Bulaklak
Hindi na niya ako pinigilan at nakaalis ako ng tuluyan. Pumanik na ako sa kuwarto at nag lock ng pinto.
Hindi ko inaasahan na magagalit at sisigawan niya ako. Hindi maalis sa isip ko ang galit niyang mukha dahil sa sinabi ko. Alam kong mali ang mga sinabi ko pero nagalit nga siguro talaga siya dahil nainsulto ko ang girlfriend niya.
Pero sabi niya ay hindi niya girlfriend at wala siyang girlfriend. Kung ganon ay anong dahilan kung bakit sila magkasama at lagi nalang nakadikit ang babaeng iyon sakaniya?
Hindi na ako naniniwala sakaniya.
Hindi ko alam kung anong ikinagagalit ko. Siguro dahil nagsisinungaling siya sakin. Bakit hindi niya nalang sabihin na girlfriend niya talaga? Bakit kailangan niya pang itanggi?
Doon ko na sa kuwarto inintay na makaalis sila. Hindi na ako lumabas. Kahit sumilip sa veranda ay hindi ko ginawa.
Dahil sa paghihintay ay hindi ko namalayan na nakatulog ulit ako at nagising lang noong may kumakatok na sa pintuan ko.
"Miss Anya, kakain na ng hapunan. Nasa hapag na silang lahat. Ikaw nalang ang iniintay," ani ng isang kasambahay.
Parang ayokong lumabas at huwag nalang kumain dahil parang wala akong gana. Gusto ko nalang matulog ulit at bukas nalang gumising.
"Paki sabi magsimula na sila. Susunod na ako. Salamat," ani ko.
Kahit ganon ay pinilit kong bumaba at makisabay sa hapunan.
"Masama bang pakiramdam mo, Anya? Wala pang bawas ang pagkain mo," puna ni Tita na ikinagulat ko.
Hindi ko napansin na pinaglalaruan ko lang pala ang pagkain sa pinggan ko. Umayos ako sa pagkakaupo. Lahat sila ay na sa akin ang atensyon.
"Medyo po," sagot ko.
Pagkatapos ng hapunan na yon ay pumanik na ako at nagtuloy sa kuwarto ko. Ang gusto kong ituloy na tulog kanina ay nawala na. Dahil sa dami ng naitulog ko noong hapon ay nahirapan ako sa pagtulog ulit.
Dahil hindi makatulog ay kinuha ko ang cellphone ko na noon ko lang ulit ginalaw. Hindi ko napansin na meron pala akong natanggap na message.
Unknown Number:
Where are you? Di ka na bumalik.
-JeroI saved his number and replied.
To Jero:
Sorry. Medyo sumama lang ang pakiramdam ko.Pagkatapos ng ilang minuto ay nakatanggap naman ako ng text kay Kyla.
Kyla:
Are you okay?I replied.
To Kyla:
Yup :)Pagkasend noon ay reply naman ni Jero ang pumasok.
Jero:
No need to be sorry. Are you fine now? Need some meds?Nangiti ako sa reply niya. He is worried.
To Jero:
Hindi naman kailangan ng gamot. Just some rest and sleep. Okay na to bukas hahahaha.We talked for more hours hanggang sa nakatulugan ko na siya.
Tanghali na ako nagising kinabukasan. Pag gising ko ay meron ng breakfast sa kuwarto ko. Siguro akala ni Tita ay hindi padin maganda ang pakiramdam ko kaya nagpadala nalang ng almusal dahil tanghali na. Kadalasan kapag walang pasok ay maaga padin akong nagigising.
I checked my phone at may ilang messages doon si Jero.
Jero:
Thank you for your time. Tingin ko tulog kana. Sleep well and rest. Hope you'll feel better when you wake up. Good night :)
YOU ARE READING
Trepidation
FanfictionAnne Yani Alvarado is a Manila girl that was involved in a car accident causing her to have her biggest trepidation in life. Because of the accident her parents died and it caused her the need to continue her life in a small province with her auntie...