Chapter 19

233 32 6
                                    

Crown's P.O.V

"I print mo 'to. 3 copies" sabi ng Senior ko. Ipinatong pa nya ang USB sa desk ko at umalis na.

Agad ko namang inasikaso ang pinapagawa nya, kahit may trabaho rin akong kailangang gawin. Ako kasi ang may hawak ng perang ginagamit ng mga skilled worker ng company, kaya kailangan kong mailista lahat at ma balance ang mga pera.

Hindi pa man ako tapos sa pinapa print ni Ma'am Tessa ay nilapitan na ako ni Ma'am Nel.

"Ibili mo kami ng Coffee. Dalawang Caffe Americano, Dalawang Caffe Latte at Tatlong Cappuccino" sabi nya at inilapag ang pera sa itaas ng Printer.

Ikinuyom ko ang mga kamao ko, dahil sa sobrang inis. Ghad! Accountant ako dito, hindi katulong!

Gusto ko silang tarayan! Gusto ko silang sampalin! But I can't! Kailangan ko ng pera, kaya kailangan kong magtiis. Isa pa, bago lang ako dito, kung gusto kong magtagal, kailangan kong makibagay.

"Pakibilis ah" dagdag pa nya.

"Sige po Ma'am. After kong ma print ang mga 'to, bibili agad ako ng coffee" sabi ko naman.

Inirapan nya naman ako at naglakad na sya papunta sa desk nya.

Ganito ba talaga ang mga senior? Ang sarap ingudngod sa inidoro ng mga pagmumukha. Kairita!

Grabe! Ang ganda ng pa welcome nila sa'kin. First day na first day, ganyan sila agad.

Pagkatapos ng trabaho ko ay agad akong naghanda para umuwi. Paalis na sana ako pero biglang may tumawag sa pangalan ko.

"Crown!" sigaw ni Prince.

"Uhm... Hi!" nahihiya namang sabi ko.

"May lakad ka ba ngayon?" tanong nya.

"W-wala naman. Why?" tanong ko.

"I... uhm..." hindi natapos ni Prince ang dapat nyang sasabihin nang biglang dumating si Hatch.

"Magkasama nanaman kayo? Kayo ba?" pag uusisa ni Hatch. Nagulat naman ako dahil sa tanong nya.

Ganon ba ang tingin nya sa'kin? I told him that I love him. Sa tingin ba talaga nya, hindi pagmamahal 'yon? Na yung fame at pera lang nya ang kailangan ko? Na dahil hindi ko sya nakuha, iba naman ang target ko? Ganon ba talaga kababa ang tingin nya sa'kin?

Damn! Parang dinudurog ang puso ko, dahil sa naiisip ko. Gusto kong umiyak, pero hindi pwede.

"Hindi... pa. But I like her" seryosong sagot ni Prince, dahilan para magulat ako.

"W-what?" gulat kong tanong.

"I like you" diretsahang sabi nya.

"Don't!" seryosong sabi ko naman.

"What do you mean?" nagtatakang tanong ni Prince.

"Hindi mo ako pwedeng magustuhan. If you can, itigil mo na. You don't deserve a person na kagaya ko. Manloloko ako, sinungaling, desperada, and I've commited a crime" sabi ko. Napatingin naman si Hatch sa'kin, dahil don.

"Hah! Kung ayaw mo sa'kin, sabihin mo nalang. Hindi yung sisiraan mo pa yung sarili mo sa harapan ko. Alam ko na yan eh. Technique mo yan para hindi mo ako masaktan" napataas ang boses ni Prince, habang sinasabi nya 'to.

"I'm telling the truth. Pero kung ayaw mong maniwala, then paniwalaan mo kung anong gusto mong paniwalaan. Basta you can't like me, at hindi rin kita magugustuhan" seryosong sabi ko. Tumalikod na rin ako at iniwan silang naka nganga.

Dumiretso ako sa isang park na malapit sa office at umupo sa isa sa mga bench don.

Pinagmasdan ko ang paligid. Natigilan ako nang makita ko ang isang stall ng street foods. May dalawang magkasintahan na kumakain don.

Naalala ko tuloy yung araw na pumunta kami sa stall ni Mang Berting para kumain ng street foods. Mapait akong ngumiti, habang inaalala ko ang mga masasaya naming ala-ala.

Damn! Paano ko ba sya makakalimutan, kung kahit saan ako tumingin, sya ang nakikita ko?
Memories supposed to fade. What's wrong with my heart? Bakit hindi ko sya magawang kalimutan?

"Anong ginagawa mo dito?" agad akong nagpunas ng mga luha sa pisngi ko, nang marinig ko ang pamilyar na boses ni Hatch.

"N-nakaupo" sagot ko.

"Seriously! Pinipilosopo mo ba ako!" inis nyang sabi. "Anong ginagawa mo dito? Bakit ka bumalik? Ganon ka na ba talaga ka desperada? Hindi pa ba sapat yung mga ginawa mo? Diba sabi ko, ayaw na kitang makita! Ayoko nang makita yung pagmumukha mo, ayoko nang lumapit ka pa sa buhay ko. Pero bakit ba lapit ka pa rin ng lapit?" sigaw pa nya.

"I'm sorry. Hindi ko rin naman inaasahang magkikita pa tayo" nakayukong sabi ko.

"Maliit lang ang Cubao Crown. Ba't hindi ka nalang kasi nag stay don!" pasigaw pa nyang sabi.

"I'm sorry. Kailangan ko lang talaga ng maayos na trabaho" mahinang sabi ko.

"Fuck! Ginugulo mo yung buhay ko!" sigaw pa nya. Padabog din syang tumalikod at naglakad palayo sa'kin.

I'm sorry Hatch. I'm really really sorry! Kapag nakaipon ako ng malaking pera, para ayusin yung Beach Resort... hindi mo na ako makikita. Malayo na 'yon, imposibleng magkita pa tayo...

Umalis na lang ako sa park at naglakad na pauwi sa Apartment ko. Hindi pa man ako nakakalayo ay may nakasalubong nanaman akong taong hindi ko nais makita.

Ano pa ba? Ano pa bang pwedeng mangyaring masakit ngayong araw? Sobra sobra na. Ang sakit sakit na!

"Crown..." tawag nya sa pangalan ko.

"Buti naman alam mo pa yung pangalan ko. Akala ko kasi si Crayden lang ang kilala mong anak" seryosong sabi ko.

"I'm sorry" nakayukong sabi ni Mom.

"It's okay. Naiintindihan ko. Yun lang naman ang magagawa ko. Atleast ngayong wala na ako, wala na kayong pabigat na anak" sabi ko pa. Nanginginig na ang boses ko. Gusto ng lumabas ng mga luha sa mga mata ko, pinipigilan ko lang ang mga ito.

"No! Hindi totoo 'yan. Hindi mo alam kung gaano kaming nangulila ng Daddy mo sa'yo" mangiyak ngiyak ding sabi nya.

"Pwede ba! Stop lying Mom! Alam ko naman na baka nagpa party pa si Daddy, kasi wala na ako. Wala na syang anak na pabigat, magastos, palamunin, walang ambag, puro pasarap, brat. Kung talagang nangulila kayo sa'kin... sana hinanap nyo 'ko. Sana sinundo nyo ako. Sana may ginawa kayo. Kayo mismo... hindi yung ipapadala nyo si Kuya. You have all the power and connection para gawin 'yon, pero dahil kinakahiya nyo 'ko, hindi nyo ginawa. Natatakot kayo na mabalita sa media na naglayas yung anak nyo, kaya hindi nyo ginawa. Hanggang sa huli, yung image, yung pera, si Crayden, yun pa rin yung importante sainyo, hindi ako" malungkot kong sabi. Nagsimula na ring magsilabasan ang mga luha mula sa mga mata ko.

"I'm sorry" nakayukong sabi ni Mom. Wala na rin syang masabi, kasi tama ako.

"It's ok Mom. Sanay na naman ako eh. Na kahit anong gawin ko, hindi nyo ako napapansin. Na kahit anong gawin ko, si Crayden pa rin yung magaling. Na kahit anong gawin ko, masama pa rin at kulang sa paningin nyo. Sanay na rin ako na sa t'wing pinapagalitan ako ni Daddy, wala kang ginagawa. Pero si Crayden, kahit gaano pa kalaki yung pagkakamali, hinding hindi nyo sya pinapabayaan ni Daddy. Puro kayo Crayden, Crayden, Crayden. Sabi nyo binibigay nyo lahat sa'kin, pero wala naman kayong ibang binigay kung hindi pera. Yung Love at Care na hinahanap ko sainyo, sa ibang tao ko nakita. Mas minahal pa ako nung mga taong hindi ko naman kadugo. Kaya hindi nyo ako masisisi kung hihilingin ko na sana sila nalang yung pamilya ko, hindi kayo. Alam mo, napapatanong nga ako minsan eh, Anak nyo ba talaga ako?" humahagulgol kong sabi.

Napayuko na lamang si Mommy at wala ng nasabi. Umalis na lang ako at iniwan syang umiiyak don. Alam ko naman wala ring patutunguhan yung pag uusap namin. Sa huli, ako pa rin yung mali. Sa huli, ako pa rin yung masama. Sa huli, si Crayden pa rin yung mahal nila. Ako, sabit lang ata ako sa pamilya nila eh. Yung tipong Display lang, masabi lang na anak nila.

Ang sakit! Ang sakit sakit! Ayoko na. Ayoko nang maramdaman yung sakit na 'to!

I Kidnapped Hatch EvanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon