Kabanata 8

10 1 0
                                    

Fear

"Masyado ka pang bata para sa manliligaw."

It echoed in my head.

Parang may ibang pahiwatig pero hindi ko mawari.

After that talk, nagpalipas lang ako ng ilang minuto at bumalik na din sa kuwarto ko. Pagkahiga ko sa kama ko ay agad akong hinila ng antok at agad nakatulog.

Hindi ko na alam kung anong oras na siya nakauwi. Hindi ko na din natignan kung nakasagot ba sa reply ko si Ethan. Kaya pagkamulat palang ng mata ko ay tinignan ko agad kung may reply ba at meron nga!

Ethan Fuentes:
Wala kang ideya kung gaano gumaan ang loob ko, knowing that you are fine and you're missing me too.

Hindi ko na alam ang isasagot ko sakanya.

"Anya?"

Dinig ko ang boses ni Kyla.

Hindi ko alam kung dapat ba akong magtulog-tulogan.

Hindi ko padin nakakalimutan ang ginawa niya kagabi. Naiinis padin ako sakaniya.

"Can I come in? Gising ka na ba?"

Alam niya sigurong hindi ko nagustuhan ang ginawa niya kaya ngayon kumakatok siya sa pinto ko.

I busy myself with my phone.

I heard my door opened pero hindi ko nilingon.

"Hey," aniya at hindi ko padin siya pinansin.

"Talk to me please? I know you're mad."

Naupo siya sa kama at inagaw ang cellphone ko. I sighed and turned to her.

Hilaw siyang ngumiti saakin. I rolled my eyes at her.

"I don't like what you did last night," ako.

"I know, that's why I'm sorry."

Nanliit ang mata ko sakaniya.

"Sorry okay? Hindi ko naman alam na magiging ganon ang reaksyon ni Arzel. I just want tease you with Jero," aniya. Medyo naguluhan ako sa sinabi niya.

"Anong reaksyon?" Tanong ko sakaniya.

"Hindi mo ba napansin? He's mad."

I shooked my head at her.

Nagsabay na kaming bumaba at kumain ng almusal. Dave was there too and he offered me a ride to the memorial park dahil meron din pala siyang pupuntahan sa may bayan.

Kyla was out. Hindi ko alam kung saan ang punta. Hindi naman ako inaya kaya hindi ko na inusisa.

Inubos ko ang oras ko sa natitirang dalawang lessons ko. I planned to visit mommy and daddy after lunch.

Isang lesson lang ang natapos ko bago magtanghalian kaya tinapos ko nalang yung isa pagkatapos ng tanghalian. Sinabi ko kay Dave na mga alas tres na kami umalis and he agreed.

"Are you sure you're okay here alone?" He asked. Hinatid niya ako hanggang sa puntod at hindi pa siya makapag desisyon kung iiwan ba ako o hindi.

"I'm fine here," kumbinsi ko sakaniya.

"Dapat pala sinama mo nalang si Kyla."

"She's out. And besides, I want peace of mind," biro ko.

Natawa siya sa sinabi ko. Tila nakuha niya naman ang ibig kong sabihin at sumangayon na din.

Umalis na siya at sinabing tawagan ko siya kung gusto ko ng magpasundo sakaniya.

Hindi siya kampante na iwan ako dito dahil malapit dito sa bayan ang police station. Siguradong may nagkalat na mga unipormadong pulis. But I already set it in my mind. I'll play cool with it. I will control myself. Siguro ay sadyang nabigla lang ako noon, noong sa birthday ni Jes.

TrepidationWhere stories live. Discover now