San Velasco
I tried to move pero ang sakit ng katawan ko. Ang bigat ng mata ko pero pilit akong dumilat. Hindi ganon ka linaw ang nakikita ko pero pilit kong nilibot ang tingin ko kung nasan ako.
Ang sakit sa mata ng maliwanag na ilaw. Madilim ang naaaninag ko sa labas ng bintana pero malinawag ang paligid kung nasaan ako.
I notice someone beside me. Nakayuko sa kama. I tried to move my left hand pero hawak niya yon. When I noticed that he is holding my hands, I felt something that poked my heart. I tried to focus my eyes on him pero ang sakit sa ulo.
He feels familiar.
Pilit kong tinitignan kung sino pero hinihila padin ako ng antok at hindi ko na yon napigilan at nakatulog ulit.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulog pero pag gising ko ay nakita ko si Dave na nasa bintana at may kausap sa cellphone.
"Sige pre... salamat talaga. Balitaan mo nalang ako," aniya at binaba na ang tawag.
Nilibot ko ang tingin sa loob ng kuwarto. Inalala kung anong nangyari at bakit ako nasa ospital. Ginalaw ko ang kanang kamay at naramdaman ang konting kirot dahil sa nakatusok na karayom para sa dextrose.
Paglingon ni Dave ay ako agad ang nakita niya. Noong makitang gising na ako ay nilapitan niya agad ako.
Hinawakan niya ako agad sa kaliwang kamay at naupo sa upuang nasa tabi ng kama ko.
"Kumusta pakiramdam mo?" tanong niya.
"Si... Ethan? Nasan si Ethan?" tanong ko sakaniya.
Naaalala ko kung anong nangyari. We lost our break kaya hindi nakahinto para sa red light.
I felt the familiar anger I had towards Ethan pero kahit ganon ay nakaramdam padin ako ng pag aalala.
"Maayos si Ethan kaya huwag muna siya ang inintindihin mo, okay? Magpahinga ka muna," ani Dave.
He prepared some foods for me. Wala naman akong gana kumain kaya konti lang ang nakain ko tsaka ako uminom ng gamot.
I was sleeping for 17 hours. Kaya pala ang sakit ng ulo ko.
Hindi mawala sa isip ko kung kumusta si Ethan.
Puro ako galos. Mayroon akong tahi sa bandang kanan ng noo ko. Halos hindi nalalayo sa tahi ko noong himatayin ako sa bayan noon.
Baka daw nauntog ako sa pintuan ng kotse noong bumangga sa amin ang sasakyan sa kaliwang intersection.
"May pupunta dito para kunin ang statements mo. May hinala kasi sila na baka sinadiya ang hindi pag gana ng preno. Ayos lang ba?" maingat na tanong ni Dave noong naka inom na ako ng gamot.
"Ayos lang naman pero bago yon, puwede ko bang puntahan si Ethan?" tanong ko kay Dave.
Ethan cheated on me but after all, I still care of him. I can't forget what I saw. He is full of his own blood. Hindi ako kampante sa sinabi ni Dave na ayos lang si Ethan.
"Hindi ka pa puwedeng kumilos masyado. Just stay here, okay?"
"Puwede naman ang wheel chair," pilit ko padin.
"Anya..." si Dave, tila nakukulitan sa akin.
"Hindi ako kampante Dave. Alam kong madaming nawalang dugo kay Ethan. Naliligo siya sa sariling dugo sa huling kita ko sakaniya," ani ko.
Dave sighed and hold my left hand again.
"Ethan is comatose. Hindi ganon kaganda ang lagay niya. That bustard cheated on you and yet you still care? Can you please take care of yourself first, Anya? This is the second time that you were at the edge of death, baka lang nakakalimutan mo. Kung hindi ka nag aalala sa sarili mo, kami nag aalala sayo," ani Dave tila naubusan na ng pasensya sa akin.
YOU ARE READING
Trepidation
FanfictionAnne Yani Alvarado is a Manila girl that was involved in a car accident causing her to have her biggest trepidation in life. Because of the accident her parents died and it caused her the need to continue her life in a small province with her auntie...