Chapter 35

136 11 1
                                    

Crown's P.O.V

"Kinakabahan ako!" sabi ko kay Hatch, habang nagbabyahe kami papunta sa bahay nila.

Napagdesisyunan kasi nya na ipapakilala nya ako sa parents nya ngayon. Sa kanila kami kakain ng lunch.

"Don't be Nervous. Hindi naman nangangagat ang parents ko" pagpapa light nya sa usapan, dahilan para matawa ako. "Pero seryoso, 'wag ka ngang kabahan. I'm sure magugustuhan ka nila" dagdag pa nya, dahilan para mapangiti ako.

"Magugustuhan kaya nila ang gift ko?" kinakabahang tanong ko kay Hatch.

"Oo naman. Adik sa red glossy lipstick si Mommy, limited edition pa yang nabili mo. Si Dad binili mo ng Brewed coffee, adik sa kape 'yon. For sure magugustuhan nila yan" sagot nya, dahilan para mapangiti ako.

"Nandito na tayo" sabi ni Hatch, maya maya. Napaupo ako ng maayos at agad na tinanggal ang seatbelt.

Pinagbuksan naman ako ng pinto ng kotse ni Hatch at inalalayang bumaba.

"Wow!" komento ko nang mapagmasdan ko ang bahay nila. Nakakamangha ang laki at ganda nito. Mas malaki ang bahay namin na pinundar nina Mommy at Daddy, pero mas modern ang design nito. Sobrang nakakaakit pa ang garden na may iba't ibang makukulay na bulaklak.

"Mahilig si Mom sa mga bulaklak. Sya mismo ang nag aalaga sa garden na yan" sabi naman ni Hatch nang mapansin ang pagkahanga ko sa garden.

"Tara na?" tanong pa nya. Tumango lang ako, bilang sagot. Hinawakan nya naman ang kamay ko, para hindi ako kabahan.

Bubuksan na sana ni Hatch ang pintuan ng bahay nila, pero nauna na itong buksan ng isang babaeng familiar sa'kin. Kamukhang kamukha nya talaga si Hatch. Parang babaeng version nya. Parang hindi sya Mommy, sa ganda nya.

"Good Afternoon po!" pagbati ko. Lumapit naman sya sa'kin and she pull me close to a hug. She kissed my right cheek first, then she kissed my left cheek.

"Crown Amelie, right?" tanong ng Mommy ni Hatch. Pati ang boses nya, ang gandang pakinggan.

"Ako nga po" nahihiyang sabi ko.

"You're really pretty. Ang galing talaga pumili ng anak ko" natatawang sabi nya. Nahihiyang nakitawa naman ako sakanya.

"You can call me Tita Dawn or Mommy" nakangiting sabi pa nya. "I'm Hatch's Mom" dagdag pa nya.

"Pasok tayo?" pag aaya pa nya sa'min sa loob. Naglakad naman kami at dumiretso sa sala.

"Uhm... Tita, may dala po akong cookies, gawa ni Mommy" sabi ko at inabot sakanya ang box na punong puno ng cookie. Tinanggap nya naman ito at inilagay sa ref.

"It was so thoughtful of you. I really like you" nakangiting sabi ni Tita Dawn.

"Thank you po" nakangiting sabi ko.

"Mom, si Daddy?" tanong ni Hatch kay Tita Dawn.

"Nagbibihis pa, pababa na 'yo... Ayan na pala" hindi na natapos ni Tita ang sasabihin nya nang may bumaba sa hagdan nila, ang Daddy ni Hatch.

"Nandito na pala ang soon to be wife ng anak ko" salubong ng Daddy nya, dahilan para matawa ako.

"I'm Giovanni, Evan's Father" sabi pa nya at nginitian ako. Mukhang sakanya nakuha ni Hatch ang ngiti nya, parehong nakakabighani.

"I'm Crown Amelie po" pagpapakilala ko naman.

"Mom, Dad, may ibibigay daw si Crown sainyo" singit ni Hatch. Siniko ko naman sya dahil don. Inunahan ba naman ako!

"I hope you'll like it po" nakangiting sabi ko, habang inaabot ang paper bag sakanila.

"OMG! I wanted to buy it! Ikaw pala ang nakabili! Thank you Crown!" masayang sabi ni Tita Dawn nang makita ang lipstick.

I Kidnapped Hatch EvanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon