at inabot sakanya ang kapeng ginawa ko.

"Napakasarap naman nito. Kakaiba ang 'yong timpla. Ang sarap!" komento ni Lola Mildred, habang nilalasap ang kape.

Nang maluto ang pagkain ay sakto namang lumabas sina Hatch at Lolo Ador sa mga silid nila.

"Maupo muna kayo rito Ador, Eban. Kakain tayo" pag aaya ni Lola Mildred sakanila. Umupo naman sila sa hapag kainan at hinintay ang mga pagkaing hinahapag ko.

"Lolo Ador, pinagtimpla ko po kayo ng kape. Sana po magustuhan nyo" nakangiting sabi ko kay Lolo Ador, habang inaabot ko ang kape nya.

"Nako Ador! Napakasarap magtimpla ng batang 'yan." komento naman ni Lola Mildred, dahilan para mapangiti ako.

"Aba masarap nga. Pwede ka ng magtayo ng coffee shop ba iyon. Yung nagbebenta ng iba't ibang klase ng kape" komento naman ni Lolo Ador.

"Pinagtimpla din kita ng kape Hatch. Sana magustuhan mo" sabi ko naman at inabot ang kape sakanya.

"I don't drink coffee" seryosong sabi nya.

"Ahh... eh... pasensya na. Ako na lang ang iinom" sabi ko at mapait akong ngumiti.

Napatampal na lamang ako sa sarili kong noo, dahil sa ginawa ko.

Bakit ba nakalimutan mong hindi sya umiinom ng kape Crown! Aish! Ngayon pa talaga!

"Marunong ka na palang magluto anak" sabi ni Lolo Ador, habang kinakain ang kanin at ulam na niluto ko.

"Oo nga. Napakabilis matuto ng batang 'yan." sabi naman ni Lola Mildred.

"You cooked this?" biglang tanong ni Hatch. I nod as an answer.

Binilisan nya naman ang pagkain nya at tumayo na sya. Inilagay nya sa lababo ang plato nya at kumuha sya ng inumin nya.

"Tapos ko nang kumain iho?" tanong ni Lolo Ador sakanya.

"Opo" simpleng sagot nya.

"Ang konti naman ata ng kinain mo" sabi pa ni Lolo Ador.

"Nawalan po ako ng gana. Pasensya na" sabi naman ni Hatch. Malungkot lamang akong sumubo at hindi na sila pinansin.

Kahit hindi ako naaalala ni Hatch, kahit hindi nya naaalala ang ginawa ko, galit pa rin sya sa'kin. Paano pa kaya kung malaman nya ang totoo...

Pagkatapos kong kumain ay pumunta ako sa kwartong tinutuluyan namin ni Hatch. Nakita ko syang nakahiga at nakapikit ang mga mata. Natutulog na sya?

"I... I'm sorry." mahinang bulong ko, habang pinagmamasdan ko ang mukha nya. Nagsimula na ring pumatak ang mga luha ko.

"Why are you crying? Ang pangit mong umiyak" biglang sabi nya, dahilan para magulat ako. Dali dali ko pang pinunasan ang mga luha sa mata ko.

"G-gising ka?" gulat ko pang tanong.

"Obviously! Tsk!" inis nya namang sabi.

"I'm sorry. Labas na lang ako. May gusto ka ba? Hindi ka ba nagugutom or what?" sabi ko nalang.

"Gusto kong umalis dito. Gusto kong makaalala" seryosong sabi nya, dahilan para matigilan ako.

"D-don't worry. M-magtatrabaho ako sa mga kakilala ni Lola Mildred. Kapag nakaipon na ako, babalik na tayo sa Manila" malungkot kong sabi. Lumabas na rin ako sa kwarto at iniwan sya don.

Hindi nya talaga maatim na kasama ako sa isang bahay. Mukhang ganon kalaki ang galit nya sa'kin, kahit hindi nya ako maalala.

Ang sakit! Ang sakit sakit!

"Lola... may alam ho ba kayong pwede kong pagtrabahuhan ngayon? Para makapagsimula na rin ako at makaipon?" tanong ko kay Lola Mildred nang makita ko sya sa labas.

"Meron. Kina Kapitan. Halika" sabi naman ni Lola Mildred. Sumunod naman ako sakanya papunta sa isang bahay. Hindi ito ganon kalaki, pero pinturado at sementado na.

"Mildred. Anong sadya mo?" tanong ng isang matandang lalaki na halos kasing edad ni Lola Mildred. Sya ang nagbukas ng pinto sa amin.

"May bakante ka ba jan? Ipapasok ko sana itong alaga ko. Kahit tagahugas lang ng plato o taga laba" sabi ni Lola Mildred sakanya.

"Sakto. Magkakaroon ng handaan mamaya sa bahay. Marunong ka bang maglinis, magluto at maghugas ng plato iha?" tanong ng matandang lalaki sa akin.

"Opo. Tinuruan po ako ni Lola Mildred" sagot ko.

"Sige. Maaari ka ng magsimula at tumulong sa loob. Ako nga pala si Damiel, kapitan ng baryong ito" sabi pa nya.

"Ako naman po si Amy" sabi ko naman.

"Oh sya. Mauna na ako. Ikaw na muna ang bahala kay Amy" sabi naman ni Lola Mildred at naglakad na sya pauwi sa bahay nila.

Pumasok naman ako sa bahay ng kapitan, kasama sya. Pinapunta nya ako sa kusina upang tulungan ang mga tagaluto.

"Pakikuha nga ng sandok Amy"
"Pakibantay nga muna itong niluluto ko"
"Paki hiwa naman nung sibuyas at bawang"
"Amy, iniwan ko yung nililinis ko sa sala, patuloy naman"

Wala akong naging pahinga. Patuloy sila sa pag utos at pakikisuyo sa'kin. Nakakapagod. Gusto kong magwala, pero wala akong karapatang magreklamo, dahil nagtatrabaho lang ako dito. Naalala ko nanaman si Berna. Parang gusto ko tuloy bumawi sakanya at sa lahat ng kasambahay na napalayas at sinigawan ko. Sigurado akong inis na inis na rin sila noon, wala lang silang magawa dahil nagtatrabaho sila at kailangan nila ng pera.

"Amy. Pakihatid naman 'to sa kwarto ng anak ni Kap" sabi ni Manang Cedes sa akin. Matagal na syang nagtatrabaho dito, sya ang naging tagapag alaga ng kapitan noong bata pa sya.

"Sige po" sabi ko at kinuha ang tray ng pagkain na hawak nya.

Itinuro kanina ni Kapitan Damiel ang kwarto ng anak nyang si Ramiel, kaya naglakad ako papunta don, bitbit ang tray.

Kumatok ako ng tatlong beses, pero walang nagbubukas ng pinto. Pinihit ko ang door knob at nakita ko ang isang lalaking nakatalikod. Nakaupo sya sa isang Gaming Chair at nakasuot ang headphone sa ulo nya.

"Victory! Yes! Hah! Mga weak!" biglang sigaw nya, dahilan para magulat ako.

"Ahh sir. Nandito na po ang pagkain nyo" sabi ko at nilapag ko ang tray sa isang maliit na table.

"Ay palaka!" gulat na sabi ng anak ni Kap.

"S-sino ka?" nagtatakang tanong nya, habang tinatanggal nya ang headphone sa ulo nya.

"My name is Crown Amelie, but you can call me Amy" sabi ko naman. "Ito na po ang pagkain nyo sir" dagdag ko pa at itinuro ko ang pagkain sa mesa.

"Nice name" sabi nya naman at tinignan pa ako mula ulo, hanggang paa. "You're pretty... and sexy" nakangising sabi pa nya. Tinignan ko naman sya ng masama bilang sagot.

"My name is Ramiel." pagpapakilala nya naman.

"Walang nagtanong" pabulong kong sabi. Napahalakhak naman sya dahil dito. Narinig pa pala nya yon. Tss!

"I like you" nakangisi pang sabi nya.

I Kidnapped Hatch EvanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon