Chapter 13

222 44 5
                                    

Crown's P.O.V

Kinabukasan ay maaga akong nagising, dahil may trabaho pa ako. Iniwan ko na muna sila sa bahay nina Kirsten, at nagsimula na ako sa mga dapat kong gawin.

Konting pera nalang naman ang kailangan ko, makakauwi na kaming dalawa ni Hatch sa Manila.

Sa totoo lang, ayoko pang umalis dito. Ayoko nang umuwi. Ok na kami ni Hatch eh. Nagiging malapit na kami sa isa't isa. Pero... ayoko namang maging unfair sakanya. He deserved to know the truth. I realize na, hindi naman pwedeng habang buhay ko syang lolokohin.

"Ito na yung mga kailangan mong labhan. Pakiplantsa na rin, para maganda pag sinuot ko" sabi ni Sandara, ang maarteng anak ni Aling Bebang.

"Kahit gaano kaganda yung damit, pangit pag ikaw ang nagsuot" pabulong kong sabi.

"What?" mataray nyang tanong. Nakataas pa ang isa nyang kilay at masama ang tingin sa'kin.

"Wala. Magsisimula na po ako Madam" sarkastikong sabi ko.

Kairita! Pasalamat sya kailangan ko ng pera. Kung hindi, baka nginudngod ko na sya sa tae ng kalabaw. Kainis!

Nang matapos akong maglaba at mamlantsa ng mga damit nila ay inabot na sa'kin ni Sandara ang bayad.

"Kapag marumi pa 'to, ibalik mo pera ko ah" mataray nyang sabi.

"Mas madumi ka naman jan" pabulong kong sabi.

"What?" inis na sigaw ni Sandara.

"Sabi ko ho salamat. Mauna na ako" sarkastikong sabi ko at naglakad na ako palayo sakanya.

Pasalamat talaga sya, kaya ko nang pigilan ang sarili ko. Kairita talaga! Akala mo kung sinong maganda, mukha namang paa. Tsk!

Pagdating ko sa bahay nina Lola Mildred ay nagtaka ako dahil sa katahimikan.

"Wala ba sila sa bahay?" tanong ko sa sarili ko.

Baka hindi pa umuuwi si Hatch, galing kina Kirsten.

Sina Lolo Ador at Lola Mildred naman? May trabaho ba sila?

Nanlaki ang mga mata ko, nang buksan ko ang pinto. I'm lost for word. I Felt like a cold wind went right through me. Para akong binuhusan ng malamig na tubig, dahil sa pinaghalong kaba at pagkagulat.

Anong ginagawa nya dito?

"C-Crayden?" gulat kong tawag sa pangalan ng lalaking sumalubong sa'kin.

"Happy Birthday sis" He said, teary-eyed.

Oh. Birthday ko pala ngayon, hindi ko man lang naalala. What a great birthday gift. Kung sino pa yung taong hindi ko gustong makita, sya pa yung bubungad sa'kin. Wow!

"What are you doing here? Pa'no mo ako nahanap?" seryosong tanong ko.

"We missed you" mahinang sabi nya, habang nakayuko.

"Hah! Big word! Bakit nyo naman ako mamimiss, wala nga kayong pakialam sa'kin diba? You're not my family anymore, pinalayas nyo 'ko diba?" sigaw ko sakanya.

"I'm sorry Princess. Hindi mo alam kung gaano kalungkot ang bahay, since you left"malungkot nyang sabi. Tumawa naman ako ng may pagka sarkastiko, dahil sa sinabi nya.

"Oh come on Crayden! Alam nating pareho na baka nagpa party pa si Dad, kasi wala na syang pabigat na anak" sabi ko naman.

"I'm sorry" nakayuko pang sabi ni Crayden.

"Stop saying sorry! Wala namang magagawa yan eh. Mabuti pa, tantanan nyo nalang ako! Leave me alone! Tutal tinakwil nyo na naman ako sa pamilya nyo, diba?" inis kong sabi.

"H-hindi totoo yan Crown. Ikaw ang lumayas" nakayukong sabi ni Crayden.

"Hindi ako lalayas, kung hindi ako pinalayas ng magaling mong Ama!" pasigaw kong sabi.

"Umalis ka na" seryosong sabi ko pa.

"But..." hindi ko na pinatapos ang dapat na sasabihin ni Crayden, dahil pumasok na ako sa kwartong tinutulugan namin ni Hatch.

I burst into tears, habang yakap yakap ko ang unan ko. Hinayaan ko lamang tumulo ang mga luha sa mata ko, dahil kahit anong punas ko, patuloy pa rin sila sa paglabas.

Damn! Bakit kailangan pa nyang pumunta dito? Masaya na ako ngayon. I don't need them!

Hah! Ang kapal ng mukha nya! Kung makapagsalita sya kanina, akala mo ok kami. He called me Princess again.  Yung huling beses na tinawag nya akong Princess, hindi pa namin alam ang salitang problema, 7 years old pa lang ata ako non.

"Ahhhh!" I shouted. Wala na akong pakialam kung sino man ang makarinig. Gusto ko lang sumigaw at ilabas ang sakit na nararamdaman ko.

Nang mahimasmasan ako ay lumabas na ako ng kwarto at pumunta sa sala.
Nandoon sina Lola Mildred, Lolo Ador, Hatch, Kirsten at Makoy.

"Nandito ho ba kayo kanina? Pasensya na po sa nangyari" nakayukong sabi ko.

"Ano ka ba iha. Ayos lang yon. Ikaw kumusta ka na?" tanong naman ni Lola Mildred. Bigla ko naman syang niyakap, then tears welled up in my eyes again.

Naramdaman kong hinahaplos ni Lola Mildred ang likod ko, gamit ang palad nya.

Sumunod namang nakiyakap si Kirsten sa'min. Tapos ay sumunod din sina Makoy, Hatch at Lolo Ador.

Ghad! This is family! Hindi ko man sila kadugo, mas ramdam ko naman ang care ng isang pamilya sa kanila. Sana sila nalang ang naging pamilya ko. Sana hindi nalang ako naging anak nina Mommy at Daddy. Pakiramdam ko naman mas magiging masaya sila kung si Crayden lang ang anak nila.

"Everything will be ok. Kakayanin mo yan, ikaw pa ba" pagpapagaan ni Kirsten sa loob ko.

Nang bumitaw kami sa pagkakayakap ay umupo na ako sa tabi ni Hatch. Bigla naman syang umakbay sa'kin at pinisil pa ang pisngi ko.

"You look ugly, when you cry" sabi nya, dahilan para matawa ako.

"Ewan ko talaga sa'yo" sabi ko at binatukan pa sya.

"S-si Crayden?" pabulong kong tanong kay Hatch. Kahit naman galit ako don, kapatid ko pa rin yon.

"Nasa kwarto nina Lola Mildred. Mamaya na sya babyahe. Pinagpahinga muna nina Lola. Mahaba haba rin daw ang binyahe nya. Napagod" sabi naman ni Hatch. Tumango lang ako, bilang sagot.

"Ok ka na Ate Amy?" tanong ni Kirsten sa'kin.

"Oo naman. Strong Independent Crazy Woman ako diba" sagot ko, dahilan para matawa silang lahat.

"Ang gwapo ng kuya mo" nahihiyang sabi ni Kirsten, dahilan para mabatukan sya ni Makoy.

"Mas gwapo naman ako don no" sabi pa ni Makoy.

"Sus. Ikaw ah. Selos ka?" pang aasar ko kay Makoy.

Namula naman ang mukha nya at tumanggi sa sinabi ko.

"Halata ka masyado boi" pabulong kong sabi, habang tinatawanan sya.

Inakbayan nya naman ako at akmang sasakalin, gamit ang braso nya, pero pinigilan sya ni Hatch. Tinanggal ni Hatch ang kamay ni Makoy sa leeg ko at tinignan pa nya ng masama si Makoy.

"Bakod ka kuya Hatch? Napaka seloso" pang aasar ni Kirsten.

Hindi naman sumagot si Hatch, pero bigla nya akong niyakap mula sa likod ko.

"Namumula si Ate Amy! Ayiee! Kinikilig!" pang aasar pa ni Kirsten.

"Itulak kaya kita kay Makoy" inis kong sabi sakanya.

"Ito naman! Joke lang naman Ate Amy. I love you" nakangiting sabi ni Kirsten.

"Or itulak kita kay Crayden" sabi ko pa, dahilan para matahimik si Kirsten.

"Ehem!" singit naman ni Makoy, dahilan para matawa kaming lahat.

I Kidnapped Hatch EvanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon