Chapter 25

218 33 4
                                    

Crown's P.O.V

Maaga akong nagising para puntahan si Hatch sa kwarto nya. Nangako ako sakanya na pag gising nya, mag uusap kami.

"Si Hatch?" tanong ko kay Josh, tulad ko ay maaga rin syang nagising.

"Tulog pa" sabi naman ni Josh. Tumango lang ako, bilang sagot.

Papasok sana ako sa kwartong tinutuluyan nya, pero biglang nag ring ang phone ko.

*CRAYDEN CALLING

Crayden? Bakit sya tumatawag?

"Hello?" tanong ko, pagkasagot ko sa tawag.

"Crown si Mommy!" sigaw nya.

"Anong nangyari kay Mommy?" nag aalalang tanong ko.

"Pumunta ka na dito sa bahay. Please!" malungkot nyang sabi.

"Ano bang nangyari kay..." hindi ko naituloy ang dapat na sasabihin ko nang biglang namatay ang tawag.

Dali dali ko namang kinuha ang susi ng kotse ko, para agad akong makauwi sa bahay.

"Anong nangyari? Bakit ka nagmamadali?" tanong ni Josh.

"Emergency" simpleng sabi ko. Naglakad na rin ako palabas at hindi na sya pinansin.

Pagkarating na pagkarating ko sa bahay ay dali dali akong bumaba at tumakbo papunta sa kwarto ni Mommy. Wala na akong pakialam kung maayos ba ang pagkaka park ng kotse.

Dali dali kong pinihit ang door knob ng pinto. Kinakabahan ako, pero hindi ko muna masyadong inisip yon. Gusto ko lang masiguro na ok si Mommy.

"Crown..." tawag ni Crayden sa pangalan ko. Nakaupo silang dalawa ni Dad sa tabi ng bed ni Mommy. Nakahiga naman si Mom sa kama nya, habang kinakausap sya ng Family Doctor namin.

"Anong nangyari?" nag aalalang tanong ko.

"Nahimatay si Mom kanina" sabi ni Crayden.

"What? Why? Ano bang nararamdaman mo Mom? Hindi ka ba nag t-take ng vitamins mo? Anong nangyari Doc?" nag aalalang tanong ko.

"Chill Crown" sabi naman ni Crayden na kinainis ko.

"Chill? Pinauwi mo ako dito, mula sa malayo. Sinabi mong nahimatay si Mommy. Tapos sasabihin mo sa'kin Chill?" inis kong sabi sakanya.

"Nag alala rin naman ako kanina. Akala ko kung ano nang nangyari, kaya nga natawagan kita eh. Pero ok na naman daw sya" sabi naman ni Crayden.

"Anong ok? Panong ok?" tanong ko.

"Congratulations!" sabi ng Doctor.

"What?" nagtatakang tanong ko.

"Your Mom is Pregnant. Magkaka kapatid ka na" sabi naman ni Dad, dahilan para matahimik ako.

Pregnant? Kapatid?

Mapait naman akong natawa nang ma realize ko ang sinabi ni Dad.

"Oh! Congrats. Sana lalaki sya. Kasi kung lalaki sya, baka maging favorite mo din, tulad ni Crayden. Ayoko namang maranasan nya yung pinaranas mo sa'kin. Sana rin maging kasing talino, kasing galing, at kasing bait nya si Crayden. Para hindi mo ipamukha sakanya na wala syang kwenta" sabi ko kay Dad. Bastos na kung bastos!

"Crown!" suway ni Crayden.

"Ano? Bastos nanaman ako? Ako nanaman yung mali? Ang sama sama nanaman ng ugali ko? Wala talaga akong kwenta? Bakit hindi kita gayahin?" inis kong sabi kay Crayden, inirapan ko pa sya pagkatapos. "Alam ko na 'yan! Ganyan talaga ako!" dagdag ko pa.

"Mauna na ako. Congrats!" sabi ko pa nang hindi sila magsalita.

Lalabas na sana ako sa kwarto, pero pinigilan ako ni Mommy.

"Crown anak, dito ka muna please. Kahit ilang araw lang. Please!" sabi nya, dahilan para mapalingon ako sakanya.

"Para saan pa Mom? Para ipamukha nyo nanaman sa'kin na hindi ako parte ng pamilyang 'to? Para sabihan nyo nanaman akong walang kwenta? Pinalayas nyo na nga ako dito diba, wala na akong lugar dito. Kasi kahit kailan hindi nyo ako naging pamilya. Kayo lang yung pamilya! Ako, iniwan nyo ako, pinabayaan nyo ako! Mag isa na lang ako!" inis kong sabi.

"Ma'am, I suggest huwag po muna nating pasamain ang loob ng pasyente. Maselan po ang pagbubuntis nya, baka ikapahamak ng Mommy mo o ng bata" singit ng Doctor. Natahimik naman ako, dahil don. Galit ako sakanila, pero ayaw ko naman na may mangyaring masama sa kanila.

"Fine! I'll stay! Pero kapag ok ka na, aalis na ako. May trabaho rin ho ako" sabi ko nalang.

"Thank you anak. Thank you!" nakangiting sagot nya.

"Sir ito na po yung fruits na pinabili nyo" sabi ng kapapasok lang na si Bernadette. Inabot nya rin ang basket of fruit kay Dad.

"M-ma'am Crown, m-may ipag uutos po ba kayo?" kinakabahang tanong ni Berna, nang mapansin nya ako.

"Wala naman Berna, thank you" sabi ko at nginitian sya. Mababakas naman ang pagkagulat sa mukha nya.

"Sige po Ma'am, mauna na po ako" sabi nya naman, mag b-bow sana sya pero pinigilan ko sya.

"Don't! Hindi ako ang nagpapakain sa'yo, kaya 'wag mo na akong ituring na parang reyna" sabi ko pa. Tumango lamang sya at umalis na.

"Ikaw ba talaga yan Crown?" nagtatakang tanong ni Crayden.

"Hindi. Picture ko lang 'to" pilosopong sabi ko at inirapan pa sya.

"Ikaw nga" tatawa tawang bulong nya. Tsk!

"Labas lang ho ako" sabi ko at agad na akong lumabas sa kwarto nina Mommy at Daddy. Dumiretso ako sa kusina, para magluto ng makakain. Nagugutom na rin kasi ako.

"Ma'am nagugutom po ba kayo? Ano pong gusto nyong pagkain? Ipapaluto ko po sa personal Chef nyo" salubong ni Berna sa'kin.

"Wala na bang ulam at kanin na natira?" tanong ko.

"Nako Ma'am, wala na po. Naubos na. Kanin nalang po ang meron, pero hindi na po 'yon mainit" sabi nya naman.

"Ok" simpleng sabi ko. Naglakad na lang ako papunta sa ref, para kumuha ng egg at potato.

"Ma'am ako na po jan" sabi ni Berna nang kumuha ako ng kutsilyo, para hatiin ang patatas.

"Hindi na. Kaya ko 'to. Maupo ka nalang" sabi ko naman.

Nagluto ako ng Omelette at ng fried rice. Habang nagluluto ako ay hindi inalis ni Berna ang tingin nya sa'kin. Naninibago siguro sa ikinikilos ko. Hindi na kasi talaga ako sanay na pinagsisilbihan.

"Uhm Berna, pwedeng mag request?" tanong ko nang maihapag ko na ang pagkain sa lamesa.

"Oo naman po Ma'am. Ano po ba 'yon?" tanong nya.

"Pwede mo ba akong sabayang kumain?" tanong ko na ikinagulat nya.

"P-po?" hindi makapaniwalang tanong nya.

"Pwede ba?" tanong ko pa.

"Sigurado po kayo?" paniniguro nya.

"Oo naman!" nakangiting sabi ko naman.

"Sige po Ma'am. Mukhang masarap po ang niluto nyo eh" masayang sabi nya.

"Berna... sorry" mahinang sabi ko, nang magsimula kaming kumain.

"P-po? Para saan po?" tanong nya.

"Sa lahat. Sa lahat ng ginawa ko sa'yo. Sorry kung ang sama sama ko sa'yo. Ang dami kong inutos na kaya ko naman. Pinahirapan kita ng sobra. Sorry" nakayukong sabi ko.

"Nako Ma'am, ok lang po yon. Trabaho ko ho yon" sabi nya naman. Nakita kong may pumatak na luha mula sa mga mata nya, kaya dali dali ko itong pinunasan gamit ang panyo ko.

"Sorry ulit. Thank you din sa pagtitiis sa'kin" sabi ko at niyakap pa sya ng mahigpit. Niyakap nya rin ako pabalik.

I Kidnapped Hatch EvanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon