Chapter 3

364 54 35
                                    

Crown's P.O.V

Ngayong araw na ang concert ng grupong Novum sa Pilipinas.
Pinaghandaan at pinlano ko talaga ang araw na ito. Excited na akong mapansin at makita si Hatch.

Inubos ko ang lahat ng natitira kong pera, para sa plano ko ngayong araw, kaya hindi ako dapat mabigo. Kailangan na akong mapansin ni Hatch. I will do everything!

Pagka pasok na pagka pasok ko palang sa loob ay napakarami na agad ng mga tao. May nagtitilian at nagsisigawan na, kahit hindi pa man nagsisimula ang concert.

"Crown!" nagulat ako nang may biglang tumawag sa pangalan ko.

"Shy," mahinang sabi ko sa pangalan nya.

"Super excited na ako na makita sila. Saan ka pala pupwesto? Tabi nalang tayo" masiglang sabi nya.

"Sa VIP seat. Pang VIP ba ang ticket mo?" sabi ko naman. Napansin ko namang nalukot ang mukha nya at matamlay na tumingin sa akin. Naglakad na lamang ako papunta sa pwesto ko at hindi na sya pinansin.

"Novum! Novum! Novum!" sigawan ng mga tao nang magsimulang lumabas ang grupo.

"Hatch Evan I love you!" dinig kong sigaw ng isang babae, dahilan para magpintig ang tenga ko. Nakakairita! Hinanap ko ang boses ng nagsabi nito, malapit lapit lamang sya sa pwesto ko. Pinagmasdan ko ang mukha nya, hindi naman pala kagandahan. Inalis ko na lamang ang tingin ko sakanya dahil sigurado naman akong wala syang laban sa'kin.

Nang matapos ang unang kanta ng grupong Novum ay pumasok muna sila sa backstage at ang emcee muna ang kumausap sa amin. Ang mga back-up dancer din ay sumayaw, upang hindi mainip ang mga manonood.

Nakatanggap ako ng message mula sa mga inutusan ko at napangiti ako nang mabasa ko ito. I went to the backstage and I smirked when I noticed na balisa silang lahat.

"Who are you?" tanong ni Josh sa akin.

"You look familiar" pabulong namang sabi ni Hatch, dahilan para mapalingon kaming lahat sakanya.

Pa'no ako naging pamilyar kay Hatch? Is it because of Dad? Maybe... Business Industry nga naman!

I can't believe that I exist in Hatch's life and memory. I'm so happy!

"I... Hinahanap ko si Art, sabi nya magkikita kami dito" sabi ko naman.

"Ikaw ang girlfriend ni Art?" tanong pa ni Josh.

"Nope. I'm his friend" sabi ko naman. "Anong nangyari sakanya? I noticed that he's uneasy kanina. Hindi nya naaayos ang pag strum nya" sabi ko naman.

"Napansin din namin yon. Nakainom ata sya. He passed out, pagkapasok namin dito" sabi naman ni Hatch, dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko. I felt suffocated. Hindi ako makahinga, dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"So... bakit mukha kayong balisa? Is there any problem? Maybe I can help" sabi ko pa.

"Marunong ka bang mag gitara? Kaya mo bang palitan si Art sandali?" tanong ni Hatch.

"Yup. Memorize ko rin ang mga kanta nyo. You can count me in" nakangiti namang sabi ko.

"Problem solved!" masayang sabi nila at nginitian ako.

Lumabas kaming lahat ng sabay sabay sa stage. Lahat ay nagtataka nang mapansing wala si Art at isang babaeng hindi pamilyar sakanila ang pumalit. But when they noticed that I'm good, boys are even shouting and cheering for me.

"The guitarist is so pretty! What's her name?" I heard someone shouted.

Nang matapos naming kantahin ang lahat ng kantang dapat kakantahin ng Novum ay tinanong kami ng Master of the ceremony or the Emcee.

"We want to know kung bakit nawala si Art. What happened?" tanong nya.

"Nagkaroon lang po ng Emergency." simpleng sagot ni Josh.

"Eh yung guitarist na pumalit sakanya? What's her name?" sigaw ng isang lalaki na nasa baba.

"My name is Crown Amelie" I simply said.

"Ang galing mo! Ang ganda mo pa!" sigawan ng mga grupo ng kalalakihan sa isang banda. I just smiled as an answer.

"Thank you" nakangiting sabi ni Hatch sa akin, pagkatapos ng concert. Nasa backstage na kami ngayon at nag aayos ng mga gamit.

Para akong madudurog dahil sa ngiti nya. Napakasarap pagmasdan!

"I-It's a pleasure" I simply said.

"Grabe! Thank you talaga Crown! Niligtas mo kami kanina!" masayang sabi ni Luke, part din sya ng grupong novum. I just smiled as an answer. Hindi ko talaga alam kung anong sasabihin ko.

"Sama ka sa'min? Mag ce celebrate kami sa bar" nakangiting sabi ni Josh.

"Uhm... Is it okay? I'm not part of the group. Kayo kayo lang dapat ang nagce-celebrate" sabi ko naman.

"Ano ka ba! Today, when you helped us, you became part of the group" sabi naman ni Josh, dahilan para mapangiti ako ng malapad. I'm so happy. Ito na ata ang pinakamasayang araw ko. Nagawa ko ang gusto ko— ang tumugtog sa harap ng maraming tao, nakasama ko pa si Hatch.

"Thank you" I blushed.

"Sama ka na?" tanong pa ni Josh.

"S-sure" I said shyly "Si Art pala, ano nang nangyari sakanya?" dagdag tanong ko pa.

"Pinauwi ko na sa driver nya. Bagsak na bagsak" natatawa namang sagot ni Luke.

"Hindi ba sya sasama?" tanong ko.

"Hindi na. Mahirap gisingin 'yon pag lasing" Sagot ni Luke. I sighed in relief.

Mabubuking ako kung makakasama ko sya. He's not my friend, ni hindi nya nga ako kilala. I just used that as an excuse.

Nang makarating kami sa bar ay kumuha kami ng private room, para kami kami lang ang magkakasama. It's an advantage for me. Mas madali kong magagawa ang plano ko.

"I heard last concert nyo na 'to. Why?" pag uusisa ko. Napansin ko namang nag iba ang mga itsura nila at napatingin silang lahat kay Hatch.

"I-It's private. Hindi pa namin pwedeng sabihin ang dahilan" sagot ni Josh.

"So It's true?" I asked.

"Yes" sabay sabay at malungkot nilang sabi.

"So... How's my performance? It's my first time performing sa harap ng napakaraming tao" pag iiba ko sa usapan.

"Talaga?" gulat na tanong ni Prince. Isa ring member ng Novum. "Masyado kang magaling para sa isang first timer" papuri pa nya.

"Hindi naman. Hilig ko lang talaga" sabi ko naman.

Kinuha ko ang wine bottle na dala ng waiter kanina at nagsalin ako ng wine sa mga baso nila. Habang wala ang atensyon nila sa akin ay dahan dahan at maingat kong inilagay ang sleeping pill sa mga inumin nila.

"Cheers!" nakangiting sabi ko. Itinaas ko pa ang baso ko. Itinaas rin nila ang mga baso nila at sabay sabay sinabing "Cheers!"

Nag message ako sa mga taong kinuha ko, para i inform sila sa nangyayari. Maya maya lang ay tumumba at nakatulog na silang lahat, sakto naman na pagpasok ng mga tauhan ko.

"Handa na ba ang sasakyan?" tanong ko.

"Yes Ma'am. Nakahanda na ang lahat." sabi naman ng isa sa mga tauhan ko.

"Good. Get him" I ordered.

I Kidnapped Hatch EvanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon