Guilt
Natauhan ako sa hawak ni Arzel. Noon ko lang naramdaman ang pagod mula sa pagtakto galing sa gymnasium papunta dito sa parking lot.
Nanlaki ang mata ko noong may tumulak kay Arzel. Si Dave iyon na parang tinakbo din ang pag punta dito.
"Bumalik ka na don. Awarding na," ani Dave habang hinihingal. Tinignan niya ang kamay ni Arzel na hawak padin ang palapulsuhan ko at binalik ulit niya kay Arzel ang tingin.
"Ikaw nalang kumuha ng award ko."
"Gago ka ba?"
"Please Dave," pag mamakaawa ni Arzel kay Dave.
Lumapit si Dave sa amin at tinanggal niya ang kamay ni Arzel na nakahawak sa akin.
"Bumalik ka na sabi don. Ako na bahala kay Anya," mariin na sabi ni Dave.
"Dave..." si Arzel na tila pinigilan ang sarili na mag salita.
Nainis na ata si talaga Dave at tinulak ulit si Arzel pero hindi natinag si Arzel. Hinawakan ko sa baraso si Dave para pigilan.
"Bumalik ka na! Iniintay ka nila Tito... pati ni Sophie," ani Dave.
I can say, Arzel and Dave is now different the way they are before. I never see them genuinely happy together anymore. Ever since the day I noticed that there's a tension between, I can still feel it until now.
Specially now.
Kinakabahan ako sakanilang dalawa. I think anytime Dave would really punch Arzel. Hindi ko alam kung ano bang nangyayari sa kanilang dalawa. Hindi ko alam kung bakit nila kailangang pagtalunan kung sino ba dapat ang bumalik sa gymnasium at kung sino ang dapat maiwan dito kasama ko.
"Ako nalang ang uuwi mag isa. Magpapasundo ako kay Mang Lando. Bumalik na kayong dalawa," sabi ko kaya napatingin sila pareho sa akin.
"No," si Dave.
"Ayos na ako, okay? You two should go back to the gymnasium," inis kong sabi sakanila at kinuha na ang cellphone para tawagan si Mang Lando.
Ni isa sa kanila ay walang umaalis.
Nawala na sa isip ko ang nangyari sa loob ng gymnasium dahil sa kaba sakanilang dalawa. Kampante naman na ako na hindi susunod dito si Tito Antero dahil alam niya naman ang kondisyon ko.
I go home with just Mang Lando that day. Hindi mawala sa isip ko ang nakita kay Dave at Arzel. Parang konti nalang ay malapit na silang magsuntukan.
Hindi ko alam kung nakabalik ba silang dalawa ng maayos pero bago mag alas syete noon ay umuwi din naman si Kyla at Dave. Hindi na nagpasundo si Kyla at sinabay nalang siya ni Dave sa motor pauwi.
Noong mag Linggo ay nakita kong abala ang mga kasambahay. Madami silang niluluto. Hapon na iyon at naghahanda na ako para sa pagbisita kay mommy at daddy.
"Anong mayron Kyla?" tanong ko kay Kyla na nasa sala. Mukhang wala siyang lakad para ngayong araw.
"Diba nag champion sila Kuya at Jesther? Today's the celebration. Hindi ko ba nabanggit sayo?"
Umiling ako dahil wala naman siyang nasabi sa akin. Kahit si Dave ay wala ding nabanggit.
Pumanik na ako para maligo at umalis na. It's already 3:30 in the afternoon. Masyadong napahaba ang siesta ko at ngayon lang nagising. Ang sabi ni Kyla ay alas kwatro dadating sila Jesther.
YOU ARE READING
Trepidation
FanfictionAnne Yani Alvarado is a Manila girl that was involved in a car accident causing her to have her biggest trepidation in life. Because of the accident her parents died and it caused her the need to continue her life in a small province with her auntie...