Chapter 22

228 33 4
                                    

Crown's P.O.V

"Magre-resign ka na ba talaga?" malungkot na tanong ni Ma'am Cassey.

"Kailangan ko pong asikasuhin yung beach resort ko. Sapat na naman po yung naipon ko, sa loob ng ilang taon" sabi ko naman.

Maliban kasi sa trabaho ko ay naghanap pa ako ng mga part time job. Malaki laki rin ang naging sweldo ko sa freelance online job na nakuha ko.

"Mamimiss ka namin" malungkot ding sabi ni Francine.

"Mamimiss ko rin kayo France" sabi ko at niyakap sila isa isa

Maaga pa lang, sinabihan ko na ang boss ko tungkol sa plano kong pagre resign, kaya agad syang nakahanap ng kapalit ko.

Pagkatapos kong magpaalam sakanila ay dumiretso ako sa Mall. Magkikita kami ni Kirsten, tutulungan nya ako sa plano ko sa Beach Resort.

"Ate Amy!" sigaw nya nang mapansin ako. Napatingin tuloy ang mga tao sa paligid. Nakakahiya!

"I miss you too" sabi ko naman.

"Wala naman akong..." hindi ko na pinatapos ang dapat na sasabihin nya at nagsalita na ako.

"Alam ko namang miss mo na ako" tatawa tawang sabi ko.

"Ano? Saan tayo magsisimula?" tanong ni Kirsten.

"Kain muna tayo. Nagugutom na ako" mahinang sabi ko, dahilan para matawa sya. Hinila na rin nya ang kamay ko at naglakad kami papunta sa isang fast food.

Habang hinihintay naming dumating ang order namin, naghanap muna kami ng mauupuan.

"Ate may nakita ka? Puno eh" reklamo ni Kirsten. Umiling lang ako, bilang sagot.

"Crown? Crown ikaw ba yan?" biglang tanong ng isang pamilyar na boses. Damn! Bakit ba hindi ako tigilan ng tadhana?

"Hi Josh" mahinang bati ko. Nakaupo sya sa isang table na good for 6 person.

"Friend mo?" tanong ni Amy sa'kin.

"Friend ni Hatch. Ka banda nya" sagot ko.

"Dito nalang kayo umupo" tawag pa ni Josh sa'min. Dali dali namang umupo si Kirsten at nilagay sa lamesa ang number ng order namin.

"Hay! Sawakas makakaupo na rin" sabi pa nya. Wala na akong choice kung hindi ang umupo.

"Ang bilis namang makahanap ng chix ni Josh! Dala dalawa pa talaga" biglang sabi ni Luke, mula sa likuran ko.

Damn! Bakit hindi nya sinabing may mga kasama sya!

"Kuya Hatch!" biglang sabi ni Kirsten nang mapalingon sya sa likuran ko.

Ngayon ko gustong maranasang lamunin ng lupa. Ghad! Bakit ba palagi ko syang nakikita? Paano ko sya makakalimutan kung palagi kong nakikita ang pagmumukha nya?

"Kirsten" bati naman ni Hatch sakanya.

"Magkakilala kayo?" tanong naman ni Luke.

"Yup. Nakilala ko sya nung nagbakasyon ako, after ng concert" sagot nya naman.

"So she's the girl?" nang aasar na tanong ni Josh.

"What?" nagtatakang tanong naman ni Hatch.

"Yung babaeng dahilan kung bakit ka nagkakaganyan. Yung babaeng dahilan kung bakit mo pinagtatabuyan yung ex mo. Yung babaeng dahilan kung bakit para kang..." hindi pinatapos ni Hatch ang sasabihin ni Josh.

"Shut up!" sigaw nya.

"Wait! Crown? Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Luke, nang mapansin ako. Wala na tuloy akong choice kung hindi ang lingunin sila.

"Ahh... eh... kasama ko si Kirsten" mahinang sagot ko. "W-wala na kasing u-upuan kaya tinawag kami ni J-josh, hindi ko naman alam na may kasama pala sya" dagdag ko pa.

"Ok lang yan. Tatlo lang naman kami. You can join us" sabi naman ni Luke, tinanguan ko lang sya bilang sagot.

Nang dumating ang mga order namin ay nagsimula na kaming kumain. Nagkukwentuhan sila, habang tahimik lang akong nakikinig at kumakain. Nakakailang 'tong oras na 'to. Gusto ko nalang matapos kumain at makaalis na dito.

"Ikaw Crown? Anong ginawa mo, after ng concert? Inaasahan ko pa naman na sasali ka sa showbiz industry, sikat ka na eh. Pero bigla kang nawala" tanong ni Josh, dahilan para mapatingala ako at mapatingin sakanila.

"Uhm... N-nagbakasyon" simpleng sagot ko.

"Pfft! Pareho pa talaga kayo ng sagot ni Hatch" tatawa tawang sabi ni Luke. "Baka mamaya, pareho pala kayo ng pinuntahan ah" dagdag pa nya, dahilan para mabulunan ako. Dali dali naman akong inabutan ng tubig ni Josh.

"Ok ka lang?" tanong pa nya. Tumango lang ako, bilang sagot.

"Uhm... Mauna na kami... May importante pa kaming lalakarin eh" sabi ko nalang at tinapik na si Kirsten, para makaalis na kami.

"Samahan na namin kayo" sabay na sabi nina Josh at Luke.

"Hindi na. Sige Bye!" sabi ko at hinila na si Kirsten palabas.

"Pfft! Natatawa ako!" komento nya nang makalayo kami sa fast food.

"Bakit?" inis kong tanong.

"Eh kasi yung reaction nyo ni Hatch. Pfft! Nahuhuli kayo sa sarili nyong reaction" natatawang sabi nya.

"Ewan ko sa'yo. Asikasuhin nalang natin yung mga papel na kailangan ng beach resort, para matapos na tayo" sabi ko nalang at mas binilisan pa ang paglalakad.

Magdidilim na nang matapos kami sa mga requirements na kailangan para sa beach resort.

"Kapagod pumila ng mahaba" reklamo ni Kirsten.

"True. Uwi muna tayo sa Apartment. Bukas na tayo pumunta sa Your Home Resort" sabi ko naman.

Your Home ang pinangalan namin sa Resort namin, para welcoming talaga sya.

Hindi namin kasama si Makoy ngayon, dahil sya ang nag asikaso sa mga taong kukunin namin para makasama naming mag asikaso sa Beach Resort. Pinromote nya rin ang resort sa social media at sa mga taong kakilala nya.

Kinabukasan ay maaga kaming nagising ni Kirsten para magbyahe papunta sa Beach Resort, doon namin kikitain si Makoy at ang mga makakasama naming magtrabaho sa resort.

"Hala! Ang ganda!" komento ko nang makita ko ang isang arko kung saan nakasulat ang pangalan ng Resort.

"Welcome to Your Home Resort" bati ni Makoy sa'min, pagpasok na pagpasok namin sa Resort. Nag bow pa ang loko.

Inilibot ko ang paningin ko sa lugar, at talagang namangha ako sa ganda nito. This is Heaven! Titignan mo palang, nakaka chill na.

"Excited na ako sa pagbubukas nito!" masayang sabi ni Kirsten.

"Ako din!" pag sang ayon ko.

"Inimbita ko pala sina Lola Mildred sa opening, pati ang family namin ni Kirsten. Ikaw Amy, may gusto ka bang imbitahin?" tanong ni Makoy.

"Uhm... wala" simpleng sagot ko.

"Si Hatch, ayaw mo bang imbitahan namin?" tanong pa ni Makoy.

"Wag. Kung pwedeng wag nyang malaman na nandito ako" mahinang sagot ko. Tumango lamang sya, bilang sagot.

"Iniiwasan mo ba si Kuya Hatch?" tanong naman ni Kirsten.

"Oo" simpleng sagot ko.

"Bakit?" tanong pa nya.

"Ayaw nya na raw akong makita eh, ako nalang yung iiwas" sagot ko pa.

"Pwede bang wag nalang natin syang pag usapan. Para makalimutan ko na rin sya" dagdag ko pa.

I Kidnapped Hatch EvanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon