Chapter 31

132 10 5
                                    

Crown's P.O.V

"Crown!" nagulat ako nang may biglang sumigaw sa pangalan ko.

Pamilyar ang mga boses nila, kaya hindi ako agad lumingon. Damn! Anong ginagawa nila dito?

Lumingon ako at pinagmasdan silang lahat. Hindi pa rin sila nagbabago, halatang hanggang ngayon nagpaplastikan pa rin sila.

"Anong ginagawa nyo dito?" tanong ko.

"Well... napanood ka namin sa balita, so pinuntahan ka namin dito" sagot ni Mae.

Plastik pa din talaga sila hanggang ngayon.

"Ok. Enjoy the beach. I need to go" sabi ko naman. Akmang aalis na ako pero pinigilan ako ni Angeline.

"Why? Let's hang out, tulad ng dati" sabi nya.

As if sinasama nyo talaga ako sa mga hang out nyo. Sinasama nyo lang naman ako kapag kailangan nyo ako.

"Wala ako sa mood makipag plastikan" I simply said.

"Plastikan? Ghad Crown! Ano bang problema mo?" inis namang sabi ni Elaine.

"Ikaw" sabi ko at tinaasan pa sya ng kilay. "I'm just removing toxic people in my life" dagdag ko pa. I flipped my hair at sumabay naman ang hangin sa pag ihip.

"Ang panget lang naman ng resort mo, pero kung magmalaki ka, akala mo kung sino ka!" inis pang sabi ni Elaine sa'kin. Umakyat ang lahat ng dugo sa ulo ko. Pulang pula na ang mukha ko, dahil sa galit. Talagang sinusubukan ako ng babaeng 'to. Ang lakas makapanghusga, mukha namang basura.

"Ang panghuhusga inaayon sa itsura. Kung mukha ka namang basura at ahas na nakawala sa kulungan. Wala kang karapatan" makahulugang sabi ko, dahilan para matahimik sya.

I heard some cheers from the crowd. Mukhang may nakakapansin na sa'min.

Biglang may lumapit sa'kin at niyakap ako mula sa likod. Amoy pa lang, kilalang kilala ko na kung sino. Napansin ko ang tingin ng mga tao, lalo na ang tingin nina Mae, Elaine, Shy at Angeline. Hindi sila makapaniwala.

"Sino sila?" tanong ni Hatch sa'kin.

"Hi I'm El..." hindi pa man natatapos ni Elaine ang sasabihin nya ay nagsalita na ako.

"Some trash na nanggugulo ng buhay ko. Let's go?" pag aaya ko. Tumango lang sya, bilang sagot at naglakad na kami palayo. Lumingon pa ako sandali sakanila at nginisian para lalong maasar.

Hindi naman dahil natutunan ko nang magpatawad at nagpapakabait na ako ay hahayaan ko lang silang husgahan ako. Sawa na rin akong maki belong sa kanila for the sake of connection, ayoko nang makipagplastikan. Kung ayaw nila sa'kin, the feeling is mutual.

"Papunta na pala ang buong Novum. Nabalitaan nila na nandito kaming tatlo kaya sumunod sila. Ok lang ba?" tanong naman ni Hatch.

"Oo naman. Pero Hatch... hindi totoong friend ko si Art" pag amin ko.

"I know" sabi nya naman. "Pero magkakilala kayo, hindi mo lang agad na realize" natatawang dagdag nya.

Tinignan ko naman sya ng nagtataka. Tumawa lang sya at muling nagsalita.

"Girlfriend nya si Charm, magpinsan kayo right?" dagdag pa nya, dahilan para mapanganga ako.

"Seryoso? Akala ko ginugood time lang ako ni Charm. Si Art pala talaga ang tinutukoy nya" gulat na gulat kong sabi. Natawa naman si Hatch, dahil sa reaksyon ko.

"Hatch! Nandito na sila!" biglang sigaw ng kararating lang na si Luke.

Naglakad kami papunta sa gate ng Your Home Resort para salubungin sila.

I Kidnapped Hatch EvanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon