Chapter 23

238 35 5
                                    

Crown's P.O.V

"Are you ready Crown?" tanong ni Kirsten sa'kin.

"Ako ready na. Ikaw hindi pa. Magbihis ka na nga!" sabi ko naman.

"Bakit kasi pati ako?" inis nyang tanong.

"Aba malamang! Isa ka sa may ari ng Your Home!" sabi ko pa.

Makalipas ang ilang taon, itinuon lang naming tatlo nina Makoy at Kirsten ang oras namin sa beach resort. It all paid off. Naging sikat ang resort namin sa mga bakasyunista. Gustong gusto nila ang ambiance ng resort. Instagramable din kasi ito. Nakakasosyal mag picture. Affordable din sya, kaya marami talaga ang nagpupunta lalo na kapag summer, tulad ngayon.

"Ang tagal nyong dalawa mag ayos. Parating na ang mag iinterview!" sabi ng paparating na si Makoy.

Kasabay ng pagsikat ng resort, marami ang gustong mag interview sa'min. Gusto nilang malaman ang history ng resort at ang background ng mga may ari.

Pagdating nila ay agad nilang inayos ang set. Pinaupo na rin nila kami at sinimulan na nilang magtanong. Noong una ay tungkol lang sa history ng resort, hanggang sa maging personal na.

"Ms. Crown, Isa ang pamilya mo sa may pinaka malaking business sa Pilipinas. Ang pera ba nila ang dahilan kaya madaling sumikat ang Resort nyo?" tanong ng isa sa mga Interviewee.

"No. They didn’t even know I had a beach resort. Lahat ng 'to, pinaghirapan naming tatlo. Wala kaming hininging tulong sakanila" sagot ko.

"Hindi nila alam? Ibig sabihin, hindi kayo magkasundo ng pamilya mo?" tanong pa nya.

"I'm sorry. I refuse to answer your question" simpleng sagot ko.

"Gustong malaman ng lahat kung may mga special someone ba kayong tatlo sa buhay nyo. Can you give us a hint?" sabi pa nya.

"I'm courting her. I like Kirsten" sabi ni Makoy. Umakbay pa sya kay Kirsten kaya biglang namula ang pisngi nito.

"Ang Beach Resort muna ang focus ko ngayon. Wala pa sa isip ko ang mga ganyan" seryosong sagot ko.

Nang matapos ang interview ay nagpaalam at nagpasalamat na sila sa amin.

Kaming tatlo naman ay pumunta nalang sa dagat para magpa tan. Wala rin naman kaming gagawin.

Nagkukwentuhan kami nina Makoy at Kirsten, habang nakaupo kami sa white sand ng beach. Nakapaikot kaming tatlo, habang nagpapatawa si Makoy.

Natigilan silang dalawa at napatingala, habang nakatingin sa likod ko.

"Ohmygod!" biglang sabi ni Kirsten.

Nagulat ako nang biglang may magpatong ng towel sa likuran ko.

"Cover yourself. I don't want any of those guys checking you out" malamig ang boses nya nang sabihin nya yon.

My heart was racing. After how many years, ngayon ko nalamang ulit narinig ang boses nya.

Dahan dahan akong napalingon sakanya at natigilan nang masiguro kong sya nga ang nakikita ko.

"Crown..." banggit nya sa pangalan ko.

I feel like I'm drowning. I can not breathe. My world seemed to stop. Hindi ako makapaniwala. Totoo ba talaga itong nakikita ko? Am I dreaming?

"H-hatch... A-anong ginagawa mo dito?" gulat kong tanong. Hindi pa rin ako makapaniwala.

"I came here to apologize. I'm sorry" mahinang sabi nya.

"For what?" I asked. "Ako yung may ginawang mali. Kung hindi dahil sa'kin, baka kasal ka na ngayon. Kung hindi dahil sa'kin, hindi ka sana nakalimot. I'm sorry" dagdag ko pa.

"No. I'm sorry if I'm stupid. I'm sorry, I was too much of a coward. Sorry kung nasaktan kita. Sorry sa mga masasakit na salitang nasabi ko sa'yo. Sorry kung duwag ako at pinairal ko ang pride ko. I love you Crown. I'm sorry if I'm late. Late ko nang na realize na mahal na mahal pala kita. Nung narealize ko naman, hindi na kita mahanap. Bigla ka nalang nawala, wala ring gustong magsabi kung nasaan ka. But now... Ayoko ng sayangin yung pagkakataon. I just want you to know how much I love you. I love you Crown Amelie" sabi nya.

Napakurap pa ako ng paulit ulit, dahil sa sinabi nya.

"Nananaginip ba ako?" tanong ko.

Dahan dahan syang lumapit sa'kin. I felt his rock hard body pressed against mine. Ipinikit ko ang mga mata ko at pinakinggan ko ang pagtibok ng puso nya. I sniffed his scent and I smiled. Ghad! I miss this! Even his sweat smells like heaven.

"I miss you" pabulong nyang sabi sa'kin.

"I miss you too" mahinang sagot ko.

Bumitaw sya sa pagkakayakap sa'kin at lumayo ng konti. Hindi ko naman maiwasang hindi manghinayang. Ghad! Kung pwede lang na yakapin sya buong maghapon.

"Do you still love me Crown? Hindi pa ba huli ang lahat?" tanong pa ni Hatch.

Sasagot na sana ako, pero biglang dumating si Ramiel.

"Babe!" sigaw nya.

Lumapit pa sya sa'kin at inakbayan ako.

"Hatch, ikaw pala" sabi nya nang mapansin si Hatch. Inabot pa nya ang kamay nya dito, bilang pagbati. Tinignan lamang sya ni Hatch at hindi sya kumibo, kaya binawi nalang ni Ramiel ang kamay nya.

Malungkot na tumingin si Hatch sa akin. His eyes is full of sadness.

"H-Hatch... I..." hindi pinatapos ni Hatch ang dapat na sasabihin ko.

"It's ok. I understand. It's too late!" mahinang sabi nya.

"No Hatch! It's n..." hindi na naman nya pinatapos ang sasabihin ko.

"Stop! Alam ko na. I'm sorry. Sorry kung nakagulo pa ako" mahinang sabi nya. May pumatak na luha, mula sa mga mata nya at dali dali nya itong pinunasan.

"Mauna na ako" sabi pa nya at naglakad na sya palayo. Napaluhod ako nang mawala sya sa paningin ko. Naramdaman ko rin ang pagpatak ng mga luha mula sa mga mata ko.

"Anong nangyari?" nagtatakang tanong ni Ramiel.

Tumayo ako at hinabol si Hatch. Lumabas ako sa Resort at hinanap sya. Nakarating ako sa parking lot, nakita ko syang pasakay sa kotse nya.

"Hatch!" tawag ko sa pangalan nya, pero hindi nya ako nilingon. Nagpatuloy lang sya at pinaandar na paalis ang kotse nya.

"Hatch!" sigaw ko pa, pero umalis na talaga sya.

Damn! Bakit kailangang maging ganito? Ok na eh. Ok na sana lahat!

"Are you ok?" tanong ni Kirsten. Sinundan nya pala ako dito.

"I'm not" mahinang sagot ko. Niyakap nya naman ako ng mahigpit at dinamayan.

"Everything will be ok, trust me" pagpapagaan pa nya sa loob ko.

"Hindi ko na alam Kirsten" malungkot kong sabi.

I Kidnapped Hatch EvanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon